Slight R-18
Chapter 5:Lunch
*********
Nagising akong wala na sa tabi ko ang aking asawa. Ilang linggo na bang ganito?
Sa tuwing paggising ko wala na siya sa aking tabi. Minsan gabi na rin siya umuuwi, kahit na lagi naman siyang nagpapaalam ay hindi ko pa rin maiwasang magtampo. I know he's just busy, but he told me that he'll always give a us a time. But he didn't.
This days masyado akong nagiging emotional, tuwing nararamdaman kong mag isa lang ako ay hindi ko maiwasang umiyak. Ayaw ko namang istorbuhin siya sa trabaho niya dahil alam kong nahihirapan din siya, lagi siyang pagod pag-uwi lalo na ngayon at nanakawan ng malaking halaga ang company nila.
Kahit tinatamad ay pinilit ko pa ring bumangon upang pumasok sa trabaho. Speaking of work, medyo close na kami ni Cadrick may pagkaweirdo siya minsan. But okay naman siyang kasama, hindi naman siguro magagalit ang asawa ko dahil magkaibigan lang naman kami ni Cadrick nothing more.
Pagkarating ko ng opisina ay masigla akong bumati kay Cadrick.
"Good morning Sir!" I greeted. I'm still calling him sir, dahil boss ko pa rin naman siya. But I'm calling him Cadrick when we're outside."Morning too, Tash." He greeted back while smiling.
"Do want coffee, sir?" I asked. "Yes, please?" He answered.
"Right away, sir!" He just chuckle at ibinalik ang tingin sa ginagawa. Matapos magtimpla ay ipinatong ko ang tasang may lamang kape sa kanyang table. Nakita kong siyang tumikim bago sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.
"You really got my taste, huh?" He said while smiling.
"Syempre, ako na'to oh!" Mahangin kong saad na nagpatawa sa kaniya. Umiling iling nalang siya matapos tumawa. Bumalik naman ako sa table ko at nagsimula nang magtrabaho.
Nung mag lunch na ay nag-aya si Cadrick na sa labas kami kumain na kaagad ko namang tinanguan. Pumunta kami sa isang sikat na restaurant malapit sa company. Kaagad siyang tamawag ng waiter upang mag order ng food and drinks, dahil wala naman akong alam kung anong masarap sa menu ay siya na lang ang pinapili ko. Habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng restaurant ay aksidenting dumako ang aking paningin sa isang pamilyar na pigura. Kaagad na kumalabog ng malakas ang aking dibdib ng makilala kung sino ito....ang asawa ko.
Nag-iwas ako ng tingin ng magkasalubong ang aming mga tingin. Nakita ko pang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kasama ko. Alam kong sa mga oras na 'to ay galit na siya dahil nararamdaman ko ang matatalim na titig na pinupukol niya sa'min ng kasama ko. Isa lang ang alam ko....lagot ako pag-uwi!
Nagmamadali kong sinubo ang pagkain dahil sa sobrang kaba. Napansin iyon ni Cadrick kaya't bigla siyang nagsalita.
"Are you okay? Dahan-dahan lang sa pagkain. Tingnan mo ang kalat mo na." Sabi niya sabay punas sa gilid ng labi ko na mas lalong dumagdag sa kabang nararamdaman ko. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin siguradong kanina pa nakahimlay ang kasama ko. Nagpapasalamat ako't hindi sumugod ang asawa ko, marahil ay dahil sa kasama niyang sigurado akong business partner niya.
Matapos kumain ay kaagad kaming bumalik sa companya. Nang malapit na kami sa company ay biglang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha upang tignan kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
Love And Agony
General FictionTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...