Chapter XII

58 5 1
                                    


Dumating na din kami sa bahay niya. Nadatnan namin ang isang kasambahay na sinasayaw ang isang bata na alam kong anak ni sir Aether.

Kinuha ni sir ang bag ko at nilapag sa couch. Tumungo naman siya sa kasambahay at kinuha ang bata na ngayon ay tuwang-tuwa na makita ang mukha ng papa niya.

Napangiti naman ako. Hindi mo akalain na isang heartless at supladong lalaking ito ay may anak na. Alam ba ng buong bayan na meron siyang anak. Siguro pribado ang buhay ng anak niya.

Hindi na dapat ako makielam pa kung ano man ang maging desisyon niya. Magfocus na lamang ako sa pagbabantay sa anak niya. Kung titignan mo para siyang taong walang problema at lungkot sa mga mata nito siguro dahil kasama nito ang anak niya.

Tama nga siguro ang sabi ng iba. Magbabago lang ang ugali ng isang tao kapag may anak ka na at lalo na ikaw yong nag-aalaga at nag-aaruga. Parang kahit anong pagod mo ay mawawala kapag nasisilayan mo ang mukha ng anak mo.

Mahirap kaman o mayaman kung pinapahalagahan mo ang anak mo parang okay lang kasi siya lagi yong kasiyahan mo.

Humarap sa akin si Sir Aether at maging ang anak nito ay diretsong tumingin sa akin. Nakita ko kung paano ito mas lumagalig ng makitra ako. Naglilikot ito sa hawak ni sir at dalawang kamay na sinubukang abutin ako.

Tumingin naman sa akin si sir. agad naman niya nainitindihan kung anong gusto ng anak niya kaya lumapit ito sa gawi ko kahit nagtataka ay lumapit na lamang ako sa kanila. Nang makalapit ay parang mas lalo lang naglikot ang bata at agad ako inabot ng maliliit nitong kamay.

"He really likes you, I'd never see him like that even his grandma. He never like that..." komento niya sa akin. Hindi ko kukunin ang bata kapag walang signal galing sa kaniya. Tinignan ko lang siya at tumango naman ito hudyat na kukunin ko ang bata.

Nang kunin ko ito ay agad naman pumulupot ang maliliit nitong kamay sa leeg ko at pinahinga ang ulo nito sa gilid ng leeg ko. Mararamdaman mo ang higpit nitong yakap sayo.

"Mommy..." tawag nito sa akin sa maliit niyang boses. Inalis niya ang ulo sa aking leeg at tumingin sa akin. Nanlaki kaagad ang mata ko nang matunog niyang hinalikan ang pisngi ko at nagtagal pa yon ng ilang segundo.

"What the...." Napatingin ako kay sir nang marinig ko yon at nakitang nakabusangot ang mukhang  nakatingin sa anak niya  na ngayon ay binalik na ang mukha sa leeg ko.

"Mas close kami..." sinamaan naman niya ako ng tingin ngumiti lang ako sa kaniya. Kaya naman tumalikod ako sa gawi niya at lumabas isang pinto na hindi ko alam kung ano yon pero doon ako lumabas. Bumungad sa akin ang malawak na garden. May saring-sari bulaklak ang nakatanim tapos meron pang duyan na nilagay at ang ganda ng view.

Umupo ako sa duyan saka hinarap ang bata sa akin. "Bakit ang cute-cute mo? Ayy hindi pala ang gwapo mong bata. Nako baka paglaki mo maraming babae ang pupunta dito sa bahay niyo kasi pinaiyak mo." ano ba tong pinagsasabi ko sa batang to eh hindi naman niya ako naintindihan.

Instead of answering he just laughing like he understand of what I was saying. Para bang nakakatawa yong sinasabi ko para sa kaniya. Kung hindi ka lang talaga gwapong bata ka baka binabalibag nakita charss joke lng..

"Mommy..." tawag na naman niya sa akin.

"Hindi mo naman ako Mommy, baby..." paliwanag ko kahit hindi ako naintindihan.

"Mommy... Mommy...Mommy..." paulit-ulit nitong tawag sa akin. Napabuntong hininga naman ako at nakaramdam ng kirot para sa bata.

Sino bang ina ang iwanan ng ganito kagwapong anak at asawa. Hindi ko lubos maisip kung bakit sila iniwan. Ang tanong iniwan nga ba? o wala na talaga ang asawa nito? Ayaw kong pangunahan si sir Aether gusto kong marinig sa kaniya mismo ang tungkol sa asawa nito baka kasi mali lang ako ng akala.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now