Chapter 15

1.7K 28 1
                                    

Amelia

Dalawang araw na magmula ng wala akong matanggap na text o tawag man lang kay Sebastian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang araw na magmula ng wala akong matanggap na text o tawag man lang kay Sebastian. Hindi rin siya nag update kung nakarating na ba siya sa Italy. I tried to reach him but his phone is always unattended.

Nag aalala na ako ng husto. Kapag naman tinatanong ko sila Fernan kung tumawag ba sakanila si Sebastian hindi parin daw. Hindi ko alam kung ano ng iisipin ko dahil wala akong balita sa kanya. Nakakakaba din dahil baka mamaya may nangyari na sa kanyang masama.

This is so unusual of him. Pati yung mga bodyguard na nagkalat sa bahay namin parang may tinatago sa akin. Hindi ko na nga alam ang gagawin sa totoo lang. Aware naman ako kung gaano ka confidential yung trabaho nya pagdating sa organization pero bakit pati sa akin kailangan nilang maglihim. Are they still not trusting me?

Binaboy ko ulit ng itim na acrylic paint ang malinis na canvas sa harap ko ng tuluyan ng mainis. Napatingin na tuloy ang kaibigan kong si Lily na ngayon ay nasa kalagitnaan ng pagpipinta pero agad ding natigil.

I smiled at her.

Hindi nya ako nakita ng matagal kaya gulat na gulat ito ng nagpakita ako kahapon sa studio ko. Buti daw at buhay pa ako. Sobrang dami nya pa ngang tanong pero ni isa wala akong nilabas na sagot patungkol sa totoong nangyari sakin. Hindi ko naman kase pwedeng sabihin ang lahat diba?

Kaya gumawa nalang ako ng kwento sa kanya at buti nalang talaga naniwala sya sa akin. She's my childhood friend, but telling her what really happened to me is strictly prohibited.

"Hinay hinay naman sa pagsasayang ng canvas hindi ka mayaman, Amelia." Pang aasar nya sa akin.

She continued stroking the brush on her canvas after that. Sobrang focus na sa ginagawa dahil may commision syang tinatapos ngayong araw.

Naiiling nalang ako sa kanya dahil hindi nya nga pa alam na may perang iniwan sa akin si Sebastian. Kung tutuusin kaya ko na syang pagawan ng sarili nyang studio eh para mas naeexplore nya pa yung artpiece nya ng hindi nahihiyang manghiram sa akin ng art materials.

"Ano ka ba, kakabayad lang kahapon nung kliyente ko Lily, may pera na ako ulit." pagsisinungaling ko sa kaibigan.

Tinaasan nya lang ako ng kilay.

Nakakaguilty man pero mas okay narin na wala syang alam sa lahat. I'ts for her own safety.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpipinta ng merong sunod sunod na bumusina sa labas ng studio ko.

Talaga nga naman ang babastos ng mga kotse na to! Napakaiingay! Akala mo mga hari ng daan palagi.

Naulit pa iyon ng isang beses kaya napatingin na ako. Hindi ba to titigil?

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon