CHAPTER 275:

389 25 4
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 275:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

HALF-COURT lang ang ginamit nina Hanamichi sa 2 on 2 match laban kina Rukawa. Ang magaganap na match ay tinuturing ni Hanamichi na 'continuation' dahil noong nakaraang linggo ay nasira niya ang ring sa labas kaya hindi na nila naipagpatuloy ang harapan.

Nanonood lang sa kanilang apat ang ibang panauhin sa loob ng gymnasium. Ang apat na ungas naman ay nag-ayahan pa ng pustahan.

"Hora, hora— pusta na kayo diyan! Aces versus Monkeys! Pili na, pili na, pusta na!" Pangse-sale ni Takamiya habang may suot na shades. Ganoon din ang ginawa ng iba.

"Mga sira-ulo talaga." Bulong ni Akagi habang nakatingin sa apat na ungas.

Hawak ni Hanamichi ang bola at sinimulang patalbugin nang marahan sa kanyang kinatatayuan habang nakatuon ng tingin kay Rukawa.

"Sa nakaraang linggo ay naglaban tayo sa labas ng court, Rukawa. Siguro naman ay naaalala mo pa na pasok 'yong slam dunk ko?" Tanong niya na may ngisi sa mukha.

"O tapos?" Tanong pabalik ni Rukawa na kinairita agad ni Hanamichi.

"E 'di kami ang opensiba! Pasok 'yong tira ko 'nong nakaraan kaya sa akin ang bola!" Iritang sagot niya.

"E 'di sa'yo. Saksak mo sa baga mo." Simpleng sagot nito at pumwesto.

Mas lalong pang nadagdagan ang kabwisitan ni Hanamichi sa kanya.

"Tssk, gunggong." Rukawa

Agad namang umawat si Sendoh sa dalawa. "Oy chill lang, alam kong favorite niyo ang isa't isa pagdating sa asaran. Kaya, pasintabi muna na'tin 'yan."

"Tara na mga prehh~ simulan na na'tin!" Malakas na wika ni Kiyota sabay taas ng isang kamao.

***

PUMISISYON ang dalawa na sina Hanamichi at Rukawa  sa free throw. Silang dalawa ang magkatunggali habang sina Sendoh at Kiyota naman ang magkaharapan.

"Simula na." Sambit ni Sendoh at agad na dinepensahan si Kiyota.

Sisimulan na sana ni Hanamichi ang opensa nang agad yung naagaw ni Rukawa.

*PAKK!*

"Whaaaaaaah Rukawa!" Hanamichi

"Ano!" Gulat na sabi ni Jin mula sa bench area. "Ang bilis ni Rukawa."

Pinalipat-lipat ni Rukawa ang pagkakahawak niya sa bola upang malito ang tingin ni Hanamichi. Nang matsyansahan niya ang magandang anggulo ni Sendoh ay nilusotan niya ito saka nagdribol at walang alin-langang pinasa ang bola kay Sendoh.

*PAKK!*

Napaismid si Kiyota dahil imbes pagawi kay Sendoh ang bola ay siya ang nakakuha. "Mga mahihinang nilalang mga prehh~"

*PAKK!*

Subalit agad naman s'yang hindi pinatawad ni Sendoh at pinalpal nito patalikod ang bola mula sa mismong pagkakahawak ni Kiyota.

"Ang bilis ng mga galawan nila, hindi kaya madapa sila niyan?" Nag-aalalang tanong ni Fujima.

"Partida, may mga suot pa silang pabigat sa mga paa sa kalagayang iyan. Pero parang balewala lang sa kanila." Akagi

Half court lang ang kanilang coverage kaya isang ring lang ang kanilang gagamitin. Sa kasalukuyang pagball-hand ni Sendoh sa bola ay nagtagpo ang tingin nila ni Rukawa.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon