Kabanata 29

21 4 0
                                    

Dj's POV

Wala na..

Nahuli na ko..

Nanghihina akong napaluhod. Siguro kung mas maaga lang akong nakarating, baka naabutan ko pa si mama at posibleng nailigtas ko pa siya. Pero wala na eh.

Pagkauwi ko tumambad sa akin ang gulo gulong gamit dito sa bahay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Wala na si lola, si kath, pati ba naman nanay ko? Ano ba talaga gusto nilang mangyari? Kung ako lang ang pakay nila, sana naman lumaban sila ng patas. Huwag na nilang idamay yung taong malalapit sa buhay ko.

"Dj!!" walang ekpresyon kong nilingon ang tumawag sa akin.

"Nabalitaan namin kung anong nangyari. Patawad kung hindi namin nailigtas ang iyong ina." napakuyom nalang ang kamao ko.

"Ayoko na, dinds." agad niya naman akong niyakap.

"Huwag kang susuko. Marami pa kaming naniniwala sa kakayahan mo dahil alam namin na ikaw lang ang makakapagligtas sa amin. Diba? Paano nalang sila kath kung susuko ka na?" bumuntong hininga ako.

"Ewan ko."

"Pre, pinapatawag ka ni queen." sabi ni enrique.

"Uy tol! Anong nangyari dito?!" sabay sabay kaming napatingin kay seth. Sht. Sinundan niya pala ako.

Napailing nalang ako.

"Kayo na bahala dyan." walang gana kong sabi at dire-diretsong naglakad sa daan papunta sa palasyo.

"Tol! San ka pupunta?" pahabol na sigaw ni seth.

Hindi ko na sila pinansin. Basta ang nasa isip ko ngayon ay kung paano papatayin ang nasa likod ng lahat ng 'to.

Hintayin niyo lang. Maipaghihiganti ko ang lahat ng nanakit sa mga taong mahal ko.

Pagkarating ko sa loob. Nakasalubong ko si ms reklamo. Ano bang pangalan ne'to? Nabanggit sakin ni mama nung isang araw eh. Samantha?

"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya sakin.

"Wala kang pakielam." nilagpasan ko siya pero hinablot niya ang braso ko.

"Wag mo kong tinatalikuran!!" galit na sabi niya sakin.

"Bakit ba galit na galit ka? Ano bang ginawa ko sayo?" nagtitimping wika ko.

"Dahil kasalanan mo ang lahat!" kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tumawa siya. Tawang mukhang isa lang akong biro na nasa harapan niya.

"Mangmang ka na nga. Wala ka pang kwenta. Hindi na ko magtataka kung isang araw mabalitaan mo nalang na patay na ang pinakamamahal mo at syempre, ikaw din."

Parang may iba akong naramdaman sa sistema ko na di ko mapaliwanag. Yung parang gusto kong higupin lahat ng dugo na nasa katawan niya.

"Ano? Tutunganga ka nalang?" di ko nalang pinansin ang sinabi niya at muling tumalikod.

Tangina? Bakit pakiramdam ko nauuhaw ako? Na hindi lang basta tubig ang papawi sa uhaw na nararamdaman ko?  Anong nangyayari sakin?

"Ang malas ng nanay mo na ikaw pa ang naging anak niya." nanginginig kong naikuyom ang aking kamao.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo." mahinahon kong sabi.

"Why would I? Sana nga pareho na kayong mamatay."

Nandilim ang paningin ko. Mas mabilis pa sa alas kwatrong pinilipit ko ang braso niya at inuntog ang ulo niya sa pader.

Napangisi ako ng makitang sunod sunod na tumulo ang dugo sa noo niya. Wala akong kasalanan. Siya mismo ang naghanap ng kamatayan niya.

Lumuhod ako para maging magkalebel ang mukha namin.

"Kulang pa yan." nakayuko siya ngayon kaya hinawakan ko ang baba niya at inangat ito.

Nang magtama ang aming paningin. Mabilis na nanlaki ang mata niya.

"Handa ka na bang mamatay ngayon?"

"D-demonyo ka." napangiti ako sa sinabi niya.

"Wala. akong.pake." buong pwersa ko siyang sinakal. Ewan ko ba kung bakit natutuwa pa kong pagmasdan na unti unti na siyang nalalagutan ng hininga.

"DANIEL!!" hinila ako palayo ng mga tauhan ni momsy.

"Anong ginawa mo?!"

Bigla akong natauhan. Napatingin ako sa palad ko at kay samantha. Sht. Muntik na kong makapatay.

"I-isa siyang demonyo!!" nanghihinang sabi niya.

"Tumigil ka samantha!!!"

"Queen! Nagsasabi ako ng totoo! Isa siyang demonyo! Nakita mo naman ang ginawa niya sakin diba? Baka hindi lang mga kaaway natin ang mapatay niya baka pati na rin tayong mga kakampi niya!"

Kumawala ako sa mga tauhan ni queen at mabilis na umalis sa kaguluhang yun. Nagtungo ako sa kwarto namin ni kath. Naihilamos ko nalang ang palad ko sa aking mukha.

Nababaliw na ata ako.

"Daniel, anak." nag-aalalang tawag sa akin ni momsy.

Tumabi siya sa akin. "Pasensya ka na kung hindi namin nagawang iligtas ang iyong ina." nanatili akong tahimik.

"Y-yung nangyari kanina.. maaari mo bang ikwento sa akin?"

"Ayoko pong pag-usapan yun." bumuntong hininga siya.

"Sige. Maiwan muna kita dito."

Lumipas ang ilang oras pero ang dami pa ding bumabagabag sa isipan ko.
Gusto kong matahimik kahit saglit kaya nagpunta ako sa falls. Nagbabaka sakaling guminhawa ang pakiramdam ko.

"Okay ka na ba?" alam kong si dindi yun pero hindi ako kumibo. Wala akong ganang makipag-usap ngayon.

Hanggang sa naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.

"Nakakabigla talaga ang mga pangyayari." sa tono ng pananalita niya pakiramdam ko may nagbago sa kanya. Parang hindi siya yung nakausap ko nung nasa bahay kami.

"Dj." tawag niya sa akin.

Walang bahid ng ekspresyon akong tumingin sa kanya. Bahagya ata siyang nagulat sa pagtingin ko pero kalauna'y ngumiti din. Isang pekeng ngiti. Bakit parang may nag iba talaga sa kanya?

Tumingala siya sa langit.

"Hindi ko inaasahan...." hinintay kong ipagpatuloy ang sinasabi niya.

"Na kakulay ng mata mo ang buwan ngayon." pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko.

Tumingala din ako sa langit.

Pula ang buwan.

Ibig sabihin...

Pula din ang mga mata ko.

She's A Vampire (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon