It's late in the evening
She's wondering what clothes to wear
She puts on her make-up
And brushes her long blonde hair
And then she asked me
"Do I look alright?
I say my darling, "You look wonderful tonight
"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano ka kaganda tonight?", tanong ni Orion habang nagsasayaw sila sa dance floor. Dinala siya nito sa isang sikat na restaurant sa Makati at matapos nilang kumain ay inaya siya nitong sumayaw sila.
"That was the 10th times na sinabi mo yun", sagot niya na nagba-blush. Hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na mahiya sa lalake at the same time ay kiligin. There's really something between them na hindi niya mabigyan ng pangalan.
"You are so beautiful Artemis, and I am so lucky na ako ang kasama mo ngayon. All men inside this room envies me to death", nakangiti nitong saad at mas hinapit pa siya palapit sa katawan nito.
Napasinghap si Art sa ginawa ni Orion, hindi siya isang prude para hindi malaman kung ano ang matigas na bagay na nararamdaman niya sa may puson niya. Napatitig siya sa mata ni Orion at nakita niya doon ang matinding pagnanasa na nararamdaman nito at gustuhin man niyang sawayin ito ay wala siyang lakas. Higit sa lahat ay hindi niya kayang magpaka-hipokrita sa nararamdaman niya, he felt good with what he is doing.
"I'm sorry if I felt this way for you Art. I know I have been a perfect gentleman for the past dates we've had pero hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo".
Magsasalita sana siya at itutulak ito, sex lang ata ang habol nito sa kanya, pero bago pa niya magawa iyon ay muli itong nagsalita, sa pagkakataong iyon ay ibinulong nito sa kanya ang gusto nitong sabihin.
"I want you, honey, and I know that you feel the same way. Please don't be mad at me or think na binabastos kita because that would be the last thing I want to do to you or make you feel. But I know that you can feel the tension between us and I intend na tapusin na ang paghihirap natin ngayong gabi. But that would still be up to you, hinding-hindi kita pipilitin", buong pagsuyo nitong bulong sa kanya.
"I—", hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin dito. He is her mission at dapat na gawin niya ang lahat para maisakatuparan na ang misyon nila pero hindi niya alam kung kaya ba niyang ibigay ang sarili sa lalakeng hindi pa niya katagalang nakikilala. But its good to know na may pangalan na ang tensiyong nasa pagitan nila—it is sexual tension.
Marahan nitong inilayo ang sarili sa kanya at iginiya siya sa kanilang upuan.
"what if I say no?", tanong niya ng makaupo sila. She felt relieve na nakaupo na siya dahil nanlalambot ang mga tuhod niya sa panghihina.
"Then you won't see me again honey. Ayokong pahirapan pa ang mga sarili natin kaya mas makakabuti kung hindi na tayo magkikita", ngumiti ito ng mapait.
"D-don't you think we should get to know each other more?".
BINABASA MO ANG
The Deadly Goddess: ARTEMIS
Художественная прозаIsang misteryosong pagkamatay ng isang labingwalong taong gulang na babae ang kailangan malutas ng secret group na kinabibilangan nina Diana, Dike, Artemis, Fina at Venus; ang Deadly Goddesses. But on their way to unraveling the mysterious death of...