Chapter 26

1.2K 20 1
                                    

Amelia

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kwarto ni Sebastian habang inaantay syang matapos sa therapy session na ginagawa sa kanya kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kwarto ni Sebastian habang inaantay syang matapos sa therapy session na ginagawa sa kanya kanina. Nagising nalang ako ng makarinig ako ng malakas na pagtikhim sa gilid ko ng ilang ulit kaya napabangon ako ng di oras.

Napahikab ako sandali bago ko sya lingunan.

Even my eyes were still half open. Nadatnan ko na itong naka wheelchair habang nag aantay sakin, kaming dalawa nalang din ang tao dito sa loob.

Umuwi na siguro yung physical therapist nya kaya nandito na sya ngayon. Usually kase tumatagal iyon ng halos isang oras kaya umidlip muna ako.

Medyo nagkakapalagayan narin naman kami ng loob, hindi na sya masyadong ilag sa akin hindi kagaya nung mga naunang linggo. Pero masasabi kong para syang may split personality minsan dahil pabago bago ang mood na pinapakita nya sakin.

Kagaya nalang ngayon.

"uh...sorry sir nakaidlip ako." sabi ko.

He watched my every move habang papalapit ako sa kanya.

"Kung inaantok ka pa, you can go back to your room and sleep more." masungit na bungad nito.

Ano na naman bang ginawa ko Sebastian? Nagsusungit ka na naman?

Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot doon. Kulang ako sa tulog kaya siguro sumakit ang ulo ko tapos pilit ko pa syang iniintindi ngayon.

Gusto ko sanang inuman ng gamot sa sakit ng ulo tong nararamdaman ko pero di ko pa alam kung pwede ba ako magtake ng mga over the counter medicine.

Magpapasuyo nalang siguro ako kay Samuel mamaya na samahan ako sa OB ko para magtanong kung advisable ba saking uminom ng gamot para magpareseta nalang ako.

Hahanapin ko nalang siguro sya mamaya after ng task ko kay Seb.

Matamlay naman akong tumayo sa inuupuan kong malambot na couch bago ko sya pinansin.

"Ahm...hindi na sir. Kailangan nyo ring mag paaraw ngayon, Okay na po ako masasamahan ko kayo." sagot ko pabalik.

Alas otso y media palang naman ng umaga hindi pa gaanong kasakit ang araw sa labas kaya pwede pa.

Humikab muna ako ng isang beses bago ko hawakan ang wheelchair nya habang hinihilot ng marahan ang aking sentido.

Itutulak ko palang sana iyon palabas ng pinto eh pinigilan nya na ako.

"I can handle myself...no need to assist me. Just rest." He spat angrily.

Sya narin ang nag maniobra ng gulong ng wheelchair nya gamit ang kamay. Pilit nilalayo sakin ang sarili sakin at mistulang nag aabang na ngayon sa bukana ng pintuan.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon