CHAPTER 16

117 5 0
                                    

r. Caleb Humphreys is the most intelligent guy Artemis had ever met. Everything about plants ay alam nito, at muikhang para itong si Ernie Baron na halos lahat ng bagay under the sun ay alam nito at bukod pa doon ay napakabait din nito. Madalas itong nasa laboratory nito na pinagawa pa mismo nila sa loob ng kanilang bahay kasama si Yna, o di kaya ay nasa greenhouse kasama si Fina. Sa loob ng ilang araw na pananatili nito sa kanilang tahanan ay napansin niyang parati itong nakabuntot sa kapatid na si Venus kung wala lang din namang ginagawa.


Ang lakas ng tawa nina Fina at Yna  ng minsang tanungin niya kung may gusto ba ang doctor sa bunso nilang kapatid.


"Ewan ko ba kay Venus at hindi man lang magkagusto kay Doc. Bukod sa napakatalino na ay napakabait pa.", sagot ni Yna habang nasa entertainment room sila at nanonood ng movies. Si Dike at Venus lang ang wala doon. Si Dike ay pinapunta ni Diana para imbestigahan ang isang kaso na nangyari more than 15 years ago. Maaari daw iyong makatulong sa kasong hawak nila ngayon. Habang si Venus naman ay kasama diumano si Doc Caleb at nagde-date. Iyon daw ang kapalit na hiningi ng doctor na kapalit sa pagtulong nito sa kanila; ang maging gf si Venus.


"OO nga sis, hindi mahirap magustuhan ang katulad ni Doc. Kung sa akin yun nagkagusto ay siguradong di ko na siya pakakawalan", dreamy ang mga matang saad naman ni Fina.


"Hmm... kung hindi lang naming alam kung gaano ka pa rin inlove kay Rakim ay baka maniwala pa kami sa'yo noh. Maya't maya pa nga ang date ninyo ngayong andito siya sa Pilipinas di ba? Saka para namang hindi ninyo alam ang mga tipong lalake ni Venus", panunukso niya sa kapatid.


Natahimik ito at namula ang buong mukha. Alam niyang araw-araw na tao sa flower shop nito si Rakim at minsan ay nagde-date pa ang mga ito after work hours pero dahil nga ayaw ng makialam ni Yna sa mga pinaggagagawa nila ay hinahayaan nila ang kapatid.


"Kayo naman ni Orion sis?", tanong ni Yna na bumaling sa kanya. "Kumusta naman kayo?"


"Okay naman kami, kaya lang ay napapansin ko nitong mga nakaraang araw na palagi siyang may iniisip, siguro dahil doon sa kasong hawak niya. Masyado na kasi siyang stress dahil pinapatigil na siya sa pag-iimbestiga sa kaso, they said it's a dead-end pero he wants to dig deeper into it. Hindi siya naniniwalang nagpakamatay ang dalaga", kibit-balikat niyang sagot sa kapatid.


"Pero sigurado ka bang trabaho ang iniisip niya Art?", patay-malisyang tanong ni Yna.


Napatingin naman silang dalawa ni Fina sa kapatid. Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. She knew her too well para hindi malaman na may laman ang tanong nito.


"Spit it out sis", ini-encourage siya ng kapatid kahit na nga ang lakas ng kabog ng dibdib niya.


"Nothing Art, I just want to make sure na walang itinatago ang boyfriend mo sa'yo. Mahirap mag-work ang isang relationship kung may isang malaking pader  na nakapagitan sa inyo para Makita niyo ng buong-buo ang isa't isa. Ilang buwan na rin ba kayo? Pero sigurado ka bang hindi ulo lang niya ang nakikita mo? Talaga bang kilalang-kilala mo na siya at alam mo na ang lahat ng bahagi ng katawan niya?", matalinghaga nitong sabi saka ito tipid na ngumiti at tumayo para lapitan siya at halikan sa noo. Madalas nitopng gawin agn ganoon kapag may kasalanan silang itinatago ditto at madalas ay konsensiyahin sila nito sa pagtatanong ng mga ganoong bagay kahit na alam na nito ang totoo.


Then Yna went outside of the room, leaving her and Fina dumb-founded. Hindi siya maaaring magkamali, may alam, ang kapatid niya sa pinoproblema ni Orion at gusto nitong manggaling mismo sa lalake ang pagsasabi ng tungkol doon. Isa pa, bukod sa pag-utos nito kay Dike dati na bugbugin ang lalake ay alam niyang pinaimbestigahan din ito ng kapatid.

Napag-usapan na nila ang tungkol doon dati pa at sinabi ni Yna na hindi mismong si Dike ang bumugbog dito, dahil kung ang huli ang gumawa noon ay siguradong hindi na ito nakakalakad pa ngayon. Ayon kay Yna ay inutusan lang ni Dike ang isa sa mga tauhan nito para bigyan lang ng leksiyon ang lalake dahil sa galit ni Yna sa iniisip nitong pagte-take advantage sa kanya.

Naisip niya si Dike, nasisiguro niyang may alam ang kapatid dahil masyado din itong apektado ng mapag-usapan si Orion sa huli nilang meeting.

She stand and went out of the entertainment room, she walked towards the door of her sister's room. Sigurado siyang magagalit ito pero sigurado siyang mas dapat siyang magalit kung bakit parang wala man lang itong nabanggit sa kanya.

Pero nanlumo siya ng kahit ano ang gawin niya ay hindi niya mabuksan ang pinto ng kwarto nito. Hindi na niya pinilit na buksan pa iyon, si Dike ang imbentor sa kanilang magkakapatid katuwang si Yna, kaya alam niyang kahit pasabugin niya pa iyon gamit ang bomba ay hindi niya mabubuksan ang kwarto nito.

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon