Chapter 3:My Boss' Son
*******Nagising akong wala na sa tabi ko si Cruzien. Bumaba ako sa kusina nagbabakasakaling nandoon siya, ngunit agad akong nanlumo nang wala akong madatnang Cruzien. Kinuha ko ang sticky notes na nakadikit sa lamesa at binasa ito.
'Good morning wife.I'm sorry for leaving you this early. I didn't wake you up 'cause I know you're too tired. Don't forget to eat your breakfast I prepared it for you. I love you wife.'
—Your Hubby.
Agad namang nawala ang tampo ko sa kanya dahil sa sulat na 'yon. Ang tahimik ng paligid lalo na't mag-isa lang ako. Umuwi na kasi ang mga parents namin kagabi, pinilit namin silang dito na magpalipas ng gabi ngunit may pupuntahan pa daw silang importante kaya wala kaming nagawa kundi ang pumayag.
Matapos mag-agahan ay nag-ayos na rin ako para pumasok sa trabaho.
"Good morning Kuya!" Bati ko sa guard pagkarating ko sa kompanyang pinagtatrabahuan.
"Good morning din Ma'am." Nakangiti nitong bati pabalik. Ngumiti nalang din ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Sumakay ako ng elevator paakyat sa opisina ng amo ko.
"Good morning Mrs. Aviola." Bati ko sa amo ko. Nasa mid forties na ito ngunit halata parin ang kagandahan ng hubog ng katawan nito. May anak itong lalake na sa pagkaalam ko ay nasa ibang bansa,dahil doon ito nag-aral.
"Good morning hija." Nakangiti nitong bati pabalik, napakaswerte ko sa aking amo. Dahil bukod sa mabait ito ay hindi ito masyadong bossy lalo na kung hindi naman importanteng bagay.
Dumeritso na ako sa table ko sa loob ng opisina nito at ginawa ang mga naiwang gawain. Lumipas pa ang ilang oras ay narinig kong tinawag ako ni Mrs.Aviola.
"Hija, come here!" She called me.
"Yes ma'am?" Patanong kong sagot habang papalapit.
"Can I have a favor hija?" She asked.
"Sure ma'am, what is it?" I asked.
"Can you fetch my son at the airport? I just have some important meeting to attend so I can't fetch him." She requested. Almost three years na akong nagtatrabaho dito ngayon ko lang nabalitaang uuwi ng bansa ang anak ni Mrs. Aviola.
"U-uh, sure ma'am," I nodded kahit alam kong napipilitan lang ako.
I don't want to make my husband jealous, he's too possesive when it comes to me. But still ayoko ko namang tanggihan ang amo ko lalo pa't ngayon lang naman ito humingi ng pabor.
"Thank you hija, mauna na ako," Pagkalabas niya ng opisina ay nag-ayos muna ako ng table bago umalis.
Pagkarating ng airport ay agad kong nakita ang anak ni Mrs.Aviola mula sa malayo. I know it's him, dahil nakita ko ito sa family picture na nakalagay sa table ng opisina ni Mrs. Aviola.
"Hey Miss! Are you my mom's secretary?" He asked ng makalapit sa aking kinaroroonan.
"Yes sir, your mom asked me to fetch you here."
He just nodded at nauna nang maglakad papunta sa sasakyan. Buti nalang at kasama ko ang family driver nila.
Habang bumabyahe pabalik sa company nila ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, kahit langaw ay mahihiyang mag-ingay sa sobrang tahimik. Pero mas okay na rin ang ganito dahil ayaw ko ring makipag-usap sa ibang lalaki bukod sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...