Chapter 24

1.2K 16 1
                                    

Amelia

Naisipan muna naming umuwi ni Lily sa penthouse para makaligo kaming dalawa at makapagdala narin ako ng mga kakailanganin na gamit ni Sebastian sa mga susunod na araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naisipan muna naming umuwi ni Lily sa penthouse para makaligo kaming dalawa at makapagdala narin ako ng mga kakailanganin na gamit ni Sebastian sa mga susunod na araw.

Nasabi narin sakin ni Lily na hindi siya makakasama sakin sa pagbisita bukas sa hospital dahil may pasok na siya. Naintindihan ko naman dahil trabaho nya iyon, kailangan nya ring kumita ng pera.

"Sigurado ka ba, okay ka lang mag isa bukas?" pagtatanong nyang muli.

Tinutulungan nya na ako sa pagpapack ng mga damit na gagamitin sa hospital. Ginabi na nga kami ng uwi dahil sa sobrang traffic kanina.

Kabado akong ngumiti sa kaibigan bago tumango. Sa totoo lang hindi ko alam kung magiging okay ba ako bukas o kahit sa mga susunod pang araw. Lalo pa ngayon na mukhang ayaw naman sa akin ng lola at lolo nya.

They seems a bit off to me too.

"Oo naman, nandoon naman si Samuel at isa pa magbabantay lang naman ako Lily." sabi ko bago pinagpatuloy ang ginagawa.

She still looks so worried, tila hindi binibili ang rason ko. Napabusangot nalang sya habang nagtutupi ng damit.

"Basta tawagan mo ko pag may ginawa sayong di maganda yung lola nila ah. Lalo na ngayon jusko ka, buntis ka pa naman. Bawal ka magpaka stress." dagdag niya.

Napayuko tuloy ako at napatingin ng tuluyan sa aking tiyan dahil doon.

Ngitian ko lang sya ng pilit.

Lumipas pa ang ilang oras, hindi ako masyadong nakatulog nung gabi na at ngayong tinanghali ako ng gising, mag isa nalang akong babaik don sa hospital. Well kasama ko naman ang ibang body guard at may maghahatid naman sa akin na driver kaya ayos lang.

Napagpasyahan ko rin munang bumili ng mga prutas at pagkain para sa tanghalian bago magtungo doon. Hindi pa kase ako mag aalmusal dahil late na akong nagising.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ni Sebastian, naabutan ko na nakaupo si Samuel sa loob pero wala akong nadatnan na lola at lolo nya dito.

Himala.

He immediately stood up lalo pa ng makita akong maraming bitbit. Nilapitan din ako kaagad para kunin iyon sa akin.

"Bakit di ka nagpaalam sakin na uuwi ka pala? Tsaka sana pinadala mo nalang to kila Fernan." medyo masungit na sabi nya.

Binigay ko naman sa kanya yung mga gamit at pagkain na dala ko at nilapag nya iyon sa malapit na lamesa.

Napatingin ako kay Sebastian na nakaratay parin hanggang ngayon. Ganon parin ang kalagayan nya, still no response. But his now stable.

"ahm...busy ka kase kaya di na ako nagpaalam. Pero nagtext naman ako sayo." sagot ko.

Lumapit na ako ng tuluyan sa kama ni Sebastian. I looked at him and kissed him on his forehead. Hinaplos ko rin ang ibang takas ng buhok na humaharang sa mukha nya.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon