DJ's POV
"Hanna? Dito ka matutulog?" tanong ko sa kanya pagkarating namin sa unit ko.
"Hindi." sagot niya tapos pumasok sa kwarto ko.
Wtf! Bahay mo teh? Pero sabagay, pag naging mag-asawa kamii..... Yie!
Ay shet! Kabading naman >///////<
"Hoy Ha-----" naabutan ko siyang nakahiga sa kama tapos mahimbing na atang natutulog.
Whoa!
Hindi daw dito matutulog -.-
Umupo ako sa tabi niya.
"Ang ganda mo talaga." nakangiti kong sabi tapos hinawi ko yung mga buhok na nakaharang sa muka niya.
"Pag di mo pa tinanggal 'yang kamay mo sa pagmumuka ko babaliin ko yan." nanlaki yung mata ko at mabilis na tumayo.
"S-sorry. Akala ko tulog ka na eh." inirapan niya ko.
"Sungit talaga." bulong ko.
"Pake mo?" nanlaki ulit yung mata ko.
Narinig niya pa yun? tanong ko sa sarili ko.
"Uwi na ko." sabi niya.
"Hatid na kita."
"Wag na."
"San ka nakatira?"
"Sa bahay." pamimilosopo niya.
"Ayos ng sagot ah. Halikan kita dyan eh." panunukso ko sa kanya.
"Landi mo ah. Patayin kita dyan eh." natawa ako.
"Ang hard mo talaga sakin noh?"