Chapter 22 : Nightmares
*******
Ngayon ang labas ko ng hospital. Halos dalawang buwan din ang pananatili ko rito dahil sa mga natamong sugat. Ngayon ay naghilom na lahat ng iyon at wala na ring bakas na makikita, na siyang ipinagpapasalamat ko. Ayokong mag-alala pa si Cruzien sa akin.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko upang sa pagbalik ni Cad ay magbabayad nalang kami ng hospital bill. Hindi ko parin alam kung paano sasabihin sa asawa ko ang pagkawala ng baby namin, hindi ko yata kayang makitang nasasaktan siya. Kasalanan ko 'to kung mas naging maingat lang sana ako.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa kamay ko, kasabay nu' n ang pagbukas ng pintuan kaya't mabilis kong pinunasan ang aking mukha.
"Are you ready Tash?!"
Lumingon ako rito, "Yeah."
Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag na may lamang damit. "Let's go?"
Tumango ako sa kanya at sumunod palabas ng hospital room. Huminto kami sa may nurse station upang magbayad, pagkatapos ay dumeritso na sa parking lot ng hospital. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago inilagay sa compartment ng sasakyan ang bag at umikot papuntang driver seat.
Inihatid niya ako hanggang sa labas ng village, balak pa sana niya akong ihatid hanggang sa tapat ng bahay ng tumanggi ako. Masyado na akong abala sa kanya.
"Salamat talaga sa lahat Cad," saad ko pagkalabas ng sasakyan.
"Wala 'yun Tash, malaman ko lang na okay ka. Okay na sa akin 'yun," nakangiti nitong ani.
"Sige na, bye Tash!" dugtong pa niya at nagmaneho na paalis.
Pagkawala ng sasakyan niya sa aking paningin ay nagsimula narin akong maglakad papasok ng village. Halos kalahating oras ang aking nilakad bago nakarating sa tapat ng aming bahay. Ilang beses kung pinindot ang doorbell bago tuluyang bumukas ang gate.
Gulat na mukha ni Manang Celia ang bumungad sa akin pagkabukas nito ng gate. "Diyos ko! Tash... hija pasok ka. Saan ka ba nanggaling at ano'ng nangyari sa'yong bata ka?!"
"Mahabang istorya po manang."
"Oh siya, mamaya ka na magkuwento pasok ka," aniya at binuksan ng malaki ang gate.
Kinuha nito ang bag na dala ko. "Halika tamang tama at nandito ang asawa mo—"
Nakita ko ang bahagyang pagtigil nito nang banggitin ang salitang 'asawa'.
"Nasaan po si Cruzien manang?" nagtatakang tanong ko rito.
"A-ah ano hija, kumain ka muna sa kusina may niluto akong pagkain du'n—"
Parehas kaming dalawang natigilan nang makita ang bumungad sa amin. It's Cruzien masayang tumatawa kasama si Amara sa may sala. Tila may dumurog sa puso ko dahil sa nasaksihan. Paano niya nagagawang tumawa habang nawawala ang asawa niya? Ni hindi niya manlang nga naisip na hanapin ako. Pinilit kong labanan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.
Lumunok muna ako upang mawala ang tila bumara sa aking lalamunan, bago tumikhim upang kunin ang kanilang atensyon. Sabay silang napatingin sa aking direksiyon, kasabay nu'n ang pagkawala ng emosyon sa mukha ng asawa ko. Nawala ang kaninang siya sa kanyang mga mata at walang buhay na tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...