KHIANA's POV
I AM SO TIRED.
Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. These past few days have been so hard for me. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas para magpatuloy. Nakakapagod na. Pagod na ako. But, hell, I can't even fucking rest.
I sat still in the living room of our house, obliviously fixating on the wall in front of me. What had taken place was incomprehensible to me. I was left with the sense that I had no one to turn to for support. Kahit na binibisita ako ni Tiffany and Eliz palagi para kumustahin ako. Pero hirap na hirap pa rin ako sa sitwasyon ko. Hanggang ngayon ay nanghihina ako.
"Khiana, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Eliz.
"Kikitain ko iyong parents ko ngayon. Nakahanap na ako ng libreng abogado para sa kaso nila. This will be a great help," sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.
"Alright. Mag-ingat ka ah."
Sa harap ng presinto ay nakita ko na nandoon na ang lawyer na nakausap ko. Nasa early 40's pa lang si Attorney. Mabait at may simpatya siya. Kitang-kita ko na passionate siya sa trabaho niya at gusto niya talaga ako matulungan sa kaso ng parents ko.
"Good afternoon po, Attorney Perez."
Nakipag-kamay siya sa akin. "Good afternoon, Miss Acosta. Shall we go inside?"
Si Attorney Tyler John Perez ang nakausap ko na. Isa siyang mahusay na lawyer at alam ko na talagang matutulungan niya na ako. Nasabi sa akin ni Attorney na na-review niya na ang kaso ng mga magulang ko. Nabanggit niya sa akin na mahina ang laban namin dahil nakita sa raid mismo ang mga magulang ko. Hindi lang sila nagbebenta, gumagamit din sila ng droga. Pero ayoko mawalan ng pag-asa. I have to keep holding onto the little hope that I have. I need to be strong.
When we went inside the visiting area, we waited for my parents for a few minutes. When they saw us, they instantly smiled.
"Makakalabas na ba kami rito, Khiana?" tanong ni Mama sa akin.
Maliit ako na ngumiti. "Umupo po muna kayo Ma. Si Attorney Perez po ang magpapaliwanag."
"Maria Acosta at Kenneth Acosta, tama po ba?" tanong ni Atty. Perez.
"Tama," sagot ni Mama.
"Ipapaliwanag ko po ang kaso sa inyo." I heard Atty. Perez cleared his throat and started explaining, "As a lawyer, I am aware that the possession and distribution of illicit substances such as illegal drugs is a serious offense that can result in prison time and a criminal record, among other severe penalties. Depending on the specifics of your case, you may have access to certain defenses. Kumbaga, may tyansa po tayo na madepensahan ang kaso ninyo. Basta mag cooperate lang po kayo sa akin."
"Ano? Bakit depensahan pa? Hindi ba pwedeng pyansahan mo na lang kami Khiana? Ayaw na namin dito!" reklamo ni Papa.
"Uhm, Mr. Acosta under the Philippine Drug Abuse Prevention and Treatment Act of 2002, possession of illegal drugs is considered a non-bailable offense, ibig sabihin po ay hindi po pwede na mag-bail ang anak niyong si Khiana," paliwanag ni Atty. Perez.
"Kung gano'n, gaano naman kami ka katagal dito sa kulungan, huh?" tanong ni Mama kay Atty. Perez.
"Depending on the facts of the case, the court may give a lighter punishment, such as a jail sentence of 6 to 12 years. Even if the accused gets a lighter sentence, he or she will still have to spend at least 6 years in jail before being available for release or parole."
"Putangina! Ano? Hindi pwede 'yan! Ilabas mo kami rito, Khiana!" reklamo ni Papa.
Kasalukuyan na akong naiiyak sa sitwasyon ko. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. I am so tired. Fucking tired! Maski ang paliwanag ni attorney sa kanila ay hindi sapat. Naguguluhan na ako sa dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
These Wrecked Hearts- (Published Under IMMAC)
RomanceAfter her heart was shattered by the man she thought loved her, Khiana went to Vista Verde Resort to forget, but then she met and caught the attention of the billionaire and hot magnate Ryker Zayr Velasquez who has a dark secret hiding behind his da...