Kabanata 4

310 18 0
                                    

DJ's POV

Buti maliit lang. Pero parang kapag tumagal pa sa araw mas napapaso pa yung buong kamay ko.

Mabilis akong nag-doorbell tapos tinago ko agad sa bulsa ko yung kamay ko.

"Sino yan?"

"Yung pinakagwapo mong anak, Ma." natatawa kong sabi.

"Ay sorry. Wala po akong kilalang gwapo." nakangiting binuksan ni mama yung gate.

"Wala kang kilalang gwapo, Ma? Awts."

"Baliw ka talaga! Buti naman naisipan mong dumalaw dito." sabi ni mama habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Syempre namiss kita eh." pinisil naman ni mama yung pisngi ko.

"Aray ko!!" aba tinawanan lang ako -_-

**

Tinulungan kong magbake si mama. Namiss ko na din yung mga pagkain na hinahanda niya sakin palagi eh.

"Anak, Tanggalin mo nga muna 'yang coat mo! Ang init init nakasuot ka pa ng ganyan." agad ko namang sinunod si mama.

Habang hinuhubad ko, Biglang hinawakan ni mama yung kamay ko na may paso.

"San mo 'to nakuha?"

"Uhm kanina lang po sa labas. Nagtataka nga ako eh. Naarawan lang bigla nalang naganyan." sumeryoso naman yung tingin niya.

"Vampires."

"Huh?"

"Napalapit ka nanaman sa kanila."

"Ma? Ano ba 'yang sinasabi mo. Hindi kita maintindihan." umiling siya tapos ngumiti.

"Wala. Tara tapusin na natin 'to para makakain ka na."

Ayos na 'to para sa lunch ko. Hahaha.

*Riiing*

Seth calling........

Pfft. Naalala ko nanaman yung katarantaduhang ginawa ko kanina.

"Hello?"

("Putngin@ mo dude! Hayop ka! Anong ginawa mo sa muka ko?!") galit na sabi ni Seth.

"Sorry. Wala kasi akong mahanap na papel kanina."

("Bwisit ka talaga! Ugh!")

("Dude!! Ang ganda ng babaeng drinawing mo sakin!!") rinig kong sabi ni Enrique.

("Oo nga! Akin din.") -Khalil

("Okay na sana eh. Kaso madre nga lang.") -Katsumi

("Fvta! Bakit sa kanila maayos yung mga drawing mo?! Bakit sakin hindi?!")

"Ayos lang yan. Malibog ka naman eh."

("Hoy ikaw din kaya!")

"Whatever dude. Hahaha." inend ko na yung call.

"Sino kausap mo, Nak?" tanong ni mama.

"Ah sila Seth lang po." tumango nalang siya.

Pagkatapos kong kumain. Umalis na din agad ako.

Naabutan ko silang nanonood ng tv. Himala maayos na yung condo ko.

"Sino nagligpit?"

"Yung tagalinis. Tae! Ba't di mo sinabi na sexy pala yung nag-aayos ng unit mo?" -Katsumi

She's A Vampire (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon