Chapter 21 :Anniversary
*******Like what Cruzien promised, he spend his time with me. Kaya sa tatlong buwang nagdaan ay pakiramdam ko ay buo ako. He made me felt complete and contented. Naranasan kong muli ang maging masaya sa piling niya, at naramdaman kong muli ang pagmamahal at pag-aalaga niya na panandaliang nawala. And I hope na magtuloy-tuloy na 'to.
"Wife, get up our breakfast are ready," malambing niyang ani habang pinapatakan ng magagaang halik ang pisngi ko.
"Five minutes more hubby, I'm still sleepy," inaantok kung sabi habang nakapikit parin.
"Wife, you're always like this. Please wife, you can go back to your sleep once you finish your breakfast," malumanay parin nitong saad. Hindi ko alam pero araw araw nalang akong ganito, palagi akong tinatamad bumangon tuwing umaga. Siguro dala narin 'to ng pagbubuntis ko. Habang palaki ng palaki ang baby sa tiyan ko mas lalong lumalala ang cravings ko. Minsan kahit hating gabi na ay ginigising ko pa si Cruzien dahil sa may gusto akong kainin.
"Hurry up, wife. Tumayo ka na diyan kung ayaw mong buhatin kita pababa," pananakot pa nito.
Wala na akong nagawa kun'di ang bumangon. Tumayo ako at iniwan siya sa kama, dumeritso ako sa banyo upang maghilamos after that, ay lumabas din ako ng banyo. Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sa direksiyon ng banyo na parang kanina pa ako inaabangang lumabas.
Pagkababa namin ay kaagad na sumalubong sa amin ang nakangiting mukha ni Manang Celia.
"Magandang umaga hija," malawak ang ngiting bati nito sa akin.
"Magandang umaga din Manang!" bati ko pabalik.
Sumunod kami kay manang patungong dining area. Nakahain na ang pagkain sa lamesa kaya umupo na kaming mag-asawa. Kaagad akong inasikaso ng asawa ko, siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko, pinagtimpla niya rin ako ng gatas bago tuluyang umupo sa tabi ko.
Kasabay naming kumain si Manang Celia dahil parang pangalawang ina na rin ito ng aking asawa. Masaya kaming kumain habang nag uusap usap.
"So wife, are you in?" tanong nito. Inaaya niya kasi akong maglakad lakad ngayong araw.
"Sure, hubby!" pagpayag ko. Nasabi rin kasi ni Shanaia na mas maganda kung maglakad lakad ako para daw hindi ako masyadong mahirapan sa panganganak. At isa pa parang bonding narin namin 'yung mag-asawa.
"Well, that's great then," aniya pa bago muling sumubo ng pagkain.
***
TULAD ng napag-usapan ay lumabas nga kami at naglakad lakad. At umabot na nga kami dito sa park dahil lang sa kalalakad. Sinama din namin ang alaga naming aso na si Tazie sa paglalakad.Usap lang kami ng usap hanggang sa may makita kaming bench sa ilalim ng isang mayabong na puno ng mangga. Perfect spot talaga iyon para pagpahingahan.
Lumapit kami doon at naupo sa bench... I mean siya lang pala ang nakaupo dahil pinahiga niya ako habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang mga hita.
"Ang sarap magpahinga rito, napakasarap ng simoy ng hangin dahil sa malalagong puno ng kahoy," kumento ko.
"Yeah, napakaaliwalas at nakakarelax. Magandang tumambay dito kung marami kang iniisip," segunda niya sa sinabi ko.
"Hmm..." sagot ko nalang at bahagyang tumango. Lumipas ang ilang minuto ay wala sa aming nagsalita kaya namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok at bahagya pa niya itong sinuklay gamit ang kanyang mga daliri. Maya maya pa ay narinig ko ang pag-awit nito, hanggang sa unti unti na akong hinila ng antok.
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...