CHAPTER 24

117 4 0
                                    

"Venus, huwag na huwag mong huhubarin ang kwentas mo okay?", sabi ni Yna na naririnig ng iba pa niyang mga kapatid sa pamamagitan ng earpiece nila sa tenga.


After how many days of argument and debate ay napapayag na din nila si Venus n amaging pain para mahuli ang criminal. But she insisted on going to the annual ball with Artemis not with Caleb.


"Art, naririnig mo ba ako?", si Yna naman kay Artemis.


Tumikhim naman si Art para iparating na naririnig niya ang mga ito.


They were all in Yna's room, getting ready sa mangyayari mamayang gabi sa annual ball. Dike is busy checking if her inventions are working properly while Yna is busy giving instructions to Venus and Art. Si Fina naman ang tumutulong sa pag-aayos sa dalawa. Orion and Caleb were also present inside the room. Si Caleb pinipilit na makiusap kay Venus at Yna na hayaang siya ang maging escort ng dalaga ng gabing iyon ngunit mahigpit ang pagtutol ng dalaga. Si Orion naman, na nalaman  na pala ang tungkol sa Deadly Goddesses, ay nakaupo sa couch looking at Art intently. Nagkakagulo silang lahat, paroot parito ang mga tao pero para itong walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito. He was just looking at Art with so much longing and apology.

"Huwag na huwag kang magpapadala sa mga matang yan Artemis kung ayaw mong dagukan kita!", galit na sabi ng isip niya.

Pilit niyang iniwasan ang tingin ng lalake, at naiinis siya sa isiping parang wala lang sa kapatid na si Dike ang mga pangyayari. Paano nito nagagawang maging ganoon ka kampante habang siya ay nagkukuyos sa galit.

"Because she's a professional Art! Hindi siya katulad mo na nagpapadala sa emosyon!", sabi ng isang bahagi ng isip niya.

"Tao lang po ako at nasasaktan. Hindi na ba pwedeng mag-emote at ilabas ang nararamdaman

?", sagot naman ng isa pang bahagi ng isip niya.

She rolled her eyes at the thought that she had two parts of her brain arguing with her situation.

"Okay", at sabay palakpak pa ng kapatid na si Athena na nakapagpabalik  ng isip niya sa kanilang misyon. "We are all set, so let's hope and pray that everything will be alright".

"Would you need a back-up?", Orion asked. Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng bumalik siya galling sa pag-exile niya sa kanyang sarili ay nagsalita ang lalake. Pero ng tingnan niya ito ay nainis siya at tiningnan ito ng masama ng sa halip na ang kapatid na si Athena ang tingnan ay nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Ang hinayupak talaga oh!", bulong niya sa sarili na narinig ng kapatid na si Venus na nasa tabi niya at inaayusan ni Fina.

Napatingin si Yna kay Venus na para bang sinasabi na 'paano mo nagagawang tumawa sa mga ganitong pagkakataon eh mamaya lang ay sasabak kayo sa giyera" look.

Bumuntung-hininga siya, alam niyang kahit na pilit pinapagaan ni Venus ang ambience sa loob ng kwarto ay alam niyang nenenerbiyos din ito.

"Basta, makinig lang kayo sa mga sasabihin namin sa inyo dahil kami ang nakakakita sa mga nangyayari sa buong malacanang okay?", Yna's last instruction to them. Noong nakaraang araw ay nag-volunteer si Orion na siya na ang bahalang maglagay ng mga hidden cameras sa lahat ng sulok ng palasyo dahil ang team nito ang naatasang mag-inspect sa buong malacanang 5 araw na ang nakakalipas.

She stand and looked at herself in the mirror and saw a very beautiful woman but with a very lonely eyes. Napatingin siya kay Orion mula sa salamin at hindi niya mapigilan ang sarili na umasa ng tungkol sa kanila ng lalake dahil sa nakikita niya sa mga mata nito.

 **********************************************************


"Good evening ladies and gentlemen and welcome to the Malacanang Palace' Annual Ball", ang paunang salita ng emcee.

"Maging mapagmatyag kayong dalawa,at parang awa mo na Venus huwag kang iinom ng marami kahit ngayong gabi lang", saad ni Yna sa mga earphone nila. \

Their hair were braided sideways para matakpan ang mga iyon na nakasalampak sa kanilang mga kaliwang tenga.

"Art bantayan mo nga ang baliw na 'yan at baka pumasok ako jan at kaladkarin siya. Diyos ko baka magkalat pa yan diyan!", inis na inis na saad ni Yna. Napatingin naman si Artemis sa kapatid na si Venus, she really is the goddess of beauty. Napakaganda nito at kahit na nga halatang kinakabahan ito at hindi at ease sa sitwasyon nila ay hindi pa rin maipagkakaila that she's oozing with sex appeal. Nilapitan niya ang kapatid at pasimpleng kinuha niya ang kopitang hawak nito.

"Stop it Ven, alam mo naman kung paano ka malasing. Tama si Yna, baka magkalat ka pa dito at mabulilyaso ang plano", pasimple at mahina niyang sabi sa kapatid ngunit hindi inaalis ang ngiti at tingin sa mga taong dumadaan.

Nagkaroon ng sayawan at ilang kalalakihan din ang pinagbigyan nilang dalawa na makipagsayaw sa kanila. Ngayon nga ay kasayaw ni Venus ang anak na lalake ng presidente na halatang nabihag na naman ang puso sa kagandahan ng kapatid. At dahil hindi niya mapigilan ang matawa sa naririnig na pagmamarakulyo ng doctor na si Caleb Humphreys sa kabilang linya ay nilapit niya ng husto ang mukha sa may balikat ng lalakeng kasayaw niya para hindi nito Makita ang pagtawa niya.

Hindi niya mapigilang mainggit sa kapatid, she have someone na matatawag nitong totoong nagmamahal dito. Kahit na may magandang oportunidad ang naghihintay sa doctor sa ibang bansa ay mas pinili nitong manatili roon para lamang makasama ito. Napabuntung-hininga siya at pinilit iwaglit ang kanyang kasawian sa lalakeng kanyang pinakamamahal. Ikinurap-kurap niya ang mata para hindi tuluyang tumulo ang luhang kanina pa nagbabdya sa kanyang mga mata.

Natapos ang kanta at pinili nilang magpahinga ni Venus na muna. Sinenyasan niya ang kapatid na doon sila maupo sa mesang inuupuan ng kanilang kliyenteng si Gov. lamariey.

"Good evening  Gov", at ngumiti  pa siya sa gobernador na hindi niya napansing nakatingin pala sa may likuran niya. Napansin niyang madilim ang mukha nito, inisip nalang niyang siguro ay napilitan lang itong dumalo sa party dahil sa personal na imbitasyon ng presidente. The wound from the loss of her one and only daughter could still be fresh for him kaya hindi nalang niya pinansin ito.

Ni hindi man lang siya pinansin ng gobernador na para bang hindi siya kilala nito. Ikinataas ng kanyang kilay ang ginawi ng gobernador pero hindi nalang niya pinansin masyado.

"Siguro ayaw niya talagang may makaalam ng kaugnayan namin para hindi maghinala ang killer", naisaloob niya. Sinenyasan niya ang kapatid na umupo na rin sa upuang katabi ng sa kanya.

"Mabuti nalang at natahimik na ang mga ungas na nagkakaingay sa tenga namin", nasabi ng isip niya.

Lumapit naman ang anak ng presidente sa gobernador at kahit na nga nakaharap siya kapatid na si Venus ay mapagmasid pa rin at nakikinig at nakikiramdam lang sa paligid. Si Venus naman ay masyado ng nagiging madaldal, siguro tuwing nalilinga siya saglit ay umiinom ito ng alak dahil parang tinatablan na ito at nagiging madaldal na.

Napasigaw siya ng magdilim ang buong paligid. Napuno ng ingay ng mga nagrereklamong pulitiko at businessmen ang buong lugar.

"Art, huwag na huwag mong bibitawan si Venus. Huwag mong hayaan na mawala siya sa paningin mo", saad ni Athena sa kabilang linya.

She hold her sister's hand pero hindi niya inaasahan ang pagdilim ng paningin ng ng may mabangong panyo na lumapat sa kanyang ilong.

"Ven. . . . ", she called out her sister's name.

"Venus!", she's sure she's shouting but she's not sure kung may boses ngang lumalabas sa kanyang bibig o isip nalang niya ang sumisigaw.

"Ven. . . . . ."

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon