Amelia
Inumaga na kami kakahinatay sa labas ng OR dahil sa operation na ginawa kay Sebastian. Wala pa kaming tulog at tanging pag upo lang sa malamig na metal chair ang ginawa ko. Si Lily kahit na may dalang pagkain ngayon ay hindi ko pinapansin. Tulala lang ako habang hinihintay na lumabas ang mga doctor para sa ibabalita nila.
Taimtim akong nagdadasal na sana kayanin ni Sebastian. Hindi ko kase maisip ang pupwedeng mangyari samin ngayon pag kinuha sya sa amin. Hindi ko kaya at ayokong mangyari yon.
"Amelia please! Kahit tubig lang uminom ka muna. Makakasama sayo yang ginagawa mo eh." pag aalala ni Lily habang hawak ang bukas na mineral bottle.
Mugto na ang mata ko at wala na akong luhang mailabas. Napapatingin narin si Samuel sakin na kasalukuyang tahimik lang sa malayong parte ng upuan. Narinig ko rin kanina na tinatawagan nya ang lola at lolo nya kaya sa palagay ko mas mapapa aga ang pag uwi nila dito sa Pilipinas.
Nanginginig kong tinanggap ang tubig na binibigay sakin. Tuyong tuyo na rin ang lalamunan ko sa kakaiyak kaya halos pangahalitan ko ang tubig dahil sa uhaw.
Pagkatapos kong uminom ay sakto namang paglabas ng mga doctor kasama ang ilang nurse.
Lahat kami dali daling napatayo para malaman ang kalagayan ni Sebastian.
"How's my brother, doc?" bungad agad ni Samuel
Lumapit ako sa kanya at kaagad naman akong hinawakan ni Samuel sa balikat para iharap sa doctor.
"Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong nung doctor.
Sasagot palang sana ako para ituro si Samuel pero naunahan nya na ako.
"She is the wife and I am the brother." sabi nya.
Napalunok nalang ako sa sinabi ni Samuel. Alam naman nating lahat na hindi pa kami kasal ng kuya nya. Masyado lang syang exaggerated.
"This must be hard to process pero tatapatin ko na kayo. The patient's head injury is very serious. Nagawa naman namin ang lahat para agapan yung pagdurugo sa utak nya but for now he's in a comatose state. Hindi rin ako makakapag bigay ng exact date or time kung kelan sya magigising but we are here to do a further observation, and I'm so sorry to tell you this but I see a lot of patient na ganto ang case and they are potentially had a memory loss. Especially with such a head traumatic injury kagaya nya ngayon, and for now hindi pa namin masasabi kung gaano kalaki yung naapektuhan sa memorya nya. Pero huwag kayong panghinaan ng loob. Usually the brain has an incredible ability to heal with time and rehabilitation so his memory function may improve later on. Sa ngayon ililipat muna namin sya sa ICU." pagpapaliwanag ng doctor bago ito umalis.
Ang tagal ko ata bago lumanghap ng hininga dahil sa pagpoproseso ng sinabi ng doctor. Si Samuel hinahagod na ang dalawang braso ko para lang makabalik ako sa reyalidad.
BINABASA MO ANG
Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)
Romance-MAJOR EDITING- In the dark underworld of organized crime, where loyalty is prized and trust is rare, a forbidden romance blossoms between Amelia, a struggling artist, and Sebastian Moretti, the enigmatic mafia boss. When their paths collide after A...