Chapter VI

69 1 0
                                    

Matapos naming mamili ng mga groceries at damit na susuotin niya mamayang gabi ay umuwi na rin kami.. Nagbihis na rin ako ng pangbahay at pati na rin siya.

Nagsaing na rin ako at nagluto na lamang ng sinigang na baboy. Habang nagluluto nakita ko naman si Tiffany ng mga notes yata niya at may suot na rin itong eye glasses.

Mabilis naman naubusan ng tubig ang baboy kaya muli ko naman itong nilagyan at naghintay na kumulo ito.

"Minsan talaga hindi ko feel ang pag-teacher..." panimula nito at nilapag ang mga notes niya sa study table nito.

"What do you mean?" takang tanong ko. humarap naman siya sa akin ng upo at naka indian sit ito.

"Sa susunod na buwan na ang Internship namin pero hindi man lang ako excited, samantalang yong mga kaklase ko excited na." then she rolled her eyes.

Napapailing na lamang ako, tumayo ako para tignan kung kumulo na ba ang niluluto ko. Bumalik naman siya sa pagbabasa.

"Bakit hindi ka naman excited? diba nga last na lang to at gagraduate ka na?" kuryoso kong tanong habang hinahalo ko na ang petchay at tinikman kung okay lang ba ang timpla.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa pwesto niya at nadatnan na tumingala sa kisame ng kwarto.

"hmmm... bakit nga ba?" tanong nito sa sarili. "Siguro hindi talaga para sa akin ang pag-t-teacher?" hindi sigurado sa sagot nito.

Pinakulo ko muna saglit saka ini-off ang maliit na kalahan ni Tiff. Kumuha ako ng bowl para sa sabaw at nilagyan na ito saka nilagay sa round table. Nakita ko naman na tumayo si Tiff para kumuha ng dalawang plato at kutsara, kinuha ko na rin ang sinaing kong kanin.

Umupo naman ako samantalang siya ay kinuha ang pitsel na may lamang juice at dalawang baso.

"Bakit ka naman nakakasiguro na hindi meant to be sayo yong pagiging teacher?" nakita ko naman siyang nag-isip muli sa tanong ko.

"Actually, dahil sa kapabayaan ko at naging kampante sa mga bagay na akala ko ay makukuha ko pero mali pala ako." makahulugan nitong tugon sa akin na hindi ko man lang naiintindihan sa sinabi niya.

"Hindi ko gets Tiffy..." kunot-noo kong aniya sa kaniya, tumawa lang ito sa akin. "Wag ka nang magtanong, kumain ka na diyan para makapagparty na tayo. Excited na akong makaama ka." excited nitong aniya saka sinimulan ang pagkain.

"Tiffany, akala ko hindi kayo party goer." I randomly said. Nabigla naman siya sa aking pagsalita kaya nabilaukan ito agad ko naman inabot ang juice sa kaniya.

"H-hindi naman talaga k-kami party go-goer..." paubo-ubo pa niyang sabi sa akin.

"Talaga ba?" nanliit ang mata kong tinignan siya. Natawa naman siya sabay wave nito sa kamay niya sa harap niya.

"Hindi talaga, ginawa lang namin to pag-bored kami o may gusto lang kaming i-celebrate the rest hindi kami pumupunta kahit nga imbitahan kami ng mga kaklase ko o nila hindi kami sumasama kasi binibigyan namin quality time ang friendship namin." paliwanag nito sa akin sabay subo. Patango-tango na lang ako at nagsimula na rin kumain.

"Ang sarap mong magluto Ay-ay..." sunod-sunod na subo niya sa pagkain at higop ng sabaw. Napapansin kong ang lakas kumain ni Tiff pero yong katawan niya parang hindi man lang tinubuan ng fats.

Matapos naming kumain ay niligpit na namin ang pinagkainan she volunteered to wash the dishes. Kaya nagbihis na lamang ako para sa lakad namin.

May kumatok naman sa pinto kaya napabaling ang tingin ko doon at saka binuksan. Tumambad naman ang nakaayos at sexing kasuotan ang dalawang magkakaibigan.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now