Chapter II

69 0 0
                                    

Aether Alexander Miller

His name is so familiar to me, I don't know where I hear that name. Napailing na lang ako, marami tao ang magkaparehang pangalan kaya siguro familiar sa akin.

He is 27 years old yet he is one of the popular and famous businessman in the business industry he also graduate in Business Administration with a Latin Honor a Suma-Cumlaude, at hindi lang yon gumaraduate din ng Law and take the honor as a Suma-cumlaude din. Wow, ang talino naman yata ng lalaking to? 20 years old pa lang siya pero nangunguna na ang business niya sa ranking.

Hinanap ko kung meron bang impormasyon patungkol sa girlfriend nito pero wala akong Mabasa na tungkol sa lovelife nito. Sa pangalan pa lang ang yayamanin na tapos siguro gwapo to sa personal?

Wla kasing picture ang lalaking binaggit kaya manghuhula muna ako ngayon. Napunta ang mata ko sa malaking font at naka-bold pa ito. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

My Ghad! Is this for real?

"Wanted Secretary"

Tinignan ko naman ang date g posting at nanlaki ang mata ko na ngayong araw lang nila pinost.

Dapat bukas ay makaluwas na ako ng Maynila. Opportunity nato eh! Bigla naman pumasok ang maganda kong Nanay na alam kong pumunta sa bukid para maghatid ng meryenda ni Tatay.

"Ma!" impit kong sigaw. Nagulat nman si nanay tumingin sa akin.

"ano ka ba naman anak, aatakihin naman tayo sa puso niyan." Sita ni Mama sa akin. Ningitian ko lang siya tapos malambing na niyakap.

Ito yong gusto ko eh, kahit na mahirap kami pero nagmamahalan naman kaming pamilya. Kahit siguro papipiliin ako kung saan ko gusto maging mayaman pero broken family naman, kaya mas pipiliin ko pa ang ganitong pamilya.

"Ano na naman ba yang pinagkakaabalahan mo Ay-ay?" tanong nito sa akin saka ito umupo sa upuan sa malakahoy na gawa.

"Ma, diba sabi ko sayo nong last-last week na luluwas ako ng Maynila—"

"Nak, hindi naman kailangan pang lumuwas ka ng Maynila eh, okay lang naman na ditto ka na lang kasama namin." Putol nito sa sasabihin ko.

"Ma naman..." sabay hawak ko sa kamay niyang nakapatong sa maliit naming lamesa. Kita ko kung gaano na kakulubot ang kamay ng inang kaya hinahaplos ko naman ito.

"Ma, napag-usapan naman natin to diba? Ayaw ko naman na lagi na lang tayong ganito. Huminto nga ako ng pag-aaral kasi naaawa na ako sa inyo. Okay na sa akin yong nakapagtapos ako ng High School at least may natapos dba?" pagkukumbinsi ko sa kaniya.

Malungkot itong tumango saka hinawakan rin ang kamay kong nakahawak sa kaniya. "Wag ka nang malungkot Ma. Magtatrabaho lang naman ako doon eh! Kung okay ang lahat edi magpatuloy." Napatawa ako nang agad kinurot sa tagiliran hindi naman masakit kunti lang parang kagat lang ng langgam.

"kung hindi naman bibiyaan sa Maynila edi uuwi ako ditto Ma." Sabi ko pa sa kaniya. Tango lang ang sagot ni mama.

"Kaya kanina habang naghahanap ako na pwede kong pasukan na trabaho sa Maynila ay may Nakita akong 'hiring' sa napakalaking kompanya po sa Maynila Mama--"

"Dito ka nalang magtrabaho anak." singit na naman ni Mama.

"Mama naman ehhh..." napatawa naman si Mama nang Makita niya akong nakabusangot. "Nagbibiro lang anak, sige patuloy mo na..." halakhak na naman niya.

"Ito na nga naghahanap po sila ng bagong secretary para sa President—"

"Ng Pilipinas?" putol na naman niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin kay Mama na tuwang-tuwa sa akin na malapit ng mainis.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now