Chapter XVII

24 2 0
                                    

Nakauwi na din kami sawakas. Sa daming pinuntahan namin tatlo hindi ko na mabilang at hindi na nga matandaan ang ibang lugar.

Nagpaalam na din sa akin si Ate Alexandra. Nang pababa na kami sa sasakyan ay agad naman kinuha ng mga bodyguard ang lahat ng mga pinamili ni Ate para sa akin.

"I'll see you after I came back from New York Ayla. Let's have a another shopping together without him."
Turo niya sa kapatid na ngayon ay masamang tumingin sa ate niya.

Natawa naman ang Ate niya dahil sa reaction nito. Mapang-asar talaga si Alexandra sa kapatid niya at ang isa naman diyan ay pikon.

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. "At sa pagbalik ko dapat may laman na yan." Bulong nito sa akin sabay haplos sa aking tiyan at agad na naunawaan ang sinabi niya nanlaki ang mga mata ko at agad na nagsitaasan ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

Tumawa naman siya at tuluyan ng pinasok ang katawan sa loob ng sasakyan hanggang sa umandar na ito at umalis na. Hindi mawala ang init at pamumula ng aking pisngi dahil sa sinabi niya.

Hindi magkakaroon ito dahil hindi ko hahayaan. Saka lang kapag alam kong mahal ako ng isang lalaki at malabong si Aether yon dahil wala ako sa mga kalingkingan ng mga naging girlfriend niya.

Pumihit ako patalikod para pumasok na sa loob ngunit agad na sumalubong ang nakangising labi ni Aether. Agad na umiwas ako ng tingin s kaniya at naglakad  ngunit hinarangan niya ang dinaanan ko kaya humakbang ako sa kabila ngunit ganoon pa din ang ginawa niya. Ayaw kong makita niya ang pamumula ko dahil sa sinabi ng ate niya sa akin.

Inis akong napatingin sa kaniya ngunit agad napalitan ng gulat nang haplusin niya ang pisngi na alam kong mas lalong nag-iinit.

"You are blushing what my sister told you to make your cheeks red? Hmm?" Tanong nito. Umiling ako at inalis ang kamay niyang humaplos sa aking pisngi.

"Wala..." Nilayo ko ang kamay niya sa pisngi ko dahil sa naramdaman kong electrisidad nang lumapat ang kamay niya sa balay ko.

"Hmm...really?" Sabay hawak sa baba niya at tumitig sa akin na parang sinasabi niyang nagsisinungaling lang ako. Umiwas ako ng tingin at ramdam ko pa din ang pamumula ng aking mukha.

Huminga ako ng malalim dahil hindi mapakali ang dibdib ko kapag malapit siya sa akin. "Umalis ka sa dinadaanan ko Sir at para mapuntahan ko ang anak mo---"

"I don't think so..." Putol niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya. Pumalibot ang kaniyang dalawang kamay sa aking bewang.

"A-anong..." Napalunok ako at hindu alam anong gagawin. Mabilis rin ang pintig ng dibdib ko dahil sa hindi inaasahan.

"I just want to stay like this for a moment. Caleb is in his nanny Beth. Don't worry about him, for now, just stay." Matapos niyang sabihin yon ay mahigpit niya akong niyakap. Nahiya naman ako ng makita ang mga bodyguard niya na nakatingin sa amin.

"Mali tong ginagawa mo Sir---"

"Aether, just call me Aether babe." Paos nitong aniya sa akin. Napahigpit pa ang hawak ko sakaniya dahil sa hangin na bumuga sa aking balat

Pinilit kong lumayo sa kaniya ngunit mahigpit pa din akong niyakap.

"Bitiwan mo ako Sir Aether." Narinig ko naman na napabuga siya ng hangin at lumayo sa akin

"Bakit pakiramdam ko ayaw mo talaga sa presensya ko? May ginawa ba akong mali sayo?" Nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako at saka tuluyan na lumayo sa kaniya.

"Wala kang ginawa Sir Aether."

"Then, why I feel like, I did something that make you uncomfortable when I am around you?" Naf-frustrate niyang sabi sa akin.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now