DJ's POV
Lumabas na ko ng kwarto ni kath dahil naboboring na ko. Tsk. San ba ko pupunta? Maggagala nalang ako dito? Takte!
Pagdating ko sa pasilyo. May nakasalubong ako. Putek. Nakakatakot.
"Uhh hello. Nakita mo ba kung asan si momsy?" tinignan niya ko na parang weirdo na parang sinasabing 'huh? Baliw ka ba? Sino yun?'
Nilagpasan niya na ko. Hala oo nga pala. Hindi niya pa ako kilala. Tsaka hindi niya rin kilala kung sino si momsy.
Nakita ko naman sa isang dulo si... Enrique!? May kausap siya.
Paalis na sana siya pero tinawag ko. "Pre!!" tumingin siya sakin. Nung una hindi pa niya ko nakilala pero nilapitan niya ko.
"Yo! Anong ginagawa mo dito?" nagbro fist kami.
"Alam ko na." nanlaki yung mata niya.
"Weh?"
"Oo nga! Bampira ka din ba?" tumawa siya.
"Hindi ah."
"Luh. Eh anong koneksyon mo sa kanila?"
"Taga balita lang kami. Pero mahalagang role din yung ginagampanan namin dito." tumango ako. "Teka, san ka ba pupunta?"
"Hindi ko nga alam eh. Asan ba yung mga tao?"
"Nasa grand hall."
"San yun?"
"Tara."
Habang naglalakad kami. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano. Isang gintong pintuan ang nasa harap namin ngayon. Takte. Kinakabahan ako.
"Uy tol! Tara na! Para kang natatae dyan." nagbad sign ako.
"Pakyu."
Pagkabukas ng pintuan. Napahinga ako ng maluwag. Hayst. Buti naman hindi kami ang center of attraction. Takte! Ang daming tao. Lahat ata nandito. Hinanap ng mata ko si momsy.
Nakaupo siya sa trono sa may gitna. Naglakad ako papalapit dun. Nagbow muna ako bago magsalita.
"Momsy? Asan po si mama?"
"Hello hijo, andyan lang yung mama mo." ngumiti siya ng pagkalawak lawak.
"Uhh a-ano pong meron?"
"Tutal andito ka naman na. Ipapakilala na kita sa lahat bilang kabiyak ng aking anak sa hinaharap. Pero hindi pa ito sigurado. Kapag naging maayos na ang lahat pwede ka ng umasa." nanlaki yung mata ko.
Sht.
Kabiyak?!
*O*
Sht!
--------------------------------------
A/N: pasensya! Short update! Babawi po ako sa susunod. Medyo busy lang .. v(^_^) peace.
