DJ's POV
Natapos na yung ikalawang palabas na pinanood namin nang may tumawag sakin.
Katsumi calling.....
"Hello?"
("Yow dude!")
"Oh bakit?"
("Busy ka?")
"Medyo."
("Sus! Nanchichixx ka lang naman eh. Tara bar tayo!")
"Sa susunod na may kasama ako eh."
("Weh? Sino?")
"Asawa ko." nakita kong sinamaan nanaman ako ng tingin ni Hanna.
("Di ka kasi pumasok eh.")
"Bakit ano meron?"
("May konting gulo lang sa room kanina.")
"Huh? Bakit ano nangyari?"
("Eh si Zharm kasi galit na galit tapos parang may hinahanap sa room. Ikaw ata pre! Haha. Miss ka na ata.")
"G@g0!"
("Pero seryoso pare para siyang papatay kanina. Buti na nga lang hinila agad siya palabas ni ms eh.") narinig ko nalang na bumukas yung bintana at pagtingin ko wala na si Hanna.Arg tngina! Tinakasan nanaman ako >.<
"Sige pre bye na." pagka-end nung call. Tumayo ako at nilinis nalang yung kalat.
Naglaro muna ako ng piano tiles sa phone ko. Di pa naman ako inaantok tsaka hinihintay ko si Hanna baka balikan ako eh.
Konsensya: lol asa ka pa
Pakyu!!
Bwisit!!
**
So ayun nga, hindi ako binalikan ni Hanna kaya hanggang dito sa room kinukulit ko siya at tinatanong kung bakit hindi na siya bumalik.
"Siguro may mas importanteng tao ka pang pinuntahan." sabi ko.
"......."
"Mga tol, magcucutting ako." lumabas na ko at pumunta sa bakanteng room.
"Ugh! Bwisit talaga yung babaeng yun. Ang sarap paslangin!!"
"Easy ka lang girl.. May tamang panahon para dyan."
Ay may tao pala... Mukang seryoso yung pinag-uusapan nila.
"Bernardo.... May araw ka din sakin at ng buong lahi niyo." napakunot yung noo ko sa narinig ko at umepal na ko sa usapan nila.
"Anong meron kay Bernardo?" seryosong tanong ko.
"Sino ka?" di ko maaninag yung muka ng babaeng nagtanong sakin pero ano bang pake ko sa kanya -.- may tinatanong din ako eh. Psh :3
"Wag ka ng makielam dito kung ayaw mong malagutan ng hininga." sabi pa nung isa.
Pumwesto sila sa may liwanag ng buwan kaya finally nasilayan ko na ang pagmumuka ng mga babaeng 'to.