CHAPTER 18

120 5 0
                                    

Mahigpit na niyakap ni Artemis ang nobyo na sinundo niya sa airport ilang araw matapos ang meeting nilang magkakapatid.


He became tan, hindi naman ito maputi dati pero mas lalo itong naging moreno sa paningin niya na lalong nakapagpagwapo dito. She kissed him savagely to make him feel how much she missed him at hindi naman siya napahiya ng tugunin nito ang kanyang halik ng mas higit pa sa init na kanyang ipinadama.


They decided to go directly to their family's mansion, inabisuhan niya ang mga kapatid na ngayon ang dating ng nobyo kaya  nakiusap siyang doon na ganapin ang welcome party nito. Pinaimbetahan din niya ang magkapatid na Rakim at Carmi para sa kanilang kaunting salu-salo.


Napakaraming kwento ng lalake habang daan sila papunta sa masiyon at hindi niya mapigilan ang matuwa na bumalik na ang pagkagiliw nito. Bago kasi ito umalis ay parang meron itong matinding problema na iniisip. Natutuwa naman siya na inalis na sa kamay nito ang paghawak sa kaso ni governor Lamariey ng tuluyan at hinayaan na ito iyon. Ayon ditto ay ayaw nitong gawing komplikado ang mga bagay-bagay kaya mas mabuti pang sumunod na muna siya sa mas nakakataas sa kanya. Kapag lumamig na daw ang sitwasyon ay saka na raw nito iyon babalikan at bibigyang hustisya ang pagkamatay ng dalaga.


"welcome back Orion!", at nakipag-beso-beso si


Fina sa kanyang nobyo. Maging si Rakim ay nakipagkamay din dito na napag-alaman niyang muling sinusuyo ang kapatid na si Fina. Ang kapatid naman niyang nagmamaganda at halatang blooming ay nagpapakipot ng husto sa lalake. Gusto diumano nitong turuan ng leksiyon ang lalake sa pakikipaghiwalay sa kanya noon.

"Mukhang bumagay sa'yo ang buhay probinsya Orion", nakangiting saad ng kapatid niyang si Yna habang kumakain na sila ng pagkain na niluto ni Fina, hindi lang ito magaling sa mga bulaklak kung hindi pati na rin sa pagluluto. Si Yna naman ay mukhang magaan na ang loob sa kanyang nobyo ng masiguro niyang hindi ito kasali sa mga nagtatakip sa totoong dahilna ng pagkamatay ni Louise Lamariey.


"Oo nga eh, kailangan kasi naming mag-adapt sa kung ano man ang ikinabubuhay ng mga tao dun, which is by the way is farming. Sa loob ng mahigit dalawang buwan ko doon ay kinasanayan ko na ang mga ginagawa ko doon bilang undercover ko ang pagiging magsasaka para malaman kung sino ang mga lihim na kasapi ng mga terorista", masaya nitong kwento habang maganang kumakain.


Napakarami nitong kwento sa kanila at tuwang-tuwa siyang Makita na kasundo na ng mga kapatid niya ang kanyang pinakamamahal na nobyo. Maging si Caleb at Rakim ay nakasundo na nito.


Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan ng lahat na magswimming, kaya naman nagbihis na sila isa-isa. Natagalan siya sa pagpili ng susuotin niyang swimsuit, she want to impress her boyfriend of course. But at the end she decided to wear a black one piece swimsuit. It's not revealing and is not that giving too much of her skin but she know that she is still sexy in her own way. She gave herself a last glance at her full-length mirror when she heard someone knocking at her door.


"Babe, ready ka na ba?", narinig niyang tanong ng nobyo na nasa labas ng pinto ng kwarto niya.


Imbes na sumagot ay kinuha niya ang kanyang cover-up na nakalatag sa kanyang kama at binuksan ang pinto.


Nakita niya ng namulagat ang mga mata nito ng Makita siya sa kanayang suot at hindi niya napigilan ng mamula ang buong mukha. He was looking at her intently and slowly—from head to foot, na para bang isa siyang specimen sa ilalim ng microscope.

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon