CHAPTER 26

123 7 0
                                    

"Sigurado akong gumamit sila ng isang private plane para madala ng ganun kabilis sina Ven at Art.", saad ni Dike.


Hindi na nila mapigilan ang pag-aalala. Nang makatanggap si Fina ng tawag mula kay Rakim na nagsasabing nasa Palawan ang mga kapatid nila ay hindi nila lubos maisip kung paanong nalaman iyon ng lalake. Pero nakiusap itong sumunod na sila doon at saka na magtanong kapag nakuha na nila ang mga kapatid nila. Nagmamadali silang nagpunta ng NAIA para hintayin ang pagdating ng private plane na pagmamay-ari ni Athena na galing pa sa Denmark. Magkaharap sila ni Dr. Humphreys sa waiting area at katabi naman nito ang magkapatid na Yna at Fina. Habang siya naman ay katabi si Dike na halatang ayaw ipakita ang totoong nararamdaman kaya pinagkaabalahan ang i-check ang mga gadget at armas na dala-dala nila. Mabuti nalang at kilala si Athena sa airport kaya hindi sila hinarang kahit napakarami nilang dalang armas at gadgets.


Hinding-hindi ko mapaptawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo Art

, sabi niya sa sarili.


Si Dr. Humphreys ay tahimik naman sa may gilid ay  tila nag-iisip. Ngunit alam ni Orion na katulad niya ay hindi din ito mapalagay at kung pwede lang ay nilipad na ang papuntang Palawan. Ang magkakapatid na Yna at Fina na magkatabi sa waiting area ay mangiyak-ngiyak na habang nagdarasal na sana ay mabuti ang lagay ng mga kapatid.


He slouched to the chair and closed his eyes to calm his senses. Matapos lang ang problemang ito ay papaluin niya talaga ito sa puwet para makaganti man lang siya sa panghuhusgang ginawa nito sa kanya at sa kapatid na si Dike. At pagkatapos . . . , naalala niya ulit ang nakakalunod nitong mga mata at nakakahawa nitong tawa. Napabuga siya ng malakas na hangin para muling kalmahin ang sarili. . .


"I'm going to marry you Art", and he didn't notice the tear that flowed from his eyes because of mixed emotions.

 ************************************************************************

"Hindi ako makapaniwala sa iyo Rakim! You're a traitor! How can you serve that demon?! Kapag nakaalis ako dito ay mapapatay kita!", she said na halos lumabas na ang mga litid at ugat sa leeg sa galit at pagpupumiglas mula sa pagkakatali sa upuang kahoy.


Nakatingin lang sa kanya si Rakim, hindi niya mabasa ang emosyon sa mga mata nito, maya-maya lang ay lumapit ito sa kanya na ikinatakot niya. Tumigil siya sa kakapalag sa upuan niya and silently utter a prayer in her mind.


"You should not be afraid with me Art, I'm not the bad guy here", may lungkot siyang naaninag sa mga mata nito. Then, she was totally shocked when he unties her.


"I'll explain everything to you some other time, papunta na ang mga kapatid mo dito. Si Venus ay naitago ko na sa rooftop, by this time ay baka nagwawala na si kuya Tony dahil wala si Venus sa kwartong pinaglagakan niya", nagmamadali ang mga salita nito. He grabbed her gently in the arm at iginiya siya palabas ng kwarto at mabilis ang mga paang umakyat sila sa isang napakahabang hagdan paakyat. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nakompronta ang lalake. Lakad-takbo ang ginawa nila kaya pagdating sa taas ay halos lumawit na ang dila niya sa hingal.


"Hin-Hindi m-mo .. .. pa.. .. napap-paliwanag.. ..", paputol-putol niyang saad ditto ng makartaing sila sa rooftop.

"Mamaya na ako magpapaliwanag", putol nito sa sasabihin niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa helipad. "NAsaan na sila?", nagpalinga-linga ito sa langit at umaliwalas ang mukha ng makita ang hinihintay.

Napasigaw naman si Artemis ng makarinig ng putok ng baril at ang paghandusay ni Rakim sa kanyang harapan.


"Isa kang traydor Rakim!", narinig niyang sinabi ni Antonio Lamariey na patakbong lumalapit sa kanila.


Mabilis na kumilos si Art at hinila ang duguang katawan ni Rakim sa isang umpok ng mga bakal. Naririnig niya ang papalapit na mga boses at bala sa kanila pero maya-maya pa ay narinig na din niya ang helicopter sa kaniyang ulunan. Hindi malaman ni Artemis ang gagawin ng magpalitan ng putok ang mga tao sa helicopter na pababa nang helipad at ang grupo ng gobernador na  hindi makaakyat sa hagdan na kinaroroonan nila.


"Art, halika na ditto!", narinig niyang sigaw ni Yna mula sa helicopter.


Nagpalinga-linga siya at nakita niya ang pagbaba ni Caleb at Dike para makuha si Venus na ngayon lang niya napansin na nasa may di kalayuan sa kanya at walang malay.


"Art, ano ba?! Halika na!", maya-maya ay sigaw naman ni Orion na nakita niyang pinipigilan ng kapatid na si Fina na bumaba pa.


She looked at Rakim's body na nakahandusay at duguan. Alam niyang buhay pa ito at may pagkakataon pang mabuhay kung maililigatas niya mula sa lugar na 'yon. Pero kung iiwanan niya doon ang lalake ay mamatay ito kasama ang mga sekreto sa likod ng kasong hawak nila. They need a witness at ito lamang ang susi sa lahat ng kanilang mga katanungan. Bago pa siya makapagdesisyon ay naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang balikat, at ng tingnan niya 'yon ay umaagos ang dugo. She heard Orion cursed at her pero mabilis ang kilos na itinayo niya si Rakim at halos kaladkarin na niya ito palapit sa helicopter.


"Napakatigas ng ulo mong babae ka, malalagot ka talaga sa akin mamaya!", narinig niyang galit na turan ni Orion na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanila.


Hindi siya umimik at umakyat na sa eroplano matapos maisakay din si Rakim.


"Inuna mo pa ang lalakeng ito na traydor sa inyo kaysa sa sarili mo?", galit na bulyaw sa kanya ni Orion habang paakyat na lumilipad na ang eroplano. Si Dike at Athena ay abala sa pakikipagpalitan ng bala sa mga tauhan ng gobernador. Their guns are made especially for their group; sa bawat putok ay limang bala ang sunod-sunod na lumalabas doon. It was even made from Denmark.


"Tigilan nyo na muna ang pagtatalo pwede ba?", singhal ni Dike na pawisan na sa pakikipagsagupa sa mga kalaban.


Kumuha si Art ng baril sa lagayan nila at tinulugan sa pakikipagputukan ang mga kapatid. Nanlalabo na ang kanyang paningin at naririnig niya ang pagmumura ni Orion at pilit na pagkuha sa kanya ng baril pero parang hindi iyon rumerehistro sa utak niya. Basta nagpapaputok lang siya ng nagpaputok.


"Napakatigas talaga ng ulo mo kahit kailan babae ka!", sa nanlalabo niyang diwa ay narinig niya pang saad ni Orion na ikinatawa naman ng mga kapatid niya bago siya nawalan ng malay.

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon