Chapter X

58 2 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito sa bahay niya samantalang nasa harap pa ako ni Brent at masayang nakipag-usap sa kaniya.

Dahil lang sa isang text na hindi ko mawari kung bakit agad na sumugod ako sa bahay niya at ngayon nakatunganga sa malaking bahay na nasa harapan ko mismo at nagdadalawang isip na kumatok o tumawag kung meron bang tao sa loob?

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang taranta ko nang makita ang text niya sa akin. I rolled my eyes and sighed. Ngayon ko lang narealize ano nga ba ang dahilan ng masungit na yon sa akin? At akala ko ba bukas pa ako pupunta? Bakit ngayon iparang tunog galit ang mensaheng yon?

Wala naman akong pagpipilian kundi ang tumungo sa puting gate at nagdoor bell doon. Meron namang lumabas na  isang guard na nagbabantay sa malaking gate nang bahay na ito. Nasa Guardhouse siya nong mapansin niyang may tao.

"Anong kailangan nila?" tanong ng guard sa akin.

"Pinapapunta po ako ni Sir--"

"Ma'am Fattima?" gulat nitong tanong ngunit may takot na nalalaytay sa mga mata nito.

"Ha?" wala sa sarili kong tanong saka tumingin sa paligid nagbakasakaling may ibang tao pa siyang nakikita.

Familiar ang pangalan na yon pero hindi ko man kailan nakilala ang sinasabi nilang Fattima.

"Buhay ka ma'am Fattima?" hindi parin magkaundagagang sabi ni Manong guard.

Napakamot naman ako sa aking noo at pinagmasdan siya. "Manong nagkakamali po kayo hindi po ako si Fattima kung sino man yang taong yan hindi ko po kilala at saka Ayla po ang pangalan ko..." ngiting tugon ko sa kaniya.

Nagtataka man ay ngumiti na din siya. "Sorry Ma'am akala ko kasi ikaw siya may pagakakaiba pala kayo..." nahihiya niyang usal sa akin.

"Ah matanong lang po manong sino po ba si Ma'am Fatt--" napatigil ako ng may bumusina sa aking likuran. Ganoon din si Manong ay napatingin din saking likuran at bakas sa mukha nito ang gulat at tarantang binuksan ang gate.

Hindi pa nakapasok ng tuluyan ang sasakyan ay huminto na ito mismo sa kinatatayuan ko. Inaaninag kung sino ang sa loob ng sasakyan hindi ko kasi masilayan dahil tinted glass ang lahat ng binatana ng sasakyan.

Kunot-noo akong napatingin sa sasakyan ng bumaba ang isang bintana nito at sumalubong sa akin ang masamang tingin nito sa akin.

Did I do something wrong to make him mad? yon agad ang nasa isip ko sa mga oras na ito dahil sa tingin na pinukol niya ngayon.

"Ahmm...Sir--"

"Get in." putol niya sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa get in sa loob ba ng kotse o sa gusto niyang pumasok na ako sa loob ng gate?

Nakita ko pa ang naiiritang niyang mukha na nakatingin sa akin. Ngising hilaw lang ako saka binuksan ang backseat ngunit nagsalita siya muli.

"I'm not your driver for the f*cking sake!" irita na naman nyang paalala sa akin. Dahil sa taranta nabunggo pa ako sa ceiling sa loob ng sasakyan nakita ko naman ang pag-iling nito sa akin kaya naman dali-dali akong pumunta sa harap at binuksan ang passenger seat.

Nang maka-seatbelt saka na niya pinaadar ang sasakyan paalis sa guardhouse. Naiilang ako at hindi magkaundagaga sa pagkilos sa inuupuan ko. Napansin niya siguro ang paglilikot ko at binigyan niya ako ng mabilis na tingin at saka binalik sa daan.

Malayo ang gate sa mismong bahay nito. Kung maglalakad ka lang ay aabutin ka ng twenty minutes bako makarating sa bahay niya.

Dumating na kami mismo sa harap ng engranda ng bahay niya. Hindi parin nawawala ang pagkamangha ko sa bahay na ito parang inspired by spanish lang ang datingan ng bahay nila. All the things are antiquee and luxurious things.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now