Kabanata 22

137 11 0
                                    

DJ's POV


Pinauwi na kaming lahat. Mas mabuti na daw na hindi na namin maabutan yung kabilugan ng buwan dahil mas delikado. Ayoko pang umuwi dahil gusto kong hintayin si kath. Pero sila na daw ang bahala.


Dun muna ako magsstay kay mama. Dahil siya daw mismo ang magsasabi sakin ng lahat. Ugh. Sobrang gulo!


"Oh anak? Napano ka? Bat ganyan muka mo?"


"Ma..... Kinuha nila yung babaeng mahal ko. Sino ba sila?! Ano bang meron?!" nagulat si mama sa sinabi ko.


"A-anak....."


"Ma!! Kailangan ko ng malaman ang lahat!!!"


"Daniel, anak. Mas mabuti pang magpahinga ka muna. Mamaya nalang tayo mag-usap." ginulo ko yung buhok ko.


Kinuha ko na din yung mga gamit ko at umakyat na sa kwarto.


Sana maging maayos na din ang lahat...


-


"Daniel, kakayanin mo 'to :)"


"Hihintayin kita..."


"Mahal din kitaaa..."


"Put@ng*n@!!" napabangon ako.


Napanaginipan ko si kath. Putek! Wala pang isang araw pero namimiss ko na agad siya.


"Anak? Okay ka lang ba?" tumabi sa akin si mama.


"Ma.... Hindi ko na kaya."


"Susuko ka na agad?" natahimik ako. "Mahal mo na talaga noh? Hayaan mo, andito lang si mama. Gagabayan kita." niyakap ko siya.


"Oh siya. Tama na ang drama. Kumain ka muna ng hapunan tapos mag-uusap na tayo."


Tahimik lang akong sinabayan ni mama sa pagkain. Ako yung naghugas ng pinggan. Pagkatapos, Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa kaya umupo din ako dun.


"Handa ka na ba?" tumango ako.


"Sigurado ka?"


"Basta para sa kanya." bumuntong hininga siya.


"Okaaay. Una sa lahat, natatandaan mo pa ba yung nangyari sayo dati? Yung napaso ka sa araw?" tumango ulit ako. "Sinabi ko ring napalapit nanaman sila sayo."


"Bampira."


"Oo anak. Bampira sila." kumunot yung noo ko.


"Weh? Meron pa ba yun sa panahon natin?"


"Oo naman. At yung minamahal mo yun. Anak, ang totoo niyan. Hindi naman tayo iniwan ng papa mo eh. Pinalayo ko lang muna siya dahil ganyan nga ang nangyayari sayo. Dahil kapag tumagal pa yun. Baka maging permanenteng bampira ka na. Syempre bilang nanay. Gusto ko namang maranasan mo yung buhay ng isang normal na tao."


"Ibig sabihin.... Bampira si papa?" ngumiti si mama.


Napanganga naman ako.


"Ikaw din po?"


"Hindi. Kaya nga naging normal na tao ka ngayon eh."


"Eh pano po kayo nagkakilala ni papa?" tumawa siya.


"Anak, wag ng lovestory namin ng papa mo ang itanong mo."


"Haha ay sorry naman po."


"Asan na po siya ngayon?"


"Sa mundo nila. Siya ang namamahala dun. Kasama niya ang mga kamag-anak ni kathryn. Ayaw niya munang magpakita sayo dahil nag-iingat siya. Once kasi na makuha din siya. Gagawin siyang patibong para mapadali ang plano nilang patayin ka." nanlaki yung mata ko.


"B-bakit ako?!"


"Dahil ikaw ang nakalagay sa nakatakdang makakatalo sa mga kaaway. Kaya hindi mo rin ako masisisi kung nagawa kitang palayuin sa papa mo."


Sa mga nalaman ko, unti-unti ko na ring naiintindihan ang lahat.


"Uhh ma, may tanong po ako. Nagkita na po ba kami dati ni kath?" tumawa siya.


"Oo. Isang beses. Pero mga bata pa kayo nun."


"Ahh..."


Hehe. Kilig ako >//////<


"Marami ka pang malalaman. Ang gawin mo muna ngayon matulog ka ulit. Gigisingin kita mamayang alas dose ng madaling araw..."


"H-ha? Bakit po?"


"Pupuntahan na natin ang mundo ng mga bampira."


-------------------------
A/N: kamusta naman kayo dyan? HAHAHA. Vote&comment po :--)

She's A Vampire (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon