Chapter VIII

62 1 0
                                    

Matapos niyang sabihin na gusto niya akong maging Nanny ng anak niya ay hindi ako makapagsalita, bibigyan lang niya ako ng tatlong araw na mag-isip sa offer niya.

Hindi ko lubos maisip kung bakit nag-offer siya nang ganoon.

Kahit gustong-gusto ko ang mga bata pero ang magbantay at maging nanny, iniisip ko pa lang nakakapagod.

Tapos maaga akong tatanda dahil sa bata at hindi ko maimagine yong hitsura ko.

Nag-apply lang naman ako ng secretary bakit naging babysitter ng anak niya. Doon ba talaga ako nababagay?

Hindi ko naman kasalanan na hindi makapagtapos sadyang wala lang akong choice kaya huminto na lamang.

I frustratingly sighed.

"Oh! bakit ang lalim ng iniisip mo diyan?" rinig kong tanong ni Tiffany mula sa nakabukas na pinto ng banyo. Basa pa ang buhok nito habang pinupunasan ng dry towel.

"Wala..." walang gana kong sagot.

"Wala nga ba?" tinaasan naman niya ako ng kilay. Tumango lang ako at pabagsak na humiga sa kama ko...

Bumangon ako at umayos ng upo paharap sa kaniya, nagtataka man ay parang alam na niya kung anong sasabihin ko.

"May tanong ako, may kaibigan kasi ako na ini-offer siya maging nanny ng bata tapos yon nga nag-apply siya ng position sa company pero may binigay naman pero pagiging babysitter nga lang. tatanggapin mo ba?" huminto naman ito sa pagpunas sa buhok nito at tumingala na para bang iniisip kung anong isasagot.

"Hmm... kaninong anak?" biglang tanong nito.

"Kay Sir Aethe-- Ano nga ang sagot mo tatanggapin mo ba?" muntik ko nang sabihin. Mahina naman itong tumawa.

"Kung wala ka na talagang choice Ay-ay edi grab the opportunity na, wala naman din mawawala eh kung magbabantay ka lang naman ng bata hindi big deal yon pero mas better naman na maging secretary ka eh..." mataas na alintana nito.

May point naman siya pero hindi ko din alam kung bakit nagdadalawang isip ako sa bagay na yon. Hindi parin ako kuntento.

"Bakit?" tanong ko na titig na titig siya sa akin.

"Gwapo ba ang anak?" ngiting nakakaloko nito.

"Sinong nagsabi sayong anak ni Sir Aether?" taas kilay kong balik tanong sa kaniya.

"Wala naman akong binanggit na pangalan ah? So, kay sir Aether nga..." patango-tango pa nito na parang alam na ang sagot sa tanong nito.

"Hindi nga!" pagdedeny ko pa.

"Sabihin na lang natin naniniwala ako sa sinabi mo..." halakhak nito at tumalikod na sa akin.

Napapailing na lamang ako at iniisip kung tatanggapin ko na lang kaya ang offer sayang naman diba? Desenting  trabaho naman yon eh magkano naman kaya ang sweldo ko sakali?

Psh!

"Tanggapin mo na nga yong trabaho." singit naman ni Tiffany kaya sinamaan ko naman siya ng tingin tumawa naman ito sa dahil sa reaksiyon ko.

"Baka nga magiging Mrs. Miller ka na niya--" agad na binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niya. Sinalo lang naman niya at humalakhak parang tuwang-tuwa pa siya talaga dahil naasar na ako.

Sa dalawang araw nang makilala ko si Tiffany nakita ko na yong kakulitan niya at magaling pang mang-asar.

Binato niya pabalik yong unan sa akin kaya walang nagawa nagbabatuhan kami ng unan.

"Girls, I have something--"

Saktong sumapol ang unan na ibabato sana sa akin nang biglang bumukas ang pinto at sa mukha ni Rossel mismo ito tumama nahinto ito sa sasabihin at natigil din kami.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now