Kabanata 27

184 14 5
                                    

DJ's POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sht sht sht. Tinulak niya ko pagilid tapos sinara niya yung pinto at nilock.

Sumandal siya dito at hingal na hingal na napaupo.

Nanlalaki pa rin yung mata ko.

"A-anong nangyari sayo?" madrama man pero nangilid yung luha ko.

Lumuhod ako para maging magka lebel kami.

"Anong ginawa nila sayo?" naikuyom ko yung mga kamao ko.

Tangina nila. Iniingatan ko nga 'tong babaeng 'to tapos sasaktan lang nila?! Putangina! Puro galos yung babaeng mahal ko!!! Wala silang konsensya! Hayuup!

Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan papuntang kwarto. Pagkahiga ko sa kanya sa kama. Agad akong kumuha ng spare clothes na kasya sa kanya. Actually, galing 'to sa mga babae ko dati eh.

"K-kath, magpalit ka muna ng damit." lumabas ako.

Kumuha ako ng pwede niyang kainin. Kumuha rin ako ng bimpo, planggana at naglagay ng maligamgam na tubig. Kinuha ko rin yung first aid kit para gamutin yung sugat niya.

Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto. Tapos na siyang magbihis. Tangina! Hindi ko siya kayang makitang ganito. Sobra siyang nanghihina. Pati na rin ako, pero kailangan kong magpakatatag.

"L-lilinisin ko lang yung mga dumi sa katawan mo. Pero kung g-gusto mo.. Ikaw nalang." hinawakan niya yung kamay ko.

"D-dito ka lang."

"Dito lang ako. Hindi kita iiwan." tipid siyang ngumiti.

"Linisin mo na. Nagugutom na ko eh, ayoko namang kumain ng madungis." natawa ako.

Pagkatapos ko siyang linisin. Pinakain ko muna siya.

"Gamutin ko na rin yung sugat mo."

"Wag na. Gagaling rin yan."

"A-ah ganun ba?" nakatitig lang siya sakin.

"Uhh ano.. Samahan na kita papunta kay momsy mamaya."

"Alam mo na?" tumango ako.

"Hindi muna ako uuwi." sabi niya.

"Ha?! Bakit?"

"Hindi dapat matuloy ang digmaan."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Kapag bumalik ako papatayin nila tayong lahat!" napatayo ako.

"Pero kaya naman natin silang labanan!"

"Hindi ganun kadali yun!" nag igting yung bagang ko.

"Wala ka bang tiwala sa mga kasamahan mo?" natahimik siya. "Siguro hindi pa sila handa sa ngayon. Ako, hindi pa ko handa. Pero nasisigurado kong matatalo natin sila." bumuntong hininga siya.

"Aalis na ko." buong pwersa siyang tumayo kahit na medyo nanghihina pa siya.

"Kath! San ka pupunta?! Hindi kita hahayaang umalis. Sinasaktan ka nila dun! At hindi ako makakapayag na ganyan ulit ang gawin nila sayo!" marahan niya hinawakan yung pisngi ko.

"At hindi rin ako papayag na ikaw naman ang mawala. Mahalaga ka sakin daniel. Kaya ko ang sarili ko." niyakap ko siya.

"Mag-iingat kayong lahat. Babalik ako, babalik kami." bumitaw na siya. "Pero bago ako umalis, may ibibigay ako sayo. Ingatan mo 'to." may nilabas siya sa bulsa niya.

Nanlaki yung mata ko.

"E-eto ba yung kwintas na hinanap natin!?" tumango siya. Nilagay niya sa kamay ko.

"Sayo lang 'to. Ikaw lang ang makakagamit nito pero wag sa ngayon. Dahil baka ikaw ang mapahamak."

Putangina.

"Wag na wag mo ding sasabihin na nagpakita ako sayo. Mahal kita." mabilis niya kong hinalikan sa labi.

Tatlong segundo..

At umalis na siya.

</3

She's A Vampire (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon