Chapter XIV

69 4 1
                                    

Pumasok na ako at pumunta sa kwarto ni Caleb. Pagbukas ko lang ng pinto sa kwarto ay natagpuan kong tumatawa ang bata habang nilalaro ng ama niya.

Ang akala ko ay dumiretso ito sa kwarto niya para magbihis pero nandito siya at nilalaro ang anak niya ngayon ay malakas tumawa.

Nakaramdam ako ng saya dahil sa nakikita ko ngayon. Ibang-iba talaga siya kapag kasama ang anak niya. Hindi mo makikitaan ng kahit na anong ksungitan at kasupladuhan.

Lihim akong napangiti dahil sa nasaksihan ko ngayon. Kung wala bang anak si Aether magbabago ba ang lahat? Yong ganitong pakiramdam na malaya kang mahalin mo siya ayan nasabi ko na.

Aalis na lang ako at babalik na lang mamaya napag-isipan na iwan muna silang mag-ama. Minsan lang magbigay ng oras si Aether sa anak niya. Hayaan ko muna silang maglaro at magbonding mag-ama. Nang isasarado ko na sana ang pinto nang marinig ko ang baritonong boses.

"Hanggang dito ba naman iiwasan mo ako? Sa harap pa talaga ng anak ko?" tunog sarkastikong sabi nito sa akin. Agad na natigilan ako at walang sabi-sabing tumingin sa kaniya.

Mula sa bata ay bumaling ang tingin niya sa akin na ngayon ay parang walang ganang tumingin sa akin.

"Gusto ko lang kayo bigyan ng oras para magbonding ng anak mo, Sir." walang ganang sagot ko sa kaniya.

"Is that the reason?" mas lalo lang nainis ang mukha nito.

"There is no other reason Sir Aether." diretsang sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sagutin siya. Kung gusto kong iligtas ang sarili para mahulog sa kaniya kailangan kong maging tapang-tapangan sa harapan niya.

Isinarado ko na ang pinto at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya sa akin. Babalik lang ako mamaya dito kapag oras na ng tulog ni Caleb.

Bumaba ako ng hagdan para kumain anong oras na din. Nakita ko si Manang Bibing na may hawak na sandok naamoy ko na rin ang mabango na galing sa niluluto niya. dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.

Sakto pag-inom ko ng tubig humarap si Manang kaya muntik na niyang maibato yong sandok sa akin kaya tawang-tawa ako sa reaksiyon niya.

"Sus, maryosep ka talagang bata ka!" gulat niyang sabi sa akin habang hawak ang dibdib nito.

"Sorry naman Manang ayaw kasi kitang maabala sa ginagawa mo ehh" sabi ko at pinigilan ang tumawa.

"ayaw mo nga akong maabala pero aatakihin naman ako ng puso sayong bata ka!" sermon nioya pa sa akin. Napanguso naman ako.

Nakilala ko si Manang Bibing nong naghahanap ako ng pagkain sa refrigerator ang akala niya magnanakaw raw kasi bigla-bigla na lang ako pumasok at dumiretso sa ref. Natawa pa ako non kasi may kagat na apple pa ako sa labi non nang may marinig akong yapak ng tsinelas.

Nagtataka nga ako ehh kasi bigla na lang siya natigilan at nanginginig ng makita ako ng tuluyan non. Lumapit ako that time para tignan siya ngunit umatras pa ito. Makikita mo sa mata niya ang takot at gulat sa mga mata nito ng makita ako.

Ang wierd lang talaga minsan ng mga tao dito. Sa loob ng isang buwan kong pamamalagi dito ay iba ang trato nila sa akin kumbaga kapag nakita nila ako sa hallway, sa garden o saang sulok ng bahay na ito ay laging nakayuko at parang natatakot sila sa akin.

Mabait naman ako ah! Magandang magnanakaw nga sabi ni Manang eh! Natawa naman ako. Nang tumatagal nagiging close ko na sila kasi minsan hindi lang si Caleb ang tinatrabaho ko kundi tumutulong na din ako sa gawaing bahay o kaya sa garden kapag tinitrim nila yon.

Mga kasambahay din lagi kong kinakausap. Iba na ngayon kumpara sa bago pa ako dito sa pamamahay na ito. "Anong niluto mo ba?" tinignan ko yong kaldero na may lamang sinigang na baboy. Naglaway tuloy ako.

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now