Chapter XVI

42 4 0
                                    

"What's your name?" agad na tanong ng ate ni Aether. Sa pagkakaalam ko Alexandra ang name ng ate niya. Kasing ganda niya ang pangalan.

"Ahm... A-ayla po" nauutal kong sagot sa kaniya na hindi makatingin sa kaniyang mata.

"Hmmm..." nakita ko naman na patango-tango siya sa sagot ko. Kita ko din kung paano niya ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

Ano kaya ang iniisip ng isang to?

"I guess you are much better than her, right Alex?" sabay tingin niya sa kapatid na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"What are you doing here, Ate?" mula sa akin ay napunta ang tingin niya sa kapatid habang pababa siya sa hagdan.

"There is a tsismiss na you bring a woman in your house and I want to see who she is. After a long years nagkainterest ka na ulit sa babae matapos kang iwan ni Fatt---"

"Now you are here and witness who she is then you can go now..." putol nito sa kapatid niya.

Napakunot ang aking noo dahil sa turan ni Aether sa kapatid niya at lalo na sa sinabi ng  ate niya.

"Ahm... Excuse me po, hindi niya po ako---"

"Don't worry sister-in-law, magbihis ka at aalis tayo today." Putol niya sa akin saka kimindat sa akin.

Napatingin namn ako kay Aether para humingin ng tulong sa kaniya. Parang naintindihan nmn niya. "Hindi mo siya pwedeng kunin dito ate!"

"Try me, bunso."

Pinal na sabi nang kapatid niya. "Magbihis ka na Ayla dahil magsho-shopping tayo." Excited niyang sabi sakin saka tinulak ako paakyat sa hagdan.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.

Nagbihis ako ng simpleng damit lamang. Jeans at white na t-shiry na pinarisan ko na lamang ng puting flat shoes.

Mga ilang minuto ay bumaba na din ako. Ayaw kong paghintayin pa ang ate ni Aether baka mapagalitan pa ako non.

Pagbaba ko sa hagdan nadatnan ko naman silang dalawa na naka-upo sa sofa ng mapansin nang ate niya ang presensya ko agad naman siyang tumayo at lumapit s akin.

"Kahit sa simple na damit ay ang ganda mo pa din!" Papuri niya sa akin. Namula nman ako dahil sa compliment niya sa akin. Ngunit wala naman ako sa kalingkingan ng kagandahan niya. Baka nga mapagkamalhan pa akong maid ehh. Okay lang, maid naman talaga ako ehh.

"Tayo na!" Excited niyang sabi. Wala pa kaming dalawang hakbang ay hinarangan na kami ni Aether.

"Sasama ako." Agad na sabi niya sa amin. Diretsong tingin sa akin. Kita mo kung gaano ka against na sumama ako sa kapatid niya. Tss, ayaw niya yatang umaaligid sa ate niya ehh.

"Hindi pwede, girls hangout lng ito kaya dito ka lang at bantayan mo si Caleb." Pag-aayaw ng kapatid niya na sumama sa amin.

"It's my day off, Ate and I want to rest."

"Then mag-rest ka dito. Walang nagtanong sayo na mag day off ka."

"Let me go with you, I'll be your driver then." Pagpupumilit pa nito sa ate niya. Napatingin naman ako sa ate niya ng tumingin ito sa akin.

"It's okay to go with him?" Tanong sa akin ng ate niya. Napatingin naman ako kay Aether. He is so serious thou. Wala naman din akong magagawa ehh kasi kita namn na he want to go with us.

"Okay lang naman po Ma'am." Ngiting sagot ko s kaniya. Ngumiti naman ang ate niya at bumuntong hininga.

"Well, my sister-in-law want you to come, then okay." Pinal na sang-ayon niya saka nauna ng tumungo sa entrance.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now