CHAPTER 285: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

659 35 10
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 285: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

"IPAPAKITA ko sa inyo kung bakit ako naging MVP ng Japan College Matches." Hanamichi

Naghiyawan ang apat na ungas sa winika ng kaibigan nila.

"Halaaaaaa nagyabang na naman siya!" Tumatawang sigaw ni Mito.

"Sige lang Hanamichi! HAHAHAHA!" Takamiya

Napairap sa kawalan ang Team Captain na si Koga. "Tssk, ang yabang talaga."

"Babaliktarin na'min ang takbo ng laban." Wika ni Keito.

Napaismid naman si Kiyota. "Idaan niyo sa galawan, huwag sa usapan mga prehh." Wika niya.

Samantala sina Rukawa, Sendoh, at Hanagata ay tahimik lang na nanonood sa kayabangan ng dalawang unggoy.

Muling pumito ang Referee, senyas na kailangan na nilang bumalik at ipagpatuloy ang laro.

*PUMITO!*

Nang magpatuloy ang laban ay tinotoo nga ni Hanamichi ang pinakawalang salita niya. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya kanina.

Pinakita niya sa Yamanashi Prefecture Team kanyang basic reflexes tulad ng mataas niyang talon at bilis ng galaw sa court.

Natalbugan niya ang mga forwards at guards ng Yamanashi Players kahit mga basic moves lang ang ginamit niya. Kahit na ganoon ay nasasakal si Hanamichi dahil hindi niya magawang gamitin ang mga hidden reflexes niya dahil sa kalaban nila ngayon, masyado itong mga mahihina para kay Hanamichi.

Mas gusto niyang kalabanin ang mga Standard Teams tulad ng nakalaban niya sa Intercollegiate Matches na halos buhay na ang tinataya sa labanan sa court.

"Hindi maaari! Mas lalo pang tumaas ang lamang ng Kanagawa Team sa Yamanashi!

Nako! 'Yong lalakeng may pulang buhok ng Kanagawa! Inaararo niya na ang mga players ng Yamanashi!

Ang lakas niya!" Hiyawan ng mga manonood.

"Lalampa-lampa pala ah — tanggapin niyo 'to!" Sigaw ni Hanamichi at malakas na dinakdak ang bola sa ring.

*DUNKKKKKKKKK!*

Sa saktong pagtatapos ng first half, ay lamang ang Kanagawa Team. Mayroon silang 68 points habang sa Yamanashi naman ay 12. Halos mangiyak-ngiyak ang mga bench players ng Yamanashi dahil sa napakalaking agwat ng puntos. Ang first five ng Yamanashi ay kilala na bilang pinakamagaling na line-up sa kanilang Team ngunit hindi nila akalain na ganito lang kadali kung pataubin ng Kanagawa Prefecture Team.

At silang lima, ay sinolong nilampaso ni Hanamichi.

"Hindi maaari! 56 points na ang lamang nila sa pagtatapos ng first half! Sa lagay na 'yan, sinolo palang sila 'nong lalakeng may pulang buhok na iyon!" Laglag pangang wika ng Manager ng Yamanashi.

Kahit ang Coach nitong si Coach Tora ay nasisindak sa husay ni Hanamichi. Hindi siya makapaniwala na ganito pala talaga kagaling ang isang player na may karanasan nang makipagbakbakan sa global tournament ng Intercollegiate Matches.

"Halos 'yong Sakuragi na ang kumilos sa court, 'yong apat niyang kasamahan ay puro alalay na lang. Kung oobserbahan ang laban, parang kayang makipag 1 on 5 ng Sakuragi na 'yon." Wika ng Yamanashi bench player.

"Ang Super Ace Player na si Sendoh, ang Kainan Star Player na si Kiyota, ang Center at fade-away shooter na si Hanagata, at ang dating Leading Small Forward ng Kanagawa at Ace Player ng American Yellow Fox na si Rukawa, silang apat na 'yan ay nanahimik nalang at sumuporta kay Sakuragi. Kapag kumilos ang apat na 'yan, hindi lang 56 points ang lamang nila. Sigurado ako— tatapusin nila ng maaga ang laban!" Nasisindak na wika ng isa pang bench players.

"College Basketball Player din ako, pero ngayon lang ako natakot ng ganito." Wika pa ng isa.

Habang nag-uusap sila ay hindi nila alam na nasa likuran ng kanilang bench area sina Mito at ang tatlong extra na kagagaling lang sa canteen at ngayon may dala nang tig dadalawang plastic bottles.

Napaismid nalang si Mito nang marinig 'yon at napawika nalang sa isipan. "Hindi niyo kasi alam kung anong hirap ang pinagdaanang training ni Hanamichi 'nong nasa abroad pa siya. Halos mamamatay na siya pero kinakaya niya pa'ring harapin 'yong mabibigat na training. Hindi naman sa pagmamayabang— balewala lang 'yang 1 on 5 ni Hanamichi kung ang mga katulad niyo lang ang kalaban niya."

"Tingnan mo, Mito. Saktong tapos na ang first half. Napakalaki ng lamang." Turo ni Takamiya sa scoring board.

"Hindi sila pinatawad ni Hanamichi, tara na! Siguradong tatapusin agad ng Team na'tin ang laban sa 2nd half!" Wika ni Ohkusu at nagmadali silang bumalik sa kanilang kinauupuan.

Sa pagsisimula ng 2nd half ay inalayan na ni Kiyota at Rukawa si Hanamichi upang mas mapadali ang pagtatapos.

***

SA KABILANG court ng gymnasium, naglaban ang Tokyo Prefecture Team at Fukui Prefecture Team. Tulad ng resulta sa kabilang court ay nilampaso 'rin ng Tokyo Team ang Fukui Team. Ang first five Tokyo Team ay sina Watanabe, Nishizaki, at ang Kyodaineko Triplets na sina Hitotsu, Futatsu, at Mittsu. Hindi sila nahirapan dahil halos lahat ng players ng Tokyo Team ay eksperyensado sa Olympic games at International College Games.

"Kung mahusay ang kombinasyon ng Kanagawa Team, syempre hindi rin tayo magpapatalo tayong mga Tokyo Team." Ngising wika ni Zakusa habang nakatuon ng tingin sa court.

"Sikapin na'ting maipanalo ang lahat ng laban sa paparating na rounds, batid kong ganoon din sila. Nang sa ganoon, makakalaban na'tin sila." Yuki

"Kung mangyayari mang magkaharap ang Team na'tin laban sa Kanagawa. Pwes... Hindi tayo magpapatalo sa kanila. Ang Tokyo Prefecture Team ang mananalo sa tournament na'to." Zakusa

— KnightAncient

PS: Maraming salamat sa pagbabasa mga lods. Huwag kalimutang mag VOTE at suportahan sa Youtube.💖🏀✨

YT Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon