Chapter IX

54 3 0
                                    


Matapos kong permahan ang kontrata kahit na hindi ko pa natapos ang pagbabasa at ano ang punishment pag-sinira ko ang kontrata at baka nga pagbabayarin pa ako ng milliones pagnagkataon.

Bahala na si Papa God...

Nagtataka nga yong mga taong nandoon kung bakit lakad takbo ang ginawa ko.

bakit naman kasi ginawa niya yon? Seriously? May anak na ang taong yon tsaka meron ng asawa.

Hinihingal akong nakalabas sa kompaniya niya. Napapikit na lamang ako sa frustration na nararamdaman ko, napahawak kaagad ako sa aking dibdib na hindi mawala ang mabilis na pagtibok nito.

Parang ayaw ko na yatang bumalik pa doon.

Kinuha ko naman ang keypad kong cellphone sa sling bag ng tumunog ito hudyat na may mensahe. Ang akala ko ay sina Mama ang nagtext dahil hindi ko pa sila nagawang tawagan simula ng dumating ako dito sa Maynila. Nakalimutan ko kasing magpaload eh.

Nakita kong may unregistered number ang nagtext. Walang pag-alinlangan na binuksan ko yon at nagtatakang binasa ang mensahe.

"You can start tomorrow and please bring some clothes. I tell you the details tomorrow." yon lang naman ang nasa mensahe and I guess galing kay sir Aether ang mensahe.

I sighed. May imumukha pa ba akong maihaharap sa lalaking yon? Parang wala naman sa kaniya ang ginawa niyang yon.

Kung marunong siya magpapretend na walang nangyari eh mas marunong pa ako sa kaniya no!

pero kasi... Ay bahala na nga!

Bukas na bukas iisipin ko na lang na hindi yon nangyari at accident lang yon. Dapat pokus lang ako sa pagbabantay ng bata.

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bag nang tumunog ulit ito. Nakita ko naman ang new message sa unregistered number.

"By 9am you should be in here the house where I took you... You know my address right?"

"Block 6 Flame tree RD in Forbes Park"  I rolled my eyes as I read his messages.

Bahala na nga!

Nilisan ko na ang lugar na yon at naglakad-lakad na lang wala naman akong gagawin sa dorm. Hindi naman rin ako nagmamadaling umuwi.

May nakita naman akong cafe at parang gusto ko yatang uminom ng iced coffee ngayon. Sa init ng panahon gusto ko nang malamig na kape.

Napangiti naman ako at saka papasok na nang may humila sa laylayan ng t-shirt ko at napagtanto ang batang grasa.

"Ate pagkain lang po..." hingi niya sa akin sabay lahad ng madumi niyang palad. Naawa naman ako tumabi muna kami sa gilid ng may customer din na pumasok sa loob ng coffee shop.

"Kailan ang huli mong kain?" tanong ko sa kaniya at hinawakan pa ang damit niyang madumi ngunit hindi naman ako nandidiri.

"Kahapon pa ng umaga ate tubig lang yong iniinom ko hanggang ngayon. Pahingi lang ate gutom na gutom na po ako." pagmamakaawa pa niya sa akin.

"Dito ka muna sa labas ha bibili lang ako ng makakain mo..." iniwan ko siya sa labas at pumasok sa loob ng coffee shop para bumili. Tinignan ko naman ang mga available na pagkain kaya napag-isipan kong isang dalawang iced coffee para sa kaniya at sa akin. Bumili na rin ako ng dalawang donut para sa kaniya.

Lumabas ako na dala ang binili kong pagkain. Lumapit naman din siya sa akin ng makita niya akong lumabas ng coffee shop.

"Doon tayo bata..." turo ko sa bakanteng bench na malapit sa fountain hindi naman mainit doon banda.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now