Chapter 18

1.7K 27 1
                                    

Amelia

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba 'to kay Sebastian gayong sobrang busy nya sa pakikipag usap sa telepono

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba 'to kay Sebastian gayong sobrang busy nya sa pakikipag usap sa telepono. Halos abutin na siya ng isang oras don.

Kailangan ko kaseng i-update si Lily sa nangyari sakin, lalo na at malapit lang ang bahay nila sa pinangyarihan ng gulo. Nag aalala din ako sa kaibigan syempre. Pero hindi ko iyon magawa dahil naiwan ko nga ang selpon ko sa bahay namin.

Tanging si Samuel lang ang kasama ko dito sa labas ng naturingang bahay pala ni Sebastian. He has a lot of houses, halos di ko na mabilang kung ilan. Pero kung tatanungin nyo ako, isa itong tagong penthouse, na may sariling lawa sa di kalayuan. Nandidito nga kami nakatambay ngayon ni Samuel habang nag iihaw sya ng isda.

Naisipan nya kaseng mag swimming at dahil wala naman akong ginagawa nagpresinta na akong magprepared ng kakainin namin. Kaso sya naman tong mapilit at sya na daw ang bahala sa pag iihaw.

May malawak ding villa dito na siyang pinaggagalakan ng mga okasyon kung meron man yon ang sabi ni Samuel at ngayon, kasalukuyan kaming nakatambay dito. Samantalang si Sebastian naman nandodoon parin sa loob ng bahay may kausap sa telepono.

"Sigurado ka? Ayaw mong maligo, Amelia? The water is not that cold." anyaya nito.

Umiling ako.

Gustuhin ko man ayoko parin. Isa pa papaanong maliligo e ni isang damit nga na pamalit wala akong dala. Tsaka wala ako sa mood maligo ngayon mas gusto kong tawagan si Lily para makibalita.

Inilingan lang ako ni Samuel dahil sa pagtanggi ko.

Habang nag iisip ng malalim may biglang pumasok na ideya sa aking utak. Tama! Alam ko may number si Samuel ni Lily.

"Samuel, pwedeng makihiram ng phone mo? Tatawagan ko lang si Lily. Nag aalala kase ako don mamaya kung napano na malapit lang kase bahay nila sa gulong naganap kanina." paliwanag ko.

Natigil siya saglit sa pag iihaw, bigla nalang nagmadali na hanapin yung phone nya sa bulsa ng pantalon. Binuksan na ang selpon habang may kung anong chinecheck na mensahe.

"She's okay..." He grunt.

Tinago ulit ang selpon sa bulsa.

"Ba't mo binalik? Pahiram ako Samuel."

Nilingunan nya lang ako ng isang beses bago sunod na umiling. Itong siraulong to ang damot.

"Okay nga lang ang kaibigan mo, I asked her earlier at ngayon lang sya sumagot. Nasan ba ang phone mo at nanghihiram ka sa akin." gigil nitong sabi.

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako naupong muli. May tinago siguro to sa selpon nya kaya ayaw magpahiram tss.

"Naiwan ko nga sa bahay namin at tsaka bakit parang close na kayo ni Lily para sayo sya magtext. May ginawa ka no? Hoy! Ikaw, Samuel sinasabi ko sa'yo tantanan mo yang kaibigan ko ah. Marami pa yang hindi alam sa mundo lubayan mo yan, utang na loob."

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon