Kabanata 5 - Bad Man

1K 20 2
                                    

KHIANA's POV

I DON'T KNOW WHAT TO DO.

Thursday na ngayon at hindi ko pa rin alam kung ano ang susuotin ko sa 'Dinner Date' namin ni Ryker. Hindi ko alam bakit nga ba ako aligaga. It's just for dinner! Pero kahit na! Ayoko naman mapahiya. I found out that La Vie, the restaurant, is a luxurious restaurant. I need to look presentable.

Napasalampak ako sa higaan ko. Ang hirap mag-isip ng susuotin ha! Nakakastress sobra.

Nakatulala lang ako habang nakatingala sa kisame ng biglang tumunog ang phone ko na nasa side table. Agad ko naman kinuha 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

It was Tiffany!

"Sissy!" bungad ko sa kanya.

"Khiana! Kumusta ka diyan?" masiglang tanong nito sa akin.

"I am doing fine! This place is as good as how you described it. Ang dami kong gusto ikuwento sa 'yo!" sabi ko sa kanya. Tiffany is like a sister to me. Kaya kumportable ako na sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa buhay ko, whenere it is good or bad. She's a very great listener. "Nakaka-miss ka talaga!"

Narinig ko na tumawa siya. "Don't worry, sissy! Magkikita na rin tayo next week."

"Ha?" E next next week pa ang alis ko sa Vista Verde ah.

"Pupunta kami diyan ni Thalia! Sasamahan ka namin. Oh pak! Saan ka d'yan!"

Napatili ako sa excitement. "Omg, sissy! I am so excited. Na-miss ko kayong dalawa! Gusto ko na rin maka-bonding si Thalia."

"Need din talaga namin ng daughter ko ang beauty rest. Vista Verde is the perfect place for that!" sabi niya sa akin.

"E kailan ba kayo pupunta?" tanong ko.

"Basta next week, sissy. Surprise na lang sa 'yo!"

Humalakhak naman ako. "Ikaw ha! May nalalaman ka pang pa-surprise!"

"Basta be ready! Anyway, mauna na ako. Alam mo naman at tambak ang trabaho dito sa office. Nakakasira ng ganda. Kailangan ko tapusin muna mga paperworks ko para makapunta ako ng Vista Verde ng walang ibang iniisip," sambit niya.

"Okay, sige. Ingat ka, sissy!"

"Stay safe as always too, sissy!"

After my call with Tiffany, ay nakita ko na may message ako.

From: Ryker

See you tomorrow!

Bigla ko na naman naalala ang problema ko. Kailangan ko nga pala na maghanap pa ng isusuot ko. Binigay ko ang number ko kay Ryker bago niya ako ihatid sa hotel. Kaya 'eto at nakakapag-text siya sa akin. Bago pa ako makapag-reply ay tumunog ulit ang cellphone ko. Another text from him.

From: Ryker

I'll fetch you around 7 o'clock in the evening.

Nag-type naman ako ng reply sa kanya.

To: Ryker

Okay... see you!

After he saved me, hindi na gano'n ka-awkward kaming dalawa. He seemed calm and not pushy. Feeling ko ay medyo naging close na rin kaming dalawa kahit paano. I just realized, he's not that annoying.

Mabilis na lumipas ang oras. Surprise, Friday na!

Hindi ko alam bakit ba kinakabahan ako. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. 'It's just dinner... It's just dinner...' I kept saying that to myself.

These Wrecked Hearts- (Published Under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon