Chapter 19:His Birthday
******It's been a month mula nang malaman naming buntis ako. And now my baby is two months and two weeks already.
Tumawag sa'kin ang pinsan kong OB na si Shanaia. Since two months old na daw ang tummy ko ay pwede ko nang malaman ang gender ni baby.
Gusto ko sana na ngayon mag pa-ultrasound, but since it's Cruzien's birthday ay na postpone ang plano kong pagpunta ng OB.
His parents planned a big party to celebrate his birthday and for having their first grandchild as well.
Ala sais palang ay nag-ayos na kami. Nagsuot ako ng isang black off shoulder dress, lampas tuhod ang haba nu'n and for footwear naman I choose to wear flat sandals for my baby's safety. Tumingin muna akong muli sa salamin bago nagpasyang bumaba.Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng makita si Cruzien. He's seriously sitting on a single couch, wearing his gray tuxedo. Nang dumako ang tingin nito sa akin ay kaagad itong tumayo at lumapit sa akin upang alalayan ako pababa.
"Happy birthday handsome birthday boy," bati ko sa kanya ng tuluyan na kaming nakababa ng hagdan.
"Thank you, Wife."
Ngumiti lang ako. Pagkalabas ng bahay ay nakita ko ang isang black Bugatti Centodieci na nakaparada sa labas ng gate, marahil ay iyon ang gagamitin namin.
Inalalayan niya ako patungo sa sasakyan at pinagbuksan ng pintuan siya din ang nagsuot sa'kin ng seat belt. Pagkatapos ay umikot na ito papasok sa driver seat at pinausad na ang sasakyan.
Tamang tama na mag e-eight o'clock nang dumating kami sa mansion mga Cassivere marami na ang mga bisita at karamihan sa mga ito ay mga business man.
Party will be started at eight o'clock. Maya maya pa ay tinawag na nga ang pangalan ng asawa ko, kaya tumayo naman ito at umakyat sa stage.
Matamis akong ngumiti ng nasa stage na ito, upang simulan ang kanyang speech.
"Good evening everyone, thank you for coming and putting effort to come and join us in this special event. And to my gorgeous wife, can you come over here?" patanong na ani nito habang nakatingin sa akin. Napatingin ako kila Mommy. Nakangiti itong nakatingin sa akin I also saw her mouthed the word 'go on'.
Nag-aalangan man ay tumayo ako upang pumunta sa harap. Hindi pa man ako nakalapit sa stage ay sinundo na ako ng asawa ko upang alalayan paakyat, kaya ang mga bisita naman ay panay kantyaw sa amin may iba ding kinikilig sa ginawa ng asawa ko.
"Everyone, let me introduce to you'll my sexy and gorgeous wife," aniya habang nakaharap sa mga bisita. "By the way she's Tashiara Gaile Teraña-Cassivere," pagpapatuloy niya pa.
Matapos niya akong ipakilala ay bumaba na kami ng stage at nagtungo sa table kung nasaan ang parents namin. Habang naglalakad papalapit sa kanila ay madaming bumabati sa asawa ko kaya panay kami hinto upang makipag-usap.
" I didn't know that the well known business man was married already!" namamanghang ani ng isang matandang lalaki na sa palagay ko ay business partner ng asawa ko.
"I think that time you're out of the country Mr.Ishii," ani ng asawa ko.
Napatango-tango naman si Mr. Ishii. "Yeah, maybe you're right."
"So, we'll go ahead Mr. Ishii," paalam ng asawa ko.
"Sure, by the way nice meeting you hija," nakangiting baling nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...