CHAPTER 22

18 5 0
                                    

Chapter 22: Lost

*******

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Inilibot ko ang aking paningin at wala akong ibang nakita bukod sa mga sirang gamit at upuan.

"Nasaan ako?" nagtatakang tanong ko sa sarili. At doon ko lang naalala ang nangyari bago ako nawalan malay. "Diyos ko po! kailangan ako ng asawa ko!" naiusal ko. Bigla akong napatingin sa aking tiyan nang maalala ang anak ko. Agad naman akong nakahinga ng maluwag ng maramdaman ko ito.

Tumayo ako mula sa sahig at nagtungo sa pintuan. Sinubukan ko itong buksan, ngunit naka lock ito.

"Mag-isip ka self kailangan mong makalabas dito, kailangan ka ng asawa mo, at kailangan mong iligtas ang ipinagbubuntis mo." Think, think, think," paulit-alit kong ani hanggang sa mapadako ang tingin ko sa may bintana. Mabilis akong lumapit doon, ngunit agad akong nanlumo nang makita kung gaano ito kataas.

Nanghihina akong umupo sa sahig, habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makalabas dito. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang bumukas ang pinto, at agad akong napatayo ng makita kung sino ito.

Nagmamadali akong lumapit sa kanya. "Kuya! parang awa mo na tulungan mo akong makalabas rito," nagmamakaawa kong ani sa kanya. Ngunit tumawa lang ito ng malakas.

"Ano ang akala mo sa akin, bobo? Pinaghirapan kitang dalhin dito, tapos sasabihin mong palabasin kita?! HAHAHAHA!"

"Istupida!" muntikan na akong matumba nang biglaan niya akong sinampal, mabuti nalang ay nakahawak ako sa isang upuan.

Lumapit ito sa akin at pinisil ang aking magkabilang pisngi. "Alam mo ba kung gaano ka laki ang halagang binayad sa akin? Sampung milyon,  kaya bakit kita patatakasin?" tanong nito habang nanlilisik ang mga mata.

"A-ano b-ba a-ang kailangan niyo sa a-akin?" umiiyak at nanginginig sa takot kong tanong.

Marahas nitong binitawan ang aking pisngi na siyang ikinatumba ko. Kaagad akong napahawak sa aking tiyan.

"Simple lang naman, gusto lang naman ng amo ko na makitang nahihirapan ka habang unti-unting nasisira ang binubuo niyong pamilya. Ang ganda diba?"

"Napahayop niyo! Para lang sa pera kaya mong gumawa ng kasamaan?!" galit na sigaw ko rito habang patuloy pa ring tumutulo ang aking mga luha.

"Shhhh... Tama na ang drama, magsimula na tayo para matapos na 'to."

Agad akong sinalakay ng matinding kaba nang makitang unti-unti nitong inalis ang kanyang saplot hanggang sa panloob nalang ang natira. "A-ano a-ang gagawin m-mo?"

"Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong masasarapan ka sa gagawin ko."

"Lumayo ka sa akin!" sigaw ko bago tumayo at tumakbo papalayo sa kaniya. Ngunit bago pa man ako makalayo ay nahablot niya na ang buhok ko. "B-bitiwan mo 'ko! P-parang awa mo na!"

"No babe, hindi pa nga tayo nagsisimula nagmamakaawa ka na. Mamaya mo na e-reserve' yan," aniya at dinilaan ang aking leeg. Patuloy pa ring tumutulo ang aking luha dahil sa pandidiri.

Pilit akong nanlalaban kahit halos hindi na ako makakita dahil sa luhang walang tigil sa pagpatak. Hanggang sa unti-unti niya akong naihiga sa sahig dahil sa aking pagod at panghihina dahil sa kanyang ginagawa. Pinunit niya ang aking saplot at patuloy niya akong hinahalikan sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.

Love And AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon