Kabanata 20

162 12 0
                                    

DJ's POV


Nahuhuli kami ni kath. Nakaakbay ako sa kanya kasi baka bigla nalang may kumuha sa kanya. Ang dilim pa naman.


"Ano ba yung hahanapin natin?" tanong ko kay kath.


"Kwintas."


"Ano?! Yun lang?! Edi sana bumili nalang ako."


"Ipapahanap ba yun kung hindi importante?" bored na bored na sabi niya.


Napatahimik ako.


"S-sabi ko nga. Hehe."


"Kath, tignan mo oh. Parang may kumikinang dun." mabilis akong naglakad papunta dun. Baka kasi ayun na yung kwintas. Edi pwede na kaming makaalis.


Teka ba't parang may kakaiba sa lugar na 'to.


"Daniel!!!" sigaw ni kath.


Nataranta ako kaya muntik na kong ma-out of balance. Buti nalang nahawakan agad ni kath yung braso ko.


"Ano ba. Wag ka ngang padalos-dalos. Maraming mapanlinlang dito sa lugar na 'to." sabi niya.


"Arg! Aray!!" sigaw ko.


Tngina.


Ano yun?!!


Biglang may kumalmot sa braso ko. Parang galit na galit pa dahil sobrang diin nung pagkakalmot niya.


"A-ah!!"


Naramdaman ko yung mainit na likido sa braso ko. Sht. Ang hapdi. Kinuha ko yung flashlight. Kinuha ko rin sa bag yung bimpo. Tinali ko yun sa braso kong nakalmot.


Nanggigigil na tumayo si kathryn.


"K-kath! San ka pupunta?!"


"Dyan ka lang." seryosong sabi niya.


"Wag.... W-wag mo kong iwan dito. P-please." nanghihinang sabi ko.


"Aish!" padabog siyang bumalik sa tabi ko at inalalayan akong tumayo.


"Salamat." ngumiti ako.


Tinutok ko yung ilaw sa dadaanan namin. Sht.


"Nasan na sila?!"


"Naiwan na tayo. Kailangan natin silang masundan!"

She's A Vampire (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon