DJ's POV
Tangina!
Nanginginig ako ngayon sa tabi ni momsy. Put@ TT_______TT
"Tinatawag ko ang atensyon ng lahat. May importante akong sasabihin." seryosong sabi ni momsy.
Sht.
Tumigil silang lahat sa kanilang ginagawa at tumingin kay momsy.
"Alam kong lahat sa inyo, nagtataka kung nasaan ang mahal na prinsesa. Pasensya kung hindi ko agad sinabi sa inyo dahil may inaayos lang ako. Nawawala na din siya. Kinuha na nila." lahat nagulat sa sinabi niya. Muntikan pang magkagulo kasi nagalit yung iba.
"Queen! Dapat na talagang matuloy ang digmaan!"
"Kailangang mabawi na natin siya!! Lalo na ang mama mo!"
Si lola ata yun :(
"Hindi pupwede sa ngayon. Pero sinisigurado kong mababawi natin sila." napahinga naman ng sila ng maayos.
Ngunit tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi ng isa na nagsanhi ng pagtingin nilang lahat sakin.
"Nahanap na ba kasi ang tagapag ligtas!? At sino 'yang kasama mo, queen?"
Mas lalo akong nanginig. Naagaw naman ng atensyon ko si enrique sa isang gilid na natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tae." he mouthed.
"Siya lang naman.... Ang tagapag ligtas. At ang soon to be na asawa ng aking anak." lahat sila nagulat.
"Seryoso queen?! Siya?! Eh kaya niya bang matalo ang mga kaaway?!"
"Siguro? Ang dapat niya lang namang mabawi ay ang nanay ko at si kathryn." umiling naman yung iba na parang hindi sang ayon sa nalaman.
Nabadtrip naman ako ng konti. Aba! Mabuti sana kung sila makakakuha kay kath. Tsss. Eh mga dakilang taga-reklamo lang naman. Punyet@!
Tinignan naman ako ni queen na nagsasabing magpakilala na ako.
*ehem*
"Ako nga pala si Daniel. Maaari niyo akong tawaging Dj."
Putngin@ pakapalan na 'to ng muka.
"Pwede niyo rin akong tawaging mahal na prinsipe. Mas maganda yun. Hehe." walang natawa. Lahat seryoso pa din. Aba put@! Makisama naman kayo please!!
"Sinong nanay mo?" as if on cue, biglang naglakad papunta sa pwesto ko si mama.
"Ako bakit? May angal ka ba?" nanlaki yung mata nung si ms.reklamo.
"Ikaw?!"
"Oo. May problema ba?"
"W-wala." yumuko siya.
Grabe. Takot din pala sila kay mama. Kahit hindi nila kauri. Nirerespeto pa din nila. Pero iba pakiramdam ko dito sa ms.reklamo na 'to eh. Feeling ko gusto niya ng saktan si mama.
"Magsibalik na kayo sa gawain niyo. Daniel, sumama ka sakin." tumango ako.
Tinignan ko si mama, tumango lang din siya.
Dinala ako ni momsy sa kainan. Grabeng haba naman ng dining table. Siguro mga 50+ yung pwedeng kumain dito.
Dun kami pumwesto sa dulo.
"Hijo, gusto kong hindi ka maniniwala sa kahit na sino. Walang iba kundi sa amin lang. Naiintindihan mo ba?"
"O-opo."
"Oh siya. Sumama ka muna kay dindi."
"Asan po siya?"
"Nasa labas. Malapit sa falls."
"Weh? May falls dito?!"
"Oo. Dali na. Puntahan mo siya habang andun pa." ngumiti ako. Tumayo then nagbow tapos umalis na.
Tsk, maglalakad nanaman ako sa mahabang pasilyo. Nagpaikot-ikot ako dahil naligaw nanaman ako. Punyemas.
Mabuti nalang din nahanap ko yung pinto palabas. Sumalubong sakin ang simoy ng hangin. Pinalibot ko yung tingin ko para hanapin siya.
"Asan ba dito yung falls? Psh."
Lumabas naman si ms.reklamo. Ayown! Lumapit ako sa kanya.
"Hi! Asan dito yung falls?" tumaas yung kilay niya. Sunget :/
"Dun." nagkamot ako ng ulo.
"Saang dun?" umirap siya.
"Lakad ka sa gilid ng palasyo. Tss. Hanapin mo nalang." umirap ulit siya tapos umalis na.
Bat ang laki ng galit nun saken? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Tsk. Mga tao talaga ngayon.
Teka nga!
Saan bang gilid? Right or Left? Psh. Whatever! Right na nga lang! Because I want to choose the right thing. Oh sheyt! Nosebleed!!
Nakakatakot naman dito. Naririnig ko na yung tubig. Yung tunog sa falls. Sinundan ko lang yun. Kngina. Pati ba naman dito may pasikot-sikot.
"Puta! Finally. Nakarating din."
Wow. Ang ganda naman dito. Nakita ko si dindi na nakatitig lang dun.
Nilapitan ko siya.
"Hello." masayang bati ko.
Gulat siyang ngumiti sakin, "Anong ginawa mo dito?"
"Sabi ni momsy sumama daw muna ako sayo eh."
"Ahhh."
"Grabe. Ang ganda mo." nahihiya siyang ngumiti.
"Haha salamat."
"Ang blooming mo pati."
Naka-white siyang dress. Nakalugay yung buhok niya. Shet! Ang ganda talaga eh. Pero maganda din si myloves. Hahaha.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Nagpapahangin lang."
Umupo ako sa damuhan. Gumaya din siya.
"Alam mo ba, palagi akong nandito. Nakakaginhawa kasi sa pakiramdam." tumingin ako sa falls.
"Palagi din bang andito si kath?"
"Hindi. May iba siyang pinupuntahan eh. Hindi ko alam kung saan. Pero may kalayuan dito. Alam mo naman yun. Hilig mag isa." tumawa ako.
"Bakit ka nga pala naka-ayos? May pupuntahan ka ba?"
"Magdedate daw kami ni khalil eh." nanlaki yung mata ko.
"As in ngayon na?"
"Maya maya pa naman."
Sa wakas! Marunong na dumiskarte ang g*go!!
"Pag nakabalik na si kath. Dito kami magdedate. Tulungan mo ako ah? Lalagyan natin ng buhay 'to." tumawa siya.
"Sige ba. Haha ang effort, nuxx."
"Syempre ganun talaga. Kapag mahal mo. Lahat gagawin mo para mapasaya, siya."