CHAPTER 14

96 6 0
                                    

"Are you listening Kenji?", tanong ng kaibigan niya sa kabilang linya.


"Huh?", muntik pa siyang mapaso sa iniinom na kape. Nakalimutan niya na mainit pa pala ang kape na 'yon at kausap pala niya ang bestfriend niyang si Mario na nag long distance call pa galling New York.


"Ano ba ang problema mo bro? You're not even listening to me? Kanina pa ako nagsasalita dito pero mukhang kung saan-saan lumilipad ang isip mo", may inis na sabi nito.


He had been like that since last Saturday ng mag-dinner siya sa bahay nina Artemis. He never felt so happy until now kahit na nga parati nalang atang nauudlot ang kanilang 'gagawin' sana.


"Ano nga ulit ang sinasabi mo Bro?", tanong niya nalang ulit sa kaibigan.


"Sabi ko, nalaman ko na kung anong klaseng lason yung nasa katawan ng biktima", may yamot sa boses na sabi nito.


"According to the autopsy report, the victim experienced muscular and respiratory system paralysis that causes her death", pagpapatuloy nito.


"So what does that mean? Ang lason na nakita sa katawan ng biktima ay may kakayahang iparalisa ang respiratory system ng tao?", naguguluhan niyang tanong.


"OO bro, I'll send you the full details so check it later" saglit itong napatigil. "By the way, may nakuha din akong balita tungkol kay Ryu".


Napatigil siya sa tangkang pag-inom ulit ng kanyang kape ng marinig ang pangalan ng kanilang kababata at dati ding kasamahan sa grupo.


"She was admitted four years ago sa isang ospital ditto sa New York, with a different name, pero ng ipa-check ko ang dna samples ay tugmang-tugma sa dna samples ni Ryu. I know you have been looking for her all these years kaya naisip kong tulungan ka sa paghahanap sa kanya kahit na nga hindi ka nagsasabi sa akin",imporma nito sa kanya.

Hindi siya makapagsalita hanggang sa ng magpaalam ang kaibigan niya. Nitong mga nakaraang buwan ay hindi niya na napagtuunan ng pansin ang tungkol sa pagpapahanap sa kababata dahil sa naging busy siya sa kasong hawak niya at dahil inokopa ni Artemis ang buong sistema niya.

Ryu has been a very special friend for him; ng ibalita sa kanya noon na tumakas si Ryu ng mga panahong nasa Pilipinas ito para tuluyang makawala sa sindikato ay hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa sa paghahanap ng paraan para makawala sa sindikato. Dati palang ay madalas at pasekreto nilang pinag-uusapan ni Ryu ang tungkol sa pagtakas. Naghintay sila ng tamang pagkakataon ngunit biglaan ang naging plano ng sindikato na isama si Ryu sa mga magbabantay sa mga bagong recruit nila sa Pilipinas. Hindi na ito nakabalik pa at kahit na nga ng mga unang buwan ay sinubukan itong kunin ng grupo ay nagtaka siya tumigil ang mga ito isang araw. It was Mario who was his informant inside the group who told him that someone has adopted Ryu and that the one adopted her is so powerful that she paid the group a hundred million dollars for Ryu's freedom. At first, he was very happy that finally, Ryu's dream came true. But after months and even years passed at ni hindi man lang nagparamdam ang kababata ay siya na mismo ang humanap ng paraan para makontak ito. Pero mukhang naglaho itong parang bula; ni hindi niya alam kung nasa Pilipinas pa rin ito ng mga panahong iyon o kung saang lupalop ito dinala ng umampon at tumulong dito.

He decided na tumiwalag sa sindikatong kinabibilangan niya pagkatapos ang 4 na taon na wala pa ring balita kay Ryu. It has been his long-forgotten dream to become a policeman but fate has a different plan for him ng mapasakamay siya ng sindikato matapos patayan ang kanilang buong angkan. Pinayagan siya ng pinuno ng sindikato pero binigyan siya ng huling misyon; ang pagnakawan ang Bank of Pennsylvania kung saan ay nakakuha sila ng $162 million dollars and it was even tagged as "America's first bank robbery".Iyon ang naging kabayaran para payagan siya ng grupo; at sa tulong ng kakayahann niya at ni Mario sa pag-iimbestiga at sa mga computer ay nalooban nila ang bangko. He then decided to pursue his dream of being a policeman but in the Philippines. Ng mga panahong iyon ay hindi pa rin siya sumusuko sa paghahanap kay Ryu. He decided to change his name katulad ng pagbabago at paglimot niya sa kanyang madilim na nakaraan. Sinunod niya ang apelyido ng kanyang ina na isa namang Espanyol. And changed his name to Orion which means dawning or the beginning of something. He begin his life in the Philippines in the hope of meeting again his first love and childhood sweetheart.

Narinig niyang tumunog ang laptop computer niya na nagpapaalam na may dumating na mensahe. Binuksan niya ang e-mail na may subject na RYU, and read her name aloud:


Dike Helaena Swanovski

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon