Chapter 23:Changes
*******
Nagising ako dahil sa isang kalabog. Napatingin ako sa labas ng bintana. Madilim na sa labas, hindi ko alam kung gaano katagal ang tulog ko.
Napapitlag ako ng muling makarinig ng kalabog mula sa katabing silid. Sinundan iyon ng malakas na sigaw na tila galit na galit at sunod sunod na pagkabasag ng kung ano.
Mabilis akong napatayo ng mapagtantong galing iyon sa kuwarto naming mag-asawa. Mula sa silid na aking pinanggalingan ay dali-dali akong nagtungo sa kabilang kuwarto.
Bumungad sa akin ang basag-basag na mga gamit at ang nag-iigting ang panga at walang emosyong mukha ng aking asawa. Base sa hintsura nito ay malalaman mong lasing ito.
"You fucking whore! What the fuck are you still doing here?!" nanggagalaiting sigaw nito sa akin.
Nasaktan ako sa kanyang sinabi. I'm not a fucking whore and he know that. Napakasakit sa aking sabihan ng ganoong salita ng sarili kong asawa. Pakiramdam ko ang baba kong babae.
Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakatingin sa kanya, habang walang ampat sa pagtulo ang mga luha.
"Damn! Fucking answer me, why are you still here?Ano pa bang gusto mo at bumalik ka pa? Pera? O sadyang sawa ka nang magpakamot sa kanya kaya dito ka naman sa'kin?!"
Hindi ko napigilan ang sarili, mabilis akong lumapit sa kanya at pinadapo sa kanyang pisngi ang aking palad. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito, ngunit kaagad din iyong nawala at napalitan ng mapanuyang ngisi.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Asawa mo ako Cruzien hindi parausan, at lalong hindi ako kaladkaring babae tulad ng iniisip mo! Kilala mo'ko Cruzien. At sa lahat ng tao ikaw ang dapat na mas nakakikilala sa akin. A-alam mong hindi ko magagawa ang bagay na 'yan... alam mo 'yun!" tumutulo ang luhang sambit ko.
"Pero, okay iintindihin kita. A-alam kong nadadala ka lang ng galit mo at lasing ka pa. At sana bukas ay matauhan ka na." Huling sambit ko bago luhaang nilisan ang silid.
***
Isang linggo na mula nang makabalik ako sa bahay naming mag-asawa. Akala ko kapag natapos ang gabing yun ay babalik na kaming muli sa dati, na matatanggap niya na ako, at marerealize niyang hindi ko kasalanan ang nangyari sa anak namin. Ngunit akala ko lang pala, dahil kinabukasan ay para nalang akong hangin na dinadaan daanan niya lang, at isang walang kwentang bagay na hindi niya na kailangan. Gabi na siya kung umuwi minsan nga ay inuumaga na, kadalasan ay hindi.Hindi ko man aminin alam kong may nagbago. Wala na ang dating saya at sigla sa aming pagsasama, wala na din ang tahanang puno ng pagmamahalan para nalang itong simpleng bahay na walang sigla at kulay. Masakit para sa akin na parang ang dali niya lang itapon ang lahat. Pero heto nandito parin ako naghihintay at umaasang babalik pa kami sa dati.
Mabilis kong pinunasan ang luhang namamalisbis sa aking pisngi ng makarinig ng katok mula sa labas ng pintuan ng kuwarto ng anak ko.
"Hija! Tanghali na bumaba ka na muna at kumain kagabi pa walang laman ang tiyan mo!" ani manang mula sa labas ng pinto.
"Wala po akong ganang kumain manang," sagot ko sa namamalat na boses.
"Tash hija, huwag mo naman sanang parusahan ang sarili mo ng ganito. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niyong mag-asawa, ayokong nakikitang nagkakaganito kayo." Napaluha ako ng marinig ang sinabi nito.
"Alam kong nahihirapan ka, nasasaktan. Pero huwag mo naman sanang hayaan na malugmok ka sa kalungkutan. Isipin mong isa lamang itong pagsubok sa inyong mag-asawa. Lagi mong tatandaan may plano ang diyos, malalagpasan niyo din ito," dagdag nito. "Oh siya, sumunod ka nalang sa akin sa ibaba."
Napaisip ako, dahil sa mga sinabi ni manang, kung pagsubok man ito ay kailangan kong gumawa ng paraan upang muling bumalik sa dati ang pagsasama namin. Huwag ko dapat hayaang dito nalang ako sa isang tabi at magmumukmok habang unti-unting nasisira ang pamilyang aking binubuo. Kung galit sa akin ang asawa ko ay gagawa ako ng paraan upang mapatawad niya ako.
