CHAPTER 20

92 4 0
                                    

May mga bago ba kayong impormasyon na nakuha tungkol sa kaso ng anak ko?

Ang mensahe ng gobernador ang bumungad sa kanya ng mag-online siya ng gabing 'yon. Kagagaling niya lang sa trabaho at nakatanggap siya ng text mula sa gobernador na nagsasabing kailangan nilang mag-usap. Kapag nagtetext ito ng ganoon, ang ibig nitong sabihin ay mag-usap through chat. She's tired from work pero hinding-hindi niya nagging ugali ang pahindian ang kliyente o unahin ang kanyang katawang lupa para makapagpahinga. She positioned herself sa balcony ng kwarto niya, katabi naman nito ang balcony ng kapatid na si Fina na sa tingin niya ay tulog na. She looked at her wristwatch and found out na alas dose na pala. Ibinalik niya sa kanyang laptop ang tingin at tumipa ng isasagot sa gobernador.


She typed all the informations na napag-meetingan nila noong huling meeting nila. Matagal na rin mula ng kinontak siya ng gobernador kaya ngayon pa lamang niya masasabi ditto ang tungkol sa mga impormasyong nakuha ng kapatid nilang si Dike.


That's good Art, napakalaking improvement na 'yan sa kaso ng anak ko. Sana nga ay mahuli na ang demonyong 'yun para hindi na makapambiktima pa.

 Don't worry gov, we will definitely catch that devil. Hindi na siya makapambibiktima pa ng iba, sisiguruhin naming 'yan

Nagpaalam na ang gobernador sa kanaya, habang hinihintay na mag-shut down ang kanyang pc ay tumayo siya at nag-inat. Hindi sinasadyang napatingin siya sa katapat na bahay; ang bahay nina Rakim at Mina. She saw Rakim holding his laptop and widen his eyes when he saw her. Mukhang nakabawi naman agad ito at kinawayan siya.


Masyado talagang busy ang loko sa negosyo niya, gising pa rin hanggang ngayon.

Napailing-iling nalang siya at pumasok na sa loob ng kwarto niya.

 **********************************************************************

"This is so morbid! I'll definitely kill the one who did this to me!', galit na galit na sigaw ni Venus habang pabalik-balik itong naglalakad sa harap nila. Nagtitipon sila sa living room habang ang mga lalake namely Caleb, Rakim and Orion, ang abala sa labas ng bahay at nakikipag-usap sa mga kasamahan ni Orion. Nakatanggap sila kahapon ng isang package na nakapangalan para kay Venus, pero dahil nasa Palawan si venus para sa isa nitong photo shoot kasama si Caleb ay hindi ito ang unang nakaalam ng tungkol sa laman niyon. Yna was nervous upon receiving it because there's no address of the sender. She opened it and found a portrait of greek's goddess of beauty; Aphrodite. It was a wonderful portrait at halatang mahal basin a rin sa pintor na nakapirma sa gilid ng larawan ngunit nanghilakbot si Yna ng may dinagdag sa larawan ng dyosa. Mayroong nakaguhit ding punyal na nakatarak sa dibdib nito at maynakasulat pa sa likod ng larawan.


You're next goddess of beauty, we will be meeting soon...in H-E-L-L!

It was written in blood na lalo pang nakapagbigay ng takot sa kanila. Tinawagan agad ni Yna si Caleb para mabalaan at mas mabantayn si Venus, then she called Dike who is still busy in Greece para ipaalam ang mga nangyayari sa kanila sa Pilipinas. Every one of them are worried, maging ang tatlong lalake na kinakausap ang mga imbestigador, lalo na si Caleb.


Maya-maya ay pumasok ang tatlo, lumapit si Caleb kay Venus at niyakap ito ng mahigpit. Nilapitan din siya ni Orion and kissed her temple.


Good thing I have someone to hold me like this in times of need.

And he hugged Orion tightly while looking at her sisters.

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon