CHAPTER 11

113 5 0
                                    

"Mabuti naman at nakarating kayo girls!", masayang bati ni Carmi ng dumating sila Huwebes ng gabi sa bahay nito para sa birthday ng kuya nito. Mula ng umalis si Rakim papuntang Greece ay ngayon nalang ulit nila ito makikita.


"Syempre naman Carmi, ikaw pa ba? Eh malakas ka sa amin", natatawang biro ni FIna sa bestfriend niya.


Iginiya sila ng babae sa dining hall para doon na hintayin ang pagbaba mula sa kwarto ng kapatid nito.


"Tawagin ko lang si Kuya saglit girls, make yourself comfortable", saka ito lumabas ng dining hall para puntahan ang kapatid.


Instead of sitting ay pinili nilang tingnan ang mga nadaanan nilang painting sa sala ng mga ito. They were in awe sa napakagandang mga paintings na nakasabit sa mga dingding ng bahay. Pero ang higit na nakakuha sa pansin nila ay ang isang sculpture sa may fountain na nasa may garden ng bahay. Nakalagay iyon sa gitna ng fountain at dinadaanan ng tubig ang katawan nito. It was a sculpture of a very beautiful naked woman na nakaluhod at may hawak na mga maliliit na mga bato sa kanang kamay nito. Hindi naiwasan ni Yna na hawakan ang mukha ng sculpture.


"She's—"


"Very beautiful", putol ni Dike sa sasabihin niya. All of them were enchanted with the woman's beauty.


"Ba't siya nakahubad?", Venus asked.

"And why does she looked like she's pleading?", tanong naman ni Fina na naglakad pa paikot sa fountain para lang mabistahan iyon ng husto.


"Why do people actually plead?", a very husky voice ask them na nagpalingon sa kanila. Nakita nila si Carmi na may kasamang isang napakagwapong lalake may itim na mata. He was so handsome na mapapanganga talaga ang kung sino man ang makakakita dito.


Devilishly handsome...

Iyon ang pinaka-appropriate na description na kayang ibigay ni Artemis sa lalake.Ibang-iba na ang dating nito sa lalakeng nakilala nila noon, wala na ang masayahin nitong mukha, nagging seryoso na. The only thing that remained the same with him were his black eyes na kung tumingin ay nanunuot at para bang nang-uudyok. Napatingin silang lahat kay Fina na nakadungo. She hasn't changed a bit, apektado pa rin ito sa presensiya ng lalake.


"Welcome home Rakim and happy birthday!", si Yna ang unang nakabawi sa pagkabigla at lumapit at niyakap ang lalake.


Sumunod din silang lahat at binati ang lalake, huli si Fina na hindi pa rin mapalagay at halatang hindi mapakali.


"Happy birthday Rakim, at maligayang pagbabalik sa iyo", their sister timidly said at sinubukang dumukwang para ilapit ang pisngi sa pisngi nito. Ngunit napasinghap silang lahat ng hapitin ito ni Rakim sa beywang , holding her chin softly at let her face him then kissed her lovingly.


Napasinghap silang lahat sa gulat dahil sa ginawa nito.


"It's so nice to be back home", makahulugan nitong sabi na may kakaibang ngiti sa mga labi. Lahat sila ay walang maapuhap sabihin pagkatapos ng ginawa nito.

***************************************************************************

"So, how are you Kim? Ilang taon ka na din naming hindi nakita, although magkapit-bahay lang tayo at magkaharap lang ang mga bahay natin ay ngayon ka lang namin nakita ulit pagkalipas ng ilang taon", tanong ni Yna sa pagitan ng pagkain.

"I was very busy with the business Yani and besides sa tuwing umuuwi ako dito ay kayo naman ang wala. It's either may nilakad kayo sa ibang lugar because of business o mga ilang araw lang akong nakakauwi at kinakailangan ding bumalik sa New York o sa Greece.", then he looked intently at Fina. "But I'm glad I'm back and I am definitely staying here for a long time".


Namula ang buong mukha ni Fina. Walang sinuman ang nangahas na pag-usapan ang tungkol sa paghalik nito sa kapatid nila. Ni ang dating nakasanayan nila na pagtudyo sa dalawa ay hindi nila magawa. Artemis tried to break the silence.


"By the way, hindi mo pa napapaliwanag sa amin ang tungkol doon sa napaka-kontrobersiyal and enchanting sculpture sa gitna ng fountain mo sa garden, Rakim. You said it was pleading?", she curiously asked.


"Yes Art, it was a figure of  a woman pleading— for her life", maikli nitong sagot.


"Kung gayon ay may kwento pala ang sculpture na 'yon? Why is she pleading for her life then Kim?", ang madalas na tahimik nilang kapatid na si Dike ay hindi rin maiwasan ang curiosity tungkol sa kwento ng estatwa.


Ngumiti ito ng mapait bago nagsalita, "Yes Dike, may kwento raw ang estatwang 'yan. It was actually made in Greece.It was a very beautiful woman who betrayed his family just to be with the man she really love".


"Why is she holding stones?", sabat na rin ni Venus.


"Those are not mere stones Ven. Those are gold, and precious stones and pearls, having in her hand a gold cup full of abominations and of the unclean things of her immorality".


"Immorality?", Art asked.


"Yep, because despite of the fact that she's already married, she still run for other men", maikli nitong sagot. "Huwag ninyong masyadong pag-isipan ang kwento ng sculpture na 'yon. Alam niyo naman sa Greece, kung anu-ano ang mga kwentong pinagpapasa-pasa sa mga sumusunod na henerasyon", natatawa pa ito sa mga reaksiyon nila.


"OO nga girls,it was just a myth of a woman who was unloyal to his husband and children that's why he was punished by her own son", sabat naman ni Carmi.


"Ibig sabihin ay anak niya mismo ang nagparusa sa kanya?", napapalunok na tanong ni Fina na mukhang nakabawi na sa aftermath ng kiss ni Rakim.


"They've said, yes. Anak niya mismo ang nagparusa sa kanya at natakasan pa nito ang lahat ng kasong maaaring ikaso dito dahil na rin sa underage ito ng magawa ang krimeng 'yon. But that is just a tell-tale stories, huwag niyo masyadong dibdibin  girls", at natawa pa ito.


"By the way kuya, how was the business in New York and Greece?", pag-iiba ni Carmi sa usapan.


"It's doing well actually sis, but the good news is that I'll be staying here na for good. Mula dito ko na pamamhalaan ang negosyo, para naman mas marami akong panahon na makasama ang aking pinakapaboritong kapatid",he said to Carmi.


"Hmp! Huwag kayong maniwala diyan. He's just planning to build an empire here in the Philippines too, saka ako lang naman talaga ang sister mo noh", paingos nitong sabi na ikinatawa ng lahat lalo na ni Rakim.


The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon