Chapter 27

1.2K 20 2
                                    

Amelia

Amelia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa kusina ako ngayon, tinutulungan si manang sa mga rekados na gagamitin para sa menudo. Nagcrave kase ako kanina at naisipan kong magpaluto nalang since hindi ko naman alam paano gawin iyon.

"How about a gender reveal? Hindi mo na icecelebrate? Going to 4 months na yung tyan mo diba? " tanong sakin ni Lily sa telepono

Nasa bahay sya ngayon ni Samuel, kaya bihira nalang kami magkita, sensitive kase ang pagbubuntis ni Lily ngayon kase lagi rin syang dinudugo kaya takot na takot si Samuel para sa kanya.

"Hindi na siguro Lily, wala rin namang maalala si Sebastian. Hihintayin ko nalang na makapanganak ako kung anong gender ng baby namin. Ikaw ang kumusta? Naka bed rest ka parin? si Samuel asan?" balik kong tanong sa kanya.

Naghihiwa na ako ng carrots habang si manang nagsisimula ng mag gisa.

"Wala sya ngayon eh, maaga pumasok sa trabaho. Nabobored na nga rin ako dito. Pero diba nakakalakad ng mag isa si Sebastian?" pagtatanong nyang muli.

I pursed my lips while smiling a bit.

"Yup, he's doing okay now."

Sa loob ng ilang buwan na lumipas bumalik na yung lakas nya, pero hanggang ngayon wala parin syang maalala. Regular naman syang nagpapacheck up pero till now, ang findings parin ng doctor sa kanya ay hindi sila sigurado kung kelan babalik ang ala ala nya. May times pa nga na nahimatay sya dahil sa sakit ng ulo dahil may sudden scenario syang naalala, pero sa tuwing tatanungin ko naman sya kung ano yon, ayaw nya namang sumagot.

Gusto ko pa sanang kausapin si Lily, pero di na natuloy dahil narinig na namin ni manang yung pagbaba ni Sebastian and As usual, nakabusangot na naman sya palagi tuwing haharap samin. Tss.

"Ahm...Lily, ano..tawagan nalang kita ulit mamaya nandito na yung bakulaw." I said before I hang up the call.

Madilim ang mukha ni Sebastian habang papalapit sa amin. His eyeing me seriously while his lips pressed into a thin line. Magkasalubong din ang makapal na kilay.

Problema nya na naman ba? Namumuro na to sakin. Kung hindi ang lola nya ang ang nakakabwisit sya naman. Mabuti nalang talaga umuwi na yon sa Italy,mag iisang buwan na rin iyon doon kaya tahimik na ang buhay ko dito.

Hindi ko sya pinansin pero nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga ng lumagpas sya sa likod ko habang may kinukuha na kung ano sa kitchen top malapit sa akin.

Pati si manang tuloy naiiling nalang sa inaasta nito dahil sagabal sya samin sa kusina. Ang laki laki nyang tao kaya halos sakupin nya yung kalahati ng espasyo dito.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon