Chapter 17

1.6K 24 1
                                    

Amelia

Nagising ako sa sunod sunod na ingay ng putok ng baril sa baba habang humahangos na sinipa ni Fernan ang nakasaradong pinto ng aking kwarto dahilan ng mabilisan kong pagbangon sa kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising ako sa sunod sunod na ingay ng putok ng baril sa baba habang humahangos na sinipa ni Fernan ang nakasaradong pinto ng aking kwarto dahilan ng mabilisan kong pagbangon sa kama.

Kaagad akong tinabunan ng ilang mga body guards habang si Fernan ay sunod sunod na nagpaputok sa di kalayuan.

They grunted cursed words while protecting me in their shadow.

Fuck! What the hell is happening!

"A...anong nangyayari?" kabado kong tanong sa kanila

One of the bodyguards gave me a 32 calliber gun na agad ko rin namang tinanggap. Mabilisan ko iyong kinasa and I positioned myself in a battle mode as I realized what's going on...I am ready to shoot any intruder who will even try to break into my room.

"Maam...pinasok tayo ng mga tuta ni Ivanov....Edgar yuko!" aligagang sabi ni Fernan sabay ng pagdapa namin sa sahig ng kwarto ko. Nagpalitan narin sila ng mga putok at dahil don nagkanda basag basag ang salaming bintana sa aking kwarto.

May ilang basag na salamin ang tumama sa amin kaya biglaan akong napapikit sa hapdi. Shit!

My left cheeks become sensitive ng may tumamang matulis na bagay sa akin.

Damn this assholes!

Sunod sunod na mura ang maririnig mo sa kanila ng sabay sabay kaming nasabuyan ng basag na salamin.

"Nakareceived kami ng secret message mula sa interpol maam nasa lima ang assassins na pumasok dito, habang nilolocate na ni Sir Damon yung dalawa pang sniper ilang kilometro lang ang layo sa bahay nyo...dumapa lang kayo maam, marami sila sa baba delikado tayo." hinihingal na paliwanag ni Fernan habang pinoprotektahan ako.

My body froze on what he said. Tumigil ata saglit ang oras sa akin at hindi maproseso ang mga nangyayari. Ang dami kong gustong itanong sa kanila pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Our life is now in danger! Ano bang gustong gawin ng matandang iyon sa akin? Fuck his men!

Narinig kong nanghihingi na ng back up sila Edgar at Fernan sa suot nilang earpiece at ganon nalang ang kabog ng dibdib ko ng mapagtanto kung gaano kadelikado ang nagyayari sa amin ngayon.

"I need to call Sebastian." mahinang bulong ko.

Kukunin ko palang sana ang phone ko sa aking kama ng bigla akong higitin ng isa sa kanila para dumapa. Isang bala ang muntik ng tumama sa akin kung hindi lang ako napigilan. Napadaing ako sa sakit dahil sa maling bagsak, samantalang nagkukumahog namang nagpunta sila Edgar sa bukana ng bintana para magpaputok sa pinanggalingan ng bala.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon