Chapter XV

87 6 0
                                    


Padabog akong umakyat sa itaas ng hagdan. Wala akong pakialam kung madidinig niya yon. Teka! Natulog na ba si Caleb? Naku naman! Pati bata nakalimutan ko na yata ah.

Dala-dala ang pagkain ng amo kong damuho ay nasa harap na ako ng pinto ng kwarto niya. Napakamot kung kakatok ba ako o hayaan na lang siya gutomin? ehh ang sama ko naman yata sa part na yon ah.

Kung hindi lang nag-iinarte ang damuhong to edi sana hindi na niya ako inistorbo sa hapunan ko. 

Saktong pag-angat ko ng kamay nang bumukas ang pinto at sumalubong ang galit at matalim na tingin nito sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Oh! ayan na po ang pagkain mo sir..." madiin at pilit na ngiti ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa pagkain na hawak ko. Niluwagan naman niya ang pagbukas ng pinto.

"Ipasok  mo..." sabi niya sa malalim na boses. Anong ipasok ko ba?

"Ha? Ang ano sir?" confused kong tanong sa kaniya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha niya.

"Are you thinking of something Ayla?" ngising tanong niya sa akin.

"Wala ah! anong ipasok nga?" naiinis ko ng tanong ulit sa kaniya.

"Think woman, it's either me or you will enter." napaisip naman ako. At doon ko lang narealize iba pala ang dating ng tanong ko sa kaniya.

Bobita ka talaga Ayla!

"Ang DM niyo sir..." agad na umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Teka! Bakit ako pa ang magpapasok sa pagkain niya eh nandito naman siya sa harap ko at kukunin lang naman niya yong tray.

Ang arte talaga nitong boss ko parang hindi lalaki hayst.

"What are you waiting for?" nakangisi pa ding sabi niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na sa loob ng kwarto niya. Nakita ko naman ang lamesita nito na malapit sa bed niya kaya doon ko  na nilapag ang tray ng pagkain.

Umayos ako ng tayo at aakmang aalis na sa kwarto niya nang hinarangan ako. tinignan ko siya ng nagtataka.

"Bakit sir Aether may ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko na lang kahit labag sa kalooban ko ang magtanong non.

"If I order you to stay here in my room, will you follow?" seryoso niyang sabi sa akin habang matiim na nakatingin sa aking mga mata.

"Sir, gutom lang yan kasi ako din gutom na din at naglalaway na sa ulam na sinigang. If you'll excuse me." pabalang na sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita pero kita mo yong inis niya. Pababayaan ko na sana siya at lalagpasan na dahil gutom na talaga ako pero agad din napatigil sa paghakbang ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"May problema ba sir Aether?" naiinis na din ako sa kaniya.

"You think this is a joke?" madiin na tanong nito sa akin.

"May sinabi ba akong joke sir?" ano ba ang nasa isip ng lalaking to. Ako na naman ang trip nito ehh.

"Ngayon lang kita nakausap since you avoiding me and I don't know what you have reason for and suddenly you are cold towards to your boss and I don't even know what's inside in your stubborn head." mataas niyang alintana sa akin.

"Hindi ka pa tapos sa issue na yan sir? Ganyan mo na ba ako namiss kaya hindi mo ako tinigilan niyan?--" naputol yong sasabihin ko ng marealize ko yong sinabi ko sa kaniya.

Napakunot-noo naman niya akong tinignan. "What if is it true?" seryoso nitong sabi sa akin. Napatakip naman ako ng bibig at tinignan siyang hindi makapaniwala.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now