CHAPTER 12

20 19 0
                                    

Chapter 12:Bonding
*******

Months passed at mas lalong naging abala ang aking asawa dahil sa muntikang pagbagsak ng kompanya nila. Habang ako naman ay nagtatrabaho pa rin sa company nila Cadrick. Speaking of Cadrick mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa, we can tell na para na kaming matalik na magkaibigan. Kaso minsan naiilang ako sa klase ng mga tinginan niya, parang may laman na hindi ko mawari kung ano.

Nandito kami ngayon sa parke, naisipan naming lumabas dahil day off ko naman. Si Cruzien sana ang aayain ko kaso may importanteng meeting siyang pupuntahan at sakto namang tumawag sa'kin si Cadrick upang yayain akong lumabas. Kaya kaagad akong nag-ayos, miss ko na din lumabas at magliwaliw.

"Tash, halika dito!" napalingon ako kay Cadrick nang tawagin niya ako.

Nakangiti siya sa'kin habang hawak ang swing at ipinapaypay ang isang kamay ba parang inaanyaya akong lumapit sa kanya.

"Oh bakit mo'ko tinatawag?"

"Come here Tash, maupo ka dito at iduduyan kita," hinila niya ako papalapit sa swing at saka pinaupo doon.

"Kumapit ka nang mahigpit Tash!" sabi pa niya bago sinimulang itulak ang swing.

"Dahan-dahan lang Cadrick, baka mahulog ako!!" sigaw ko sa kanya.

"Don't worry Tash hindi kita hahayaang mahulog, basta kumapit ka lang!"

Hindi nagtagal ay nagustuhan ko rin ang pagtulak niya ng malakas.

"Lakasan mo pa Cadrick, whooooo!!" utos ko sa kanya sabay sigaw.

"Sure Tash!"

Nang makaramdam ako ng gutom ay itinigil niya ang swing. Pagkababa ko ay muntikan pa akong matumba dahil sa hilo. Nakakahilo ngang sumakay du'n pero nag enjoy naman ako.

"Let's go Tash. Maghanap muna tayo ng restaurant na malapit dito," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na iyon pinansin at hinayaan ko nalang.

Habang naglalakad kami upang maghanap ng restaurant na makakainan ay may nakita akong isang karinderya. Kaya kaagad ko siyang hinila palapit du'n.

"Ale, dalawang kanin, adobo, ampalaya, at dinuguan nga po!"

Nag antay kami ng ilang minuto bago dumating ang inorder namin...ko pala.

Kaagad na nanubig ang bagang ko pagkakita sa ulam na inorder ko lalo na ang ampalaya at dinuguan medyo matagal na rin kasi ang huling beses na kumain ako nito. Hindi ito ang unang beses na kumain ako sa ganitong kainan. Kahit mayaman kami ay wala namang akong pili sa pagkain, kung ano ang nakahain ay 'yun lang din ang kakainin ko.

Kaagad ko itong nilantakan, dahil sa sobrang pagkasabik. Ngunit natigil ang akmang pagsubo ko ng makitang hindi ginagalaw ni Cadrick ang pagkain niya.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko dito.

"I'm not familiar with those foods and mukhang hindi malinis ang pagkain nila," halata ang pagkadisgusto sa mukha nito. Medyo na offend ako sa sinabi niya kasi hindi naman marumi yung pagkain nila dito, pero kasalanan ko naman kasi hindi ko manlang siya tinanong kung kumakain ba siya sa ganitong kainan. Nakalimutan kong anak mayaman pala siya. Nasanay siguro ako sa asawa ko, kasi parehas kaming mahilig sa ganitong mga pagkain.

Love And AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon