DJ's POV
Putangina! Bwisit!
Wala namang nangyari. Pero pagkagising ko badtrip na badtrip ako. Dito nga pala ako natulog sa kwarto ni kath. Dapat mga maganda gising ko eh. Kasi nasa kwarto ako ng mahal ko. Pero putangina! Nababadtrip ako.
Maaga akong nagising. Since, mga bampira ang mga nandito. For sure, tulog pa silang lahat. Nagugutom na ko! Tsk.
Kinuha ko yung mga libro. Naghanap ako ng pwedeng gamiting bag at dun nilagay lahat ng kailangan ko.
Asan na ba si mama? Hays.
Lumabas ako ng bahay. Buti nalang nasanay na din ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Nubayan! Maaga naman na. Pero ang dilim pa din sa loob.
Pagkalabas ko. Hinanap ko agad yung sasakyan pauwi sa bahay. Alam ko na yung daan. Diretso lang naman eh.
"Aba put@! Nakakabadtrip talaga oh."
Aish! Wala kasi yung sasakyan. Paano ako makakabalik sa bahay?
Putangina! Putangina talaga!
No choice. Kailangan kong takbuhin pauwi dahil mainit.
Mga ilang hakbang pa lang pakiramdam ko ang layo na agad ng narating ko. Tumigil ako saglit. Lumingon ako at nanlaki yung mata ko ng makitang wala na yung palasyo.
"Hala!! Pano nangyari yun?!"
Paksht! Tumakbo na ulit ako. Mga ilang sandali nakarating na din ako sa bakuran ng bahay.
Pagkapasok ko sa loob, hinanap ko agad si mama. Iniwan ako eh! Sama diba? Tsk tsk.
"Maaa!!" sigaw ko.
"Yuhooooo!!!" padabog kong hinagis sa sofa yung bag.
"Hoy! Anong problema mo? Bat nagwawala ka dyan? Suminghot ka ba?" sinamaan ko ng tingin si mama.
"EWAN!!" nagdabog ulit ako papasok sa kwarto.
Nyemas! Lahat ng tao nadadamay. Tsk! Sulitin na!
Tinawagan ko si seth.
"Hello?"
("Oh napatawag ka? Ano ng balita kay kath?")
"Di pa siya nahahanap eh."
("Ahhh.")
"Inuman tayo!"
("Lol! Pre? Seryoso ka? Maaga pa!")
"Oo putangina."
("Badtrip?")
"Di ba halata?"
("Uhh.. Busy ako mamaya nalang!!")Tsk! Binabaan ako ng phone! Tangina! Pabagsak kong hiniga yung sarili ko sa kama. Narinig kong bumukas yung pinto.
"Imbis na magdabog ka magdamag diyan. Magbasa ka nalang." hinagis ni mama yung bag at saktong tumama sa muka ko yun.
"Aray putaaa!!" tatlong libro kaya yun!!
"Hay nako." padabog ding sinarado ni mama yung pinto.
Tsk.
Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung mga libro.
"Ano ba una kong babasahin dito? Psh." sabi ko sa sarili ko.
Red, brown, black.
Meanie meanie minie mo.
"Tsk!!" kinuha ko yung libro at sumandal sa headboard ng kama ko.
Sinimulan ko ng buklatin yung brown na libro.
Ohhhh. History lang din pala 'to. Grabe. Marami na palang digmaan ang nangyari. Tapos ngayon gumagawa na sila ng paraan para matapos na kasi ayaw na silang may masaktan. Tsaka para hindi na rin mapahamak si kath.