Chapter XIII

52 3 1
                                    

"Ma sorry ngayon lang ulit ako nakatawag naging busy din ako sa trabaho ehh..." pag-iintindi ko. Pangatlong beses ko itong tawag ngayon kina Mama nakalimutan ko kasing tawagan sila matapos yong tawag ko sa kanila two weeks ago na.

Busy kasi ako sa pagbabantay at pag-iwas sa kaniya. Iniisip ko palang kung paano ko naiwasan ang damuhong yon. It's been a month na nong paghaharap namin. Hindi maganda ang napag-usapan, bakit? dahil bigla-bigla na lang tumitibok ang puso ko dahil sa kaniya.

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ang sa kabilang linya. "Akala ko nga nakalimutan muna kami kasi hanggang kahapon hindi ka tumawag." tunog pagtatampo ang nasa boses ng Mama.

Ito na nga ang sinasabi ko eh. Hindi talaga maganda na binabaan ko sila ng tawag nong tumawag sila sa akin last two weeks. Hindi kasi ako makasagot nong mga oras na yon dahil sa tanong nila kung nakuha ba ako  sa trabaho at naging secretary ba ako sa isa sa mga company dito sa Maynila.

"Makakalimutan ko pa ba kayo? Ehh kayo na nga ang nagluwal sa akin at nagmana ng kagandahan ..." sabay tawa ko. Narinig ko naman ang tawa sa kabilang linya.

"Bolera ka talagang bata ka."

"Hindi ah, nagsasabi lang naman ako ng totoo Ma." sabi ko pa.

"Kamusta naman ang trabaho mo Ayla?" tanong nito. Ito na naman tayo sa trabaho, ewan ko ba kung bakit takot akong magsabi na hindi ako natanggap ng kompanya ng damuhong yon.

"Okay lang naman Ma, mabait yong mga katrabaho ko at b-boss ko." pagsisinungaling ko.

Decent naman yong trabaho ko kaya lang pagiging maid lang talaga hayst.

"Talaga? Mabuti naman anak at natanggap ka sa trabahong yan kahit hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral." bigla ay kumirot ang aking dibdib dahil sa sinabi ni Mama.

Hindi niya alam na isang hamak lang akong babysitter ng boss ko at napagsalitaan pa ng masama dahil hindi ako college graduate o kahit anong degree ay wala ako. Kahit naman ganoon siya may nararamdaman na ako at yon ang iniiwasan ko.

"Ah! Ma ibaba ko muna ang tawag kasi tumatawag ang boss ko." sabi ko kahit hindi naman talaga totoo. Iniiwasan ko nga ang lokong yon eh tatawag pa ba? Matapos kong ibaba ang tawag ay napabuntong hininga ako.

Nasa labas ako ng balkonahe kung saan maraming mga bulaklak at iba't-ibang kulay pa ang nakikita mo. Napaka-peaceful ang lugar na ito hindi lang dahil sa mga bulaklak na nakapaligid pati na rin sa magandang view.

Makikita dito ang magandang view. Dito lagi tumatambay kapag tulog yong bata o kasama yong ibang nanny, minsan naman ay dito kami naglalaro ni Caleb at nagpapahangin. Naging comforter ko na din ang parti ng bahay na ito.

May narinig akong ugong ng sasakyan sa labas ng entrada at alam kong siya na yan. Palihim kong tinignan ang luma kong relo at napansing 5pm na pala ng hapon.

Maaga yata siya umuwi? Minsan kasi kapag umuwi siya ay mga 8pm o 10pm at tulog na ako non kaya hindi ko na rin siya nakikita kapag gabi. Minsan pa ay hating gabi na siya makakauwi sa bahay niya at sa umaga naman ay madalas hindi ko na siya naabutan pa.

Madali na sa akin ang iwasan siya dahil hindi ko siya nakikita at alam kong busy na rin siya sa kompanya niya. Kahit naman ganoon hindi pa rin nawawala yong nararamdaman ko.

Hindi ko dapat to nararamdaman, alam kong may pamilya na siya at mahirap yon kasi may sabit na ayaw kong ako ang dahilan ng hindi pagkakaroon ng buong pamilya ang bata. Kaya lagi kongh iniisip na trabaho lang ito at wala ng iba pa.

Tumayo ako sa kinau-upuan ko at napabuntong hininga. Natigilan ako bigla ng maamoy ko ang familiar na pabango na yon. Ayaw kong isipin na nandiyan lang siya malapit sa akin.

Alam ko naman na maghaharap din kami ng damuhon to pero hindi ko pa kayang harapin lalo na at umuusbong yong nararamdaman ko.

"Ang lakas non ah?" hindi ko alam kong inis o sarcastic ang pagkakasabi niyang yon. Pumihit ako paharap sa kaniya. Hindi na ako makakaiwas this time. Walang gana ko siyang tinignan pero may ngiti sa labi ko.

"Oh! boss nakauwi na pala kayo?" pinasaya ko ng konti ang boses ko. Kahit obvious naman ang tanong ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at ayan na naman ang walang emosyon niyang mata na nakakalunod. Hindi ko kaya ang tingin niya kaya umiwas ako at hindi na alam kung saan dadapo ang mga mata ko pero agad din bumalik sa kaniya dahil sa narinig kong ngisi nito.

"Why are you avoiding me?" diretsang tanong nito sa akin. Luumikot bigla ang mga mata ko at mabilis na rin ang tibok ng puso ko.

"H-ha? w-wala naman boss ah!" nauutal kong sagot sa kaniya hindi parin makatingin sa kaniya. Napatingin ako sa suot niya ngayon na black pants at puting polo na nakarolyo ang mga manggas nito hanggang siko. Napansin ko din ang mauugat nitong mga kamay at suot ang mamahaling relo nito.

"Eyes up here woman..." madiin at ma-authoridad nitong usal sa akin. Kaya agad na dumapo ang tingin ko sa kaniyang labi na namumula dahil sa pagpipigil na bulyawan ako.

"Hindi naman talaga kita iniiwasa--"

"Damn it, you have been avoiding me for a month!" malutong nitong mura sa akin. Napakurap-kurap akong napatingin sa kaniya.

Bumuntong hininga ito at nakapamulsa sa black pants nito. Akala ko hindi niya napapansin ang pag-iwas ko sa kaniya kasi busy siya sa trabaho at sa kompanya niya.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? dahil ba takot ako sa pwedeng mangyari sa aming dalawa o dahil natatakot ako kung anong kahahantungan ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Boss, anong nangyayari sayo--" naputol ang sasabihin ko nang marinig ang iyak ni Caleb kaya hindi ako nagdalawang isip na lagpasan siya para puntahan ang bata sa kwarto ngunit nakakadalawang hakbang pa ako ay may humawak na malaking bagay sa aking siko.

Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang siko ko. Mula sa mga kamay niya papunta sa mukha niya na ngayon ay seryoso na itong makatingin at makikita na rin ang inis at galit nito sa mukha.

"Where are you going?" naiinis niyang tanong sa akin. Ang lakas talaga ng trip ng isang to. Hindi ko talaga maintindihan ang iniisip niya.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa siko ko at nakita ko ang pagdaan ng isang emosyon na bigla na lang nawala at napalitan ng inis. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Sir, ano ba ang nangyayari sayo? Hindi mo ba narinig ang iyak ng anak mo? kasi ako oo, aalis ako dahil kailangan ako ng anak mo." naiinis ko na ring tugon sa kaniya. Tumungo siya at maya-maya lang ay umangat ang ulo nito.

"Bakit hindi ba kita kailangan dito?" mahinang usal nito pero dinig na dinig ko yon. Nagulat akong napatingin sa kaniya.

Napapailing pa ito na para bang mali ang sinabi niya. "Nevermind..." mahina niyang usal at nilagpasan nauna siyang pumasok sa loob. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umakyat na ito sa hagdan at alam kong didiretso na ito sa kwarto niya.

Tumungo ako at pinag-isipan kung saan ba ako nagkamali? sa desisyon ko bang iwasan siya o dahil mas inuna ko ang anak niya at hindi iniintindi ang sinasabi niya sa akin.

Napapailing na lang ako at hinaplos ang dibdib ko na ngayon ay bumibilis ang tibok nito. Ngayon ko lang napansin a pinigilan ko pala ang paghinga ko kanina.

Ayaw kong magpadala sa mga sinasabi niya at baka ako lang ang kawawa sa huli. Bakit naman kasi sa kay dami ng lalaki bakit sa kaniya pa na may sabit na.

I will protect my heart so that it won't hurt because of him.




The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now