Chapter III

76 0 0
                                    


"Fattima?"

Mahina at gulat na usal nito pero hindi ko gaano marinig pero sigurado akong tinawag niya ako sa ibang pangalan. Kita ko kung paano siya manginig at nang ibubuka ang labi nito na parang may gustong sabihin pero hindi naman nagsalita. Nakatikom lang ang bibig nito at matiim nakatitig lang ito sa akin.

Napakatangkad niya kailanngan mo pang tumingala para makita mo siya ng maayos. He wear business suit and a sunglasses to, I am looking to his handsome face, he has a perfect jaw, a long bridge nose, and with a thin red lips. Gwapo naman si Brent pero mas gwapo ang isang to. Napatingin naman ako sa makurba at makapal na kilay nito na mas nakadipina sa heart shaped face nito. Nakaayos din ang buhok nito sa right mismo parang mga hairstyle nong sinaunang tao pero bumagay sa kaniya.

Lumunok ako nagsalita nakatitig lang talaga siya sa akin at hindi nagsasalita.

"Okay lang po ba kayo sir?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na nasa likod nito ang tricycle na paalis na kaya hindi pa siya sumasagot ay agad na tinahak ko ang daan patungo sa naka-aley na tricycle at iniwan siya doon.

"Manong para po..." sabay kaway sa isa kung kamay. Nakita naman ako ni Manong kaya huminto ito sa aking tapat. Wala kasing nakasakay sa loob ng tricycle at papaaalis na rin siya kaya pinara ko saka naman ako pumasok.

"Saan tayo ineng?" tanong sa akin ni Manong.

"Manong bagong salta lang po ako dito kaya meron po ba kayong alam na pwede kong uupahan?" balik tanong ko sa kaniya.

"Ay ganoon ba ineng? Meron naman sige dadalhin na lang kita sa kaniya makakadiscount ka pa doon." nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa sinabi ni Manong. Umusod naman ang tricycle, napatingin naman ako sa likod ng tricycle ng may mapansin akong nakatingin sa akin, at hindi nga ako nagkakamali yong lalaking nakabunggo ko.

Tinignan ko din siya mata sa mata pero hindi kinaya at iniwas ko na lang ngunit napatingin ulit ako at agad napanganga sa ginawa niya.

He even tilted his head and smirked without breaking eye contact with me. He is so weird but a handsome weird. Ito yata ang sinasabi ni Papa na mag-iingat sa Maynila, siguro naman ito ang una at huli naming pagkikita diba?

Iniwaksi ko siya sa aking isipan at humarap sa tinatahak naming daan. "Manong meron bang malapit upahan sa Miller Inc. po o di kaya sa Miller Firm Law?" tanong ko sa kaniya. baka kasi yong sinasabi niyang apartment na uupahan ko ay malayo sa gusto kong pasukan na trabaho.

"Doon tayo pupunta ineng, maraming nangungupahan sa malapit sa kompanyang yon, ang iba doon ay nagtatrabaho sa sinasabi mong kompaniya kaya makakadiscount ka doon." sabi pa ni manong kaya mas lalong natuwa ang damdamin ko dahil makakatipid ako nito.

"Bakit ineng mag-a-apply ka ba bilang secretary ng President ng kompanyang yon?" kuryosong tanong ni Manong kaya tumango ako.

"Oo, manong kaya nga po ako lumawas ng Maynila para maghanap ng trabaho dito kung papalarin." tipid kung sagot at saka maliit na ngumiti. May nakalimutan naman akong itanong kay Manong.

"Manong bakit alam niyong mag-a-apply ako ng secretary sa kompanyang yon?" kuryosong tanong ko sa kaniya. Tumingin saglit si Manong bago hinarap ang tingin sa daan.

"Hindi naman bago yan ineng, para ngang linggo-linggo naghahanap ng secretary sa kompaniyang yan eh! kaya sanay na kami, basta laging luhaan daw yong mga secretary kapag lumabas diyan at hindi na bumalik pa." kwento ni Manong.

"Bakit naman kaya Manong? Baka po laging nagkakamali yong mga secretary niya. Gwapo po ba ang may-ari ng kompanyang yan Manong? Diba po 27 years old pa yong lalaking yon?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Umiling lang si Manong habang binabagtas namin ang daan papunta sa kompanyang yon.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now