Chapter XVIII

24 1 0
                                    

Mula nong gabing yon ay hindi ko na nakita si Aether at mabuti na din yon para mas mapadali ang pag-iwas ko sa kaniya.

Humugot ako ng hininga at tinignan si Caleb na ngayon ay tuwang-tuwa sa laruan niyang laruan na piano. Kapag kasi pinindot niya ang isang piece sa piano at agad na tutunog ang iba't-ibang tunog ng animals tapos bigla na lang may music na lalabas kapag pinindot na naman niya ito.

Nagagawa niya pang sumayaw sa beat ng music. Ang cute at gwapo talaga ng batang to. Hindi sana siya katulad ng papa niya na masungit at laging nakasimangot kaya minsan nakakatakot ito pero yon naman ang gusto ng mga kababaihan mas gusto pa nila na ganoon daw ang lalaki dahil hot at wild daw.

Napailing na lamang ako nang biglang sumagi sa isip ko ang nangyari.

Napansin kong gumapang papunta sa akin si Caleb kaya agad ko naman siya sinalubong ng dalawa kong kamay.

Kinuha ko siya at pinaupo sa kandungan ko habang tinitignan siya ng maigi.

Actually, napapansin kong hindi naman pala gaano kamukha ni Aether si Caleb, meron lang mga parti na nakuha niya pero in short mas lamang siguro ang Ina nito.

Pero kahit ganoon ay cute at gwapo pa din. Ang sarap kagatin ng mga matataba nitong braso.

Mataba talaga si Caleb siguro dahil na rin nasa mabuting kamay ito.

Inaabot-abot naman ng kamay niya ang mukha ko kaya ako na lumapit. Napatitig ako kay Caleb  nang hinahaplos nito ang mukha ko. Parang tinitrace niya ito mula sa kilay, ilong, sa mata, sa pisngi at maging sa labi ko ay nakatitig ito doon.

Hindi ko napigilan ay kiniss ko ang matambok niyang pisngi na siya namang paghagikhik nito parang nakikiliti siya doon. Inulit ko ng inulit ang paghalik sa pisngi niya at sa leeg nito na mas ikinatawa ng bata.

Pati ang pagtawa ay ang cute nito. Kita rin ang dalawang ngipin sa itaas at ibaba nito.

Hindi nagtagal ay kiniliti ko ito at tawa naman ng tawa ang bata.

"He really likes you." Napahinto ako sa ginagawa ko sa bata. Naririnig ko pa ang impit na tawa ni Caleb.

Hindi ko namalayan na may pumasok sa kwarto, napakabibo kasi ni Caleb at ang lakas tumawa kaya hindi ko pansin na nakapasok na si asungot.

"Andiyan ka pala..." Mahina kong aniya sa kaniya at lumayo ang mukha ko sa bata.

"Ang happy niyo naman yata kapag wala ako?" Sarcastic nitong tanong sa akin. Napailing na lang ako. Hindi ako tumingin sa kaniya kahit alam kong nakatitig ito sa akin.

Pinagtuunan ko na lang ang atensyon ko sa bata na ngayon ay pinapakielaman ang buhok ko.

Tahimik lang ako namasid sa bata pero ang hindi ko inaasahan ay hinila pababa ang blouse ko na siyang lumitaw ang black bra ko. Napalunok akong tinaas ang blouse ko, bakit kasi ito pa ang sinuot ko? Nakasuot lang kasi ako ng scoop neckline blouse na puti at nakajeans ng skyblue. Hindi ko pa kasi nalabhan yong uniform ko na pang maid.

Napatingin ako sa kaniya ng tumikhim ito at lumapit sa akin para kunin si Caleb sa kandungan ko.

Napaiwas ang tingin ko dahil sa ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Hindi naman ako ang humila ng blouse mo." Maang sabi nito sa akin ngunit pinipigilan na ngumiti ang kaniyang labi.

Inirapan ko siya at tumayo. Pinagpag ko ang blouse na suot ko. Imbes na tumingin sa kaniya ay sa bata agad dumapo ang tingin.

"So nakita mo?" Buong tapang kong tanong sa kaniya.

"It's just a bra babe pero ang big deal na sayo. Nakita ko naman yan at higit pa diyan kaya bakit ka pa nahihiya---"

The Babysitter (Ayla Celeste Rodriguez)Where stories live. Discover now