Dali-dali akong tumayo at pumasok sa loob ng banyo at naghilamos pagkatapos ay nagbihis at itinali ang buhok bago bumaba.
"Oh, mabuti naman at bumaba ka. Halika kumain ka muna at mukhang may pupuntahan ka," saad ni manang at pinaghandaan ako ng pagkain.
"Saan ba ang punta mo hija?"
Mula sa pagkain ay ibinaling ko ang tingin kay manang Celia. "Pupuntahan ko po ang asawa ko sa kanilang kompanya," sagot ko dito. "Salamat po pala manang, sa pagbubukas ng aking isipan. Tama po kayo hindi po pwedeng magmumukmok nalang ako at walang ginagawa."
Ngumiti ito ng tipid, "salamat naman at natauhan ka na hija, sana maayos niyo ang relasyon niyo."
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko.
***
Nandito ako ngayon sa harap ng kompanya ng asawa ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka itaboy ako nito, ngunit mas nananaig sa akin ang kagustuhang maayos ang relasyon namin.Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagpasok. Habang naglalakad sa hallway ng building ay panay bati sa akin ng mga empleyado ng kompanya. Pagkapasok ko ng elevator ay pinindot ko ang numero kung nasaan ang opisina ng asawa ko. Habang pataas ng pataas ang elevator ay siya ring palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.
Pagkahinto ng elevator ay kaagad akong lumabas. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang sekretarya ng akimg asawa upang magtanong, ngunit hindi ko ito makita kaya't dumeritso ako palapit sa pintuan ng opisina at pinihit ang pintuan. Nag-iinit ang pisnging napayuko ako dahil sa klase ng mga tinging bumungad sa akin. Kaagad akong humakbang palabas at isinara ang pintuan ng mapagtanto ang nangyari. Hindi ko alam na nagmemeeting pala sila, nakakahiya na bigla-bigla nalang akong pumasok sigurado akong naabala ko ang kanilang pagpupulong.
Pabalik-balik akong naglalakad sa labas ng opisina nito habang hinihintay na matapos ang kanilang meeting. Kinakabahan ako, alam kong sa klase ng titig na ipinukol sa akin ng asawa ko ay siguradong galit ito, ayokong madagdagan ang kasalanan ko sa kanya.
Napatigil ako sa kalalakad nang magsilabasan ang mga tao sa kanyang opissina. Napatingin ako sa may pintuan nang biglang nagtama ang aming mga paningin, para itong nagbabanta. Sumenyas siya sa akin bago muling pumasok sa loob.
Kinakabahang ko ang aking mga paa papasok sa kanyanv opisina. Bumungad sa akin ang isang nakakapasong tingin.
"What the fuck are you doing here?!" Napapitlag ako dahil sa sigaw nito.
"Didn't I told you that I don't want to see your face? Hindi mo ba maintindihan na kaya hindi ako umuuwi, dahil ayaw kitang makita? Ano ba ang mahirap intindihin du'n?!"
Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Nanatili akong tahimik, habang unti-unting pinipira-piraso ang aking puso. Ang kanyang binitawang mga salita ay parang mga karayom na tumutusok sa aking dibdib.
"Pinahiya mo ako sa mga ka business partner ko. Alam mo bang mga importanteng tao yun?! Be thankful that they still sign the contract."
"I'm sorry, hindi ko alam," nakayukong saad ko.
"Malamang hindi mo alam. Wala ka namang ibang alam kundi ang lumandi diba?"
Napakuyom ako ng aking kamao upang pigilan ang sariling sampalin ito. Gusto kong maayos ang relasyon namin kaya hanggang kaya ko titiisin at tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita na manggagaling sa kanya.
Naputol ang katahimikan sa pagitan namin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello 'ma."
"We're okay 'ma, don't worry."
They know what happened to me, about my miscourage and the kidnapping. Pero hindi nila alam ang nangyayari sa aming mag-asawa.
"Yes' ma, sure."
Pagkapatay nito ng tawag ay kaagad itong lumingon sa akin. "Mama wants to have a dinner with us. Prepare yourself and don't ever do stupid things, ayokong malaman nila na hindi tayo maayos." ani nito at iniwan akong mag-isa. Doon ko na hindi napigilan ang mga luhang tumakas sa aking mga mata.
A/N:slow and short update, please bare with me syug!
************
INKZYJAM
BINABASA MO ANG
Love And Agony
قصص عامةTashiara and Cruzien's married life, was so perfect. They love and cherish each other, an understanding wife and a loving and caring husband. Ngunit sabi nga nila walang perpekto sa mundo, dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang kanilang